FELY'S POV “A-Anong pag-uusapan natin?” Halos hindi na ako makahinga matapos itanong iyan dahil sa kakaibang sensasyon na dulot ng mga sinabi nito sa akin. Ang mga mata niyang nakakaliyo, nakakatunaw, at nakakaloko. At nang bigla siyang ngumisi ay mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko. Napahigpit ang hawak ko sa kutsara at hindi na maituloy-tuloy pa ang pagkain. “What do you think?” he asked, playful smirk visible on his face making me jolt out of fear... and excitement. Napatampal ako ng noo sa aking isipan. Excitement? At may gana pa akong makaramdam nito gayong alam ko na kung ano ang ibig niyang sabihin? “A-Ah,” hindi mapakaling tugon ko. “D-Dahil sa ipis?” Ngumiti pa ako ng pilit kahit na ang totoo ay gustong-gusto ko nang lumubog sa lupa. “Nope,” sagot nito, ang ngisi ay na

