Naligo ako ng mabilisan at paglabas ko nakita ko ang isang paper bag na nasa kama. I check it, isang tshirt at isang semi pajama may mga undies na nakapaloob pa dito. Mga bago lahat dahil nakita kong may mga tag pa. Kinuha ko at bumalik sa banyo upang magpalit. I feel creepy here, kaya pinili kong sa banyo na lang magpalit. Nagpapalit ako ng biglang may kumatok sa pinto, binuksan ko ito at isa sa kasamahan nila ang nasa labas. May inabot itong isang first aid kit, sinabihan akong linisan daw ang aking sugat sa kamay. I look at my hands at nakita kong mahaba pala ang hiwa nito kaya pala maraming mga dugo kanina na nagsitalsikan. Hindi ko man lamang alintana ang sakit nito. Tumango ako sa kanya at sinabing hintayin ako saglit at lilinisan ko lang ito. Isa akong nurse kaya mabilisan ko lang

