FELY'S POV This is probably one of the most embarassing moments of my life. Iyong mahuli kang nakikinig sa usapan ng iba. Iyong pakiramdam na mas gugustuhin mo pang magpalamon sa lupa kaysa harapin sila. I look dumb as f*ck! Napako ako sa aking puwesto at ngumiti ng pilit bago kumaway na parang bata. “M-May ipis kasi,” palusot ko na hindi malaman kung saan ituturo ang daliri. “P-Papatayin ko sana.” Mariin akong napapikit nang biglang nagbago ang ekspresyon sa mukha nilang lahat. Mula sa gulat na itsura ni Kiefer at Maxim ay napalitan ito ng ngisi at nakakalokong tingin na para bang may nadiskubre silang nakakatuwa. Habang si Kio... bigla siyang nag-iwas ng tingin at naupo sa sofa na tila ba naging balisa. Nagulat ako roon. Hindi gano’n ang reaksyon na inaasahan ko mula sa kanya, ang a

