Paglabas namin sakto namang dumating sila Boss Jacob at ang mga tauhan nito. Sinabi ko sa kanya ang mga plano ko. Gusto kong tanggalin lahat ng mga kagamitan nila dito habang wala pa si Tita at Tito. Tumawag si Boss ng mga tauhan niya na magdala dito ng mga truck na malalaki at pinatanggal ang lahat na mga kagamitan dito. Lahat lahat mga ref, upuan, tv at mga appliances na nakalagay. "Ask someone to remove also all the ceiling at mga chandelier na naka lagay dito. Sinabihan naman na ako ni Tita at Tito na ako na ang bahala pa dito basta mailigtas ko lang ang kanilang anak," ani ko kay boss. "Tell Shadow not to come here with his parents. Paano pala ang pambili ng mga bagong kagamitan?" Tanong nito, alam ko namang ayaw nitong gumasto kaya nagtanong ito. Hinugot ko ang hawak kong unlimited

