Humahalakhak silang lumabas dito at rinig na rinig ko pa ang mga paputok nila ng baril kaya sumilip ako at tumingin sa labas. Napaawang ang aking bibig sa nakita, nakahandusay lahat ng mga kinuhang body guard ni tita at tito. Inutusan ko ang dalawa kong tauhan na tingnan sa labas at baka patayin din nila ang aming mga tauhan. Bumaba naman agad sila Benny at George, hindi ko pwedeng iwan si James at Montero kaylangan na nilang uminom ng gamot. "Layuan niyo sila at huwag salubungin tagilid pa tayo sa ngayon. Ayoko namang mapatay nila kayo ng walang kalaban laban man lang. They're very strong at hindi pwedeng magpadalus dalos sa ngayon. Kaylangan nating mailigtas sila Mr. Thompson kaya be aware," binalaan niya kaming lahat kaya alam kong alam na ng mga iba naming kasama dito. Lima lang ka

