Kabanata 4

3252 Words
Kasalukuyan akong nakasakay ngayon sa kotse ng tiya. Laman ng kuwento at pag-uusap ang naging byahe namin papuntang school. todo rin naman ako sa pagganti ng sagot. Medyo kinakabahan ako sa magiging unang araw ko. Hindi ako sanay sa ganitong paaralan. Mga yayamanin ang nag-aaral... Puno rin ng laman ang isip ko sa nangyari kahapon at pag-o-overthink sa magiging araw ko kung magiging maayos ba o kagaya pa rin ng dati. But i hope it would lead me to different than before o mas lalala lang? Napailing ako ng gumarahe na ang kotse ng tiya, gilid lamang ng paaralan, labas ng gate. "Haggang dito na lang ako isab. Si manong na ang sa susunod na magsusundo sa 'yo at mamayang uwian. Maging maganda sana ang unang araw mo!" She smiled sweetly. Sana nga... Tumango ako at bumaba na ng kotse. Maraming studyante ang pumapasok, labas ng gate at ang iba ay lumilingon sa gawi ko. Kinawayan ko ang titang papalayo na sa akin. Napakapit ako sa magkabilang hawakan ng bag ko.  Buntong hiningang nilakasan ang loob. Maaga pa naman at dapat na hindi ako kabahan dahil hindi pa ako late pero isang taon rin akong tumigil sa pag-aaral at hindi ko alam kung anong magiging reaksyon nila sa 'kin at baka kagaya lang din ng dati. Kung tutuusin ay first year shs na sana ako ngayon kung hindi ko lang sinayang ang isang taon pero wala na e, naganap na ng dahil sa kahirapan. Naglakad na ako papasok ng school ng napatigil ako ng biglang may nagbulong-bulongan at nagtilian. Napakunot noo ako. Anong meron? Mas lalong nagtilian ang mga studyante at halos kababaihan. I know this, campus crush nila andito. Always naman kasi may gan'to sa bawat school e. "Nasa SHS second year ang true love!" "Muli ko na namang masisilayan ang gwapong mukha nila!" "Ang mag pinsan!" "Adam myloves!" "Help me! I'm falling for them!" "They're stunning every single day!" Ang o-oa lang? Nakipagsiksikan ako sa kanila. Ang iba ay tinarayan nila ako at nainis sa pagsiksik ko, hindi ko na lang pinansin i got corious e. Nang nasa unahan na ako ay ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko sa nakita. So sila pala ang campus crush dito? Napalunok ako. 'Di ko inaasahan na dito pala sila nag-aaral. Walang nabanggit ang tiya sa akin. Dalawang matitikas na lalaki ang bumaba sa sasakyang aston martin. That car is familiar. Ang unang lumabas ay natitiyak kong si adam at ang pangalawang lumabas ay ang ikinagulat kong lalo.  Dire-diretso ang lakad nila sa gitna, hindi pinapansin ang mga babaeng nagtitilian sa gilid. Lumampas sila sa gawi namin ay nanahimik ang mga studyante at naglakad na rin papunta sa mga room nila. Ang kasunod noon ay ang pagbell.  God. Simula na, i'm late! Patakbo akong pumunta sa classroom ko. Hingal akong tumigil sa tapat ng pintuan. Tiningnan ako ng teacher na magsisimula na sana at mga studyanteng napalingon sa 'kin. "Transferee?" She asked me while looking at me. "Y-yes ma'am," kabado. She nodded. "Come beside me, introduce your self." I smiled and nodded but she didn't smiled back. Ayon nga ang ginawa ko. Tumabi ako sa kaniya. Inilipat ko ang tingin sa buong klase. Nanginig ang mga tuhod ko sa mga titig ng mga ito. Tahimik lamang sila. Mahina akong umubo at nagpakilala.  "Good morning. I'm Sabrina Meloryn Savino.. s-seventeen years old. Transferee.." Pagkatapos noon ay pinaupo na ako ng guro namin sa pangalawang linya ng dulo dahil doon lang ang may bakanteng upuan. Nginitian ako ng ibang studyante pero ang iba ay binalewala lang ako.  Nagpakilala rin ang guro at nagbigay lang ng kaunting instruction at nagpaalam. Ganoon din ang nangyare sa sunod na subject. Dahil first day ay nagbibigay lang ng mga instruction at schedules namin. Bukas daw ang pinakasimula ng klase ngayon ay pwede raw naming libutin ang school para sa sunod ay alam na namin ang kasunod na sub ject na pupuntahan namin. Lalo na ay marami raw ang transferee ngayong taon. Natapos ang tatlong subject at nagbell na. Tiningnan ko ang schedule na ibinigay sa amin.  It's cafeteria time. Ang pinakagusto ng lahat ng mga studyante sa loob ng skwelahan. Tiyak na ang iba sa mga classmate ko ay papunta na roon pero wala pa akong ganang lumabas ng classroom.  May baon ako at wala akong balak makihalubilo sa sandamakmak na studyante. Hindi lang ako sanay lalo na at nasa loob ako ng skwelahan na puro mayayaman ang nag-aaral. Baka mamaya ay isang mpagkakamali ko lang ay... "Hi!" Kasalukuyan akong naglalabas ng baon ko dahil kaunti na lamang kaming studyanteng nandito sa loob at natitiyak ko maya maya ay ako na lang mag-isa rito pero nagkakamali ako. Kumuha siya ng upuan at itinapat iyon sa akin sabay upo.  Wala akong balak na makipag-usap... pero ang ganda niya. She's so beautiful with that tan skin. She is like a model at ang ganda ng pagkakalugay ng bagsak niyang buhok. Singkit ang mata at maliit ang mukha. Her make up suits her too. Nanliit ako. "Sabrina, right?"  Tuluyan ko na ngang nailabas ang baon ko. Kaming dalawa na lang ang naiwan sa classroom.  "Y-yeah.." Ngumiti siya sa akin dahilan ng pamulahan ako.  Kailan ko ba naranasan na magkaroon ng kausap sa loob ng skwelahan? Si aloui lamang ang nakasanayan ko.  "I'm Richellien Plandoza but call me richel for short." Again she smiled sweetly. Tumango ako. Nanatiling nakahawak sa baon. Ngunit nanlaki ang mga mata ko nang naglabas din siya ng baon.  "I always prepare eat inside the room than eating in the cafeteria. All students there are suck kaya simula ngayon makakasama mo ako rito." Aniya nang nakita ang naging ekspresyon ko at binuksan ang kaniya at nagsimula nang kumain. Napailing ako at nagsimula na ring kumain. It's annoying eating with someone i can't call a friend.  "Ganoon din ako... pero 'di ako sanay ng may kasamang kumain—" "Simula ngayon kailangan mo nang masanay."  I guess. I smiled bitterly. But i will always remember aloui said. 'Not to trust anyone... "I heard that you are living in deverell's place."  Napkurap kurap ako sa sinabi niya. Paano niya nalaman?  "Don't worry, i am the only one who know that for now.." pero paano niya nalaman? Kapamilya niya ba ang mga deverell? "P-paano mo nalaman?"  "Simply, i heard it from kondrad's babbling the other day. I accidentally heard it and it's not hard to." Tumango na lang ako pero sinong kondrad's? Parang pamilyar. Kondrad... Saan ko ba 'to narinig. Ilang minuto ang natapos bago kami natapos sa pagkain. Sabay naming iniligpit ang mga gamit namin. "You're a shy type, huh.." she mumbled.  "B-baka nga..." sagot ko without looking at her. She crossed her arms. "Don't be shy to me! We are friends from now on! Wala nang hiya hiya at pakapalan na ng mukha!" She laugh as if we're close. Did it the first time i heard it right? K-kaibigan? M-may kaibigan ako sa loob ng skwehan na 'to? Did aloui's wrong? Did she prove it wrong? Na hindi lahat ng tao ganoon sa akin? Aloui nasaan ka man sana magkita tayo muli para mapatunayan ko ngang totoo ang mga kaibigan. All my life i am always alone.. si aloui at si mommy lang ang nasa tabi ko sa mga araw na 'yon. Kaya mali ba ang magtiwala muli? Mali ba ang sumubok na magkaroon muli ng kaibigan?  Kaibigan... i tried to smiled at her. Could it be feel good to have a friend? But i think i had enough.  "And really? Ang hinhin mo!" Pranka niya. "But you're very pretty kaya hindi na kataka taka kung bakit nagsisibali ang mga leeg ng mga boys kanina pagpasok mo sa school na 'to." My eyes widened. Hindi naman sa nagmamayabang ako pero sanay na ako sa mga ganoon. 'Di ko lang mapaniwalaan sa ibang dahilan. Ni hindi ko na nga iyon napapansin. "Boys admired you. Look, you have a perfect body and a perfect face kahit itago mo pa iyon sa uniform mo at eyeglass mo ay makikita at makikita pa rin. And your hairpin, you look so innocent.." and she whispered something. "Kahit nerd kang tingnan." My cheeks heated because of her compliment on me. I don't need praise by others. I would rather be insulted like before than this. Ayokong magmayabang. Ayokong gumaya sa mga babaeng ganoon. Ito na kaya ang sinasabi ni tita?  "Salamat.." tanging nasabi ko. She nodded slowly. "Want to roam around the school?"  Sasagot na sana ako na dito na lang ako sa loob pero hindi niya ako pinagsalita at hinatak na palabas ng classroom. Muntik pa akong madapa at mahulog ang glasses ko. "I'm sorry."  She apologize. I nodded. Telling her it's okay. "Are you okay?" Nang nakita niyang nakayuko lang ako.  "Yes i-im okay, hindi lang ako sanay.. ngayon ko lang kasi ito naranasan." Nahihiya kong paliwanag.  Itinaas niya ang baba ko para magtama ang mga mata namin.  "I am now your friend, don't worry." Pinilit ko ang sarili ko na umayos at umakto ng normal. Nilibot nga namin ang buong school. Nalaman ko kung saan ang cafeteria. Ang mga sections, library, offices at faculties etc. Masaya din pala ang ganito. Ang may kasamang maglibot sa skwelahan sa unang klase. Ngayon ko lang nalaman na masarap pala sa pakiramdam.  "Oh 'di ba, sobrang saya! Look, you're smiling now!" Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. "S-salamat" "Oh.. nonsense." Tinapik niya ako sa balikat. "Next time isasama kita sa mga outing ko—" naputol ang sasabihin niya dahil biglang nagring ang phone niya na nasa kaniyang bulsa. Itinuro niya ang phone para sa excuse. Tumango ako kaagad at naupo sa bench. Lumayo siya ng kaunti sakto lang para hindi ko marinig ang usapan nila. Nandito kami ngayon sa unahan ng building. Kung saan ang mga benches. Ilang sandali bago siya bumalik sa pwesto ko. Nagpaalam siya sa akin dahil may meeting daw siyang pupuntahan at kailangan daw siya roon. Naghintay ako sa gilid ng gate. Halos limang minuto akong naghintay. Nang nakita ko nang parating ang van ay nag-ayos kaagad ako at pumasok sa loob nito nang huminto ito sa harapan ko. "Paumanhin hija, may inasikaso lang ako sandali kaya nahuli ako ng dating." Paumanhin ni manong. "Okay lang po manong. Kakarating ko lang rin naman hu." Nakauwi kami kaagad ngunit wala pa si tita at tito. Sinalubong ako ni mommy. Wala pa din si adam. Nasaan kaya iyon?  "Ano okay ba ang unang araw mo?" Iginiya ako niya ako sa kwarto ko. Nagbihis ako at nag-usap kami. "Okay na okay ma!" Ganado. It's my first time na sa unang araw ko ay ganoon ang anging bungad sa akin. "May naging kaibigan ka ba?" She tried to ask me gently. Nilaro ko ang kamay ko. Tawag ba dun ay kaibigan? "O-opo.. sinamahan niya po akong nilibot ang buong school." Isang linggo ang lumipas naging maayos ang takbo ng buhay ko. Hindi pa rin umuuwi si adam at tito. Noong huwebes ay umuwi si tita sa bahay. Hindi raw siya nakauwi noong martes dahil nag-stay sila ni tito sa bulacan para sa malaking project na inaasikaso nila. Nagpaiwan ang tito dahil siya raw ang the most kailangan doon.  Inistorya rin sa akin ni richel ang background niya. She's from a rich family at kilala iyon ng marami. Obvious naman iyon dahil sa angking ganda niya, pananamit, galaw at panananlita.  Linggo ngayon at piniling araw ko ito para sa paghahanap ng trabaho. Naging maayos ang isang linggo ko sa loob ng eskwelahan. Palaging buntot sa 'kin si richellien at palagi akong sinsamahan sa pagkain. Yinayaya niya akong itry kumain sa cafeteria para maranasan ko ring kumain doon pero panay akong tanggi. Ayokong maulit ang dati. Nagising ako ng maaga ngayong araw at agarang tumulong sa mga kasambahay. Inayos ko ang mahaba kong t-shirt at luma kong rubber shoes. Okay na ito hindi naman ata ibinabase sa suot ang pagkuha ng trabaho.  May mga dokumento naman ako na tungkol sa 'kin para matanggap ako sa isang trabaho at may student id din naman ako. Itinirintas ko ang buhok ko. Hindi na ako naglagay ng kung ano sa mukha. Hindi naman at ako hagard tingnan. Kung pwede ako ngayon, pwede. Hindi ko kailangan magsayang ng araw kung wala naman akong gagawin. Kailangan kong makahanap ng trabaho sa madaling panahon. Nine o clock akong lumabas ng mansyon. Pumara ako ng jeep sa highway. May nakita akong cafe malapit sa school at roon ang tungo ko. Mom already knew this. I already told her about this hindi pa man kami nakakatungtung sa bahay nila ni tita. "Kaya ko ito!" Pampalakas ko ng loob sa sarili. Nasa harap ko na ang Mion Cafe restaurant at naginginig ako sa takot na baka kagaya ito sa nakaraan. Nakita ko sa gilid ng door na may nakalagay na 'wanted waitress' na nagudyok sa 'kin na kumuha ng trabaho dito. Napakalaki nitong cafe restaurant kaya ito ang napili ko dahil malaki ang sweldo rito, naitanong ko noong isang araw.  Tinulak ko ang glass door at tumunog ang bell sa itaas. Maraming costumer sa loob at napansin kong puro mamahalin ang mga suot. Napa-iling ako.  Matatanggap kaya ako? Maganda ang loob, maliwanag. Sa kanan ay may bookshelves at ang kaliwa at harap ay puro glass ang dingding. Nilakasan ko ang loob ko. Diretso akong pumunta sa counter. May lalaking nakatalikod na nakasuot ng uniporme ng pang waitress, blue ang kulay noon. Siya lang rin ang hindi busy sa kanila.  Bumati ako dahilan upang mapabaling ito ng tingin sa 'kin.  Napalunok siya ng ilang beses. "Hi miss, anong atin?"  Ito na. I took a deep breath. "Uhm, mag-aaply po ako ng trabaho.." at itinuro ko ang nakalagay sa labas ng ikinatango niya. "Oh, ok. Nice to meet you miss! What's your name?" He bit his lower lip. Nag-angat ako ng isang kilay. "Sabrina Meloryn Savino.."  His mouth half opened and i saw his eyes glistened. I suddenly noticed something on this man. Parang ngayon lang siya nakakita ng babae na ganito pumorma katulad ko. "Nice name, uh.. ako naman si Diometry Adalgon."  Tumango ako at nangiti. Namulahan siya ng pisnge. Pinaupo niya ako sa isa sa mga mesa at nagpaalam sa 'kin sandali na pupuntahan niya lang sandali ang boss nila para ipaalam ito. Ilang sandali ay nakabalik siya kaagad.  "Uh.. miss, wala ang boss namin ngayon pero andito ang secretary niya." Kamot niya sa ulo. Tumango ako. Tatayo na sana ako upang umalis pero nagsalita siya ulit. "Pero pwede mong iwan iyang dokumento mo sa secretary niya at kausapin siya sandali!" Nabuhayan ako ng loob sa sinabi niya.  "Pero kung gusto mo, ako na lang ang pagtrabahoan mo.." and he peace sign. He's a joker huh. Iginiya niya ako papasok sa office raw nito. Pagpasok namin ay may babaeng matanda na nakaupo sa table nito. Tumabi siya sa gilid ko. Ipinakilala niya ako sa secretary. Kinabahan ako ng sinuri nito ang buong katawan ko. Ilang beses akong napakurap-kurap. Hiningi nito ang mga dokumento at ang number ko. Ibinigay ko sa kaniya ang lahat ng kailangan habang nanginginig ang kamay. Sana matanggap ako... at first time ko kung ganoon.  "You are a constraction worker before? Walang record na katulad sa mga trabahong ganito? Marunong ka bang magserve? Marunong ka ba sa mga gawaing panglinis?" Parang may ibang ibig sabihin ang mga sinabi niya. Parang nanuyo ang lalamunan ko. Hindi ko mapipigilang maitago ang dating gawi ko at ang mga pagtaboy sa akin noon sa ganitong trabaho. "Opo ma'am, galing po ako riyan noon. Ngunit kaya ko po lahat ng ipapagawa ninyo sa akin." "How could i trust your words?" Naningkit ang mga mata niya. Parang gustong umurong ng dila ko sa kaba. I breath heavily. "You can trust me ma'am. Masipag po ako sa mga ganito at hindi po ako uurong sa lahat ng trabaho na ipapagawa ninyo sa akin." "Ganoon ba. Well, i'm not the one will make you welcome here kundi ang aming boss." Maigi niya akong tinitigan. "We will call you when you're hired." At ipinalabas na kami sa office niya. Nakangiti ako ngayon. Hindi pa huli ang lahat. Matatanggap pa ako sa trabaho. May chance pa akong matanggap dahil hindi pa nila ako itinaboy! Hihintayin lang daw ang pagsang-ayon ng boss nila. Yes! Yes! Yes! "Pagpasensyahan mo na iyon si secretary cha. Ganoon lang talaga iyon, masungitin." Kamot sa ulo ni diometry. Nginitian ko siya. "Okay lang. Atleast hindi niya ako itinaboy hindi tulad noong mga nakaraan!" Kumunot ang noo niya. "Itinaboy? You mean.." "Yup! Ito ang kauna unahang trabaho na pinasok ko na hindi ako itinaboy kaagad. May tsansa pa akong matanggap!" Nanginginig ako sa tuwa. Ganito pala ang feeling na matanggap ka. Nakakatuwa, napakasaya. "You're pretty when you smile.." namumungay ang mata niya. Namula ako sa sinabi niya. He shook his head. "I'm sorry. 'Di ko lang talaga mapigilan." Tumango na lang ako at nagpaalam na. Maghahapon na at tiyak na hinahanap na ako ni mommy sa mga oras na 'to. Lalo na't wala akong paalam. Sumakay muli ako ng jeep pauwi sa mansyon. Sinalubong ako ni manong. Napansin ko ang karamihan ng kotse sa loob ng gate. May mga bisista sila tita? Papalapit na ako sa hagdan ng may napansing may nagtatawanan sa may pool banda. Nacurious ako at tiningnan kung sino ang mga naroon. Nagtago ako sa likod ng puno at sinilip ang mga tao roon. Pero bago ko pa man masilip ay bigla akong napalingon sa likod ng may nagsalita.  "What are you doing?" I feel the heat of his breath on my ear. "W-wala!" I almost shouted. Tiningnan niya ang direksyon ng titiningnan ko sana. Nakakagulat naman siya! Umalis ako roon. Ba't ba susulpot ang lalaking iyon na parang kabute? Namula ang pisnge ko. Hindi ko pa rin makakalimutan ang nangyare noong nakaraan! Nakarating ako sa kwarto ko ng malalim ang iniisip. I am about to close my door but someone stop me doing it.  My eyes widened. Did he followed me? What is his problem? Why did he followed me here?! Don't tell me uulitin niya iyong nakaraan?!  Tuluyan na nga siyang nakapasok sa kwarto ko at siya pa ang nagsarado no'n. Niyakap ko ang sarili. "Don't worry, we'll just going to talk." He said seriously. "A-anong pag-uusapan natin?" Kunot noo ko.  "Forget what happen the other day." Diretso sa point. "And forget what you heard that night." Titig siya sa mga mata ko. Napakurap-kurap ako. "Alin d-doon?" Feel ko parang puputok ang pisnge ko sa init na nararamdaman. Nakalimutan ko na nga ang narinig ko! Iyong una ang hindi! "Lahat. Pareho." I looked away. Paano ko makakalimutan kung pilit niyang ipapaalala? Mawawala na iyon sa isip ko kung hindi lang siya nagpakita sa akin eh! Ayaw ko na siyang makita!  "I-im trying to forget it.. but it's hard not to, l-lalo na andito ang memories na iyon sa k-kwarto ko!"  Sinilip niya ang kama ko at pumikit ng mariin. He lick his lower lip. Looking at me intently.  "Just.. forget it."  Suminghap ako. Iyon lang ba ang pag-uusapan namin? Sana hindi na siya nag abala para mawala na iyon sa isip ko! "I will forget it and tell myself that I never saw that and it never happened." Nilakasan ko ang loob ko. I f*****g promised myself. "Good." He turned and moved to the door. He held the doorknob but he hadn't open it yet. "Forget it because i want it to do and be memorable with you." At lumabas ng kwarto ko. Susunod…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD