"You are now hired."
"Maraming salamat po!" At ibinaba niya ang tawag. Inilagay ko sa bulsa ng short ko ang telepono kong keypad.
Laking tuwa ko nang tinawagan ako ni secretary cha at pinahayag sa akin na natanggap ako sa trabaho. Naluluha ako sa sobrang saya. It's my first time! Nagtatatalon ako sa kama. Natanggap rin ako sa wakas!
Kinurot kurot ko ang pisnge para magising sa katotohanan pero totoo nga ang mga narinig ko sa telepono. Tanggap ako sa unang pagkakataon. Hindi lang talaga ako makapaniwala. Ito ang unang pagkakataon na binigyan ako ng tsansa!
Para akong asong gutom na biglang nakahanap ng buto sa kanto.
Linggo ng umaga ngayon. Wala akong gagawin pero gusto kong meron akong gagawin pero hindi ko alam kung ano. Sa sobrang saya ko naging energetic ako ngayon.
Pumunta akong hardin. Inabala ko ang sarili sa pagdidilig ng mga tanim. Kinausap ko pa ang mga ito sa natagumpayan kong trabaho.
Ganoon na nga ako kabaliw.
Bukas na ang simula ng trabaho ko. Pang night ship ako sa loob ng lunes hanggang biyernes. Buong araw sa sabado at kalahating araw sa linggo. Hindi na ako makapaghintay pa na magsimulang magtrabaho.
Sino ba naman ang hindi makapaghintay kung natanggap ka agad at sa unang pagkakataon pa.
Dinidiligan ko ang banda sa may rosas ng biglang tumunog ang selpon ko. Nakita ko roon ang unknown number. My forehead creased. Sino kaya ito? I accept the call, i got curious eh.
"Hello? Sino po ito?"
Matagal bago siya nakapagsalita sa kabilang linya. "Hi sabrina! Si diometry 'to."
"P-pano mo nakuha ang number ko?" Taka kong tanong. Dinidiligan pa rin ang tanim gamit ang isang kamay habang ang isang kamay ay nasa telepono.
"From secretary cha eh, hiningi ko ang number mo sa kaniya."
"Bakit?" Kumunot ang noo ko.
"Gusto sana kita kausapin eh... libre ka ba ngayon?" Ramdam ko ang panginginig ng boses niya.
Nag-isip ako. Ano nga ba ang gagawin ko ngayon? "Wala naman akong gagawin ngayon.."
Suminghap siya. Para bang natanggal ang nakabara sa lalamunan niya. "Uhm, pwede ba kitang ayaing lumabas ngayon?"
Niyayaya niya akong lumabas? Eh 'di ko pa nga siya ganoon kakilala! At tsaka parang ibig sabihin niya ay date!
"'Di ko alam diometry, eh. Ngayon lang kasi kita nakilala tsaka—"
"Don't worry, i won't do something dirty on you. I was just.. no, i want to know you, kaya kita niyayayang lumabas. I wan't to know your story.." he said sincerely.
Ayaw ko na maulit ang dati. Natatakot akong maulit iyon. Ayoko nang ulitin ang dating mali.
"S-sige, kung iyan ang gusto mo."
Hindi na ako tumanggi, wala rin naman akong gagawin. Bukod sa bukas pa ang simula ng lecture namin. At tsaka baka kung ano pa ang isipin niya kung bakit ako tatangi.
Susunduin niya sana ako sa bahay kaso pinigilan ko siya sa gusto niya. Sinabihan ko na lang siya na bigyan na lang ako ng lugar na pagkakakitaan namin. Hindi naman siya tumanggi sa gusto ko at ganoon nga ang ginawa niya. Siya na rin daw ang maglilibre sa akin, kaya hindi na ako nagdala ng pamasahe pauwi dahil kulang ang pera ko.
Tinapos ko kaagad ang gawain. Lumabas ako ng kwarto ng nakabihis na. Hindi naman ito date pero bet ko pa ring magbestida. I wore a gray blouse dress hanggang itaas ng tuhod, luma nga lang.
"Saan ang lakad mo?" Si mommy nang kinatok ko siya sa kwarto niya para magpaalam.
"Niyaya po ako ni..." ano bang sasabihin ko? Hindi niya kilala si diometry, nakakatakot magsinungaling kay mommy. "Uhm, iyong sinabi ko pong kaibigan, si richel? Isasama niya raw po ako ngayon sa outing niya." Parang gusto kong itikom na lang ang bibig ko sa pagsisinungaling.
She nodded without hesitation. "Masarap pakinggan na nagsisimula ka nang magkaroon ng kaibigan."
Nakarating ako sa mismong usapan. Sa mion, rito ko raw siya hintayin ngunit hindi pa iyon ang main spot namin.
Lumabas siya sa mion na ikinagulat ko. Nakabihis na siya. Simpleng ayos lang, nakajeans at blue polo shirt.
Oo sa mion ang kitaan namin pero hindi ko inakalang shift niya pala ngayon!
"Out ko kasi ngayon." He explained.
Halos isnag minuto ang lumipas bago ako napatango.
His eyes explore me. His eyes full of amusement and when his met my eyes, his cheeks turned in to red and he looked away.
I fake a cough. Bakit ganoon siya makareact sa ayos ko? Nakakahiya!
Ilang sandali bago siya umimik.
"Siguro mas maganda ka kung tinangal mo iyang eyeglasses mo.." he cannot looked at me.
So, sinasabi niyang hindi ako maganda sa ayos ko? Oo hindi ako maganda pero wala namang ganiyanan!
I smiled shyly at his point. "Nakasanayan ko na kasi ito pero kung gusto mo tatanggalin ko para sa 'yo." And i pull off my glasses and put it inside my bag.
Ibinalik niya ang tingin sa akin. Ngayon wala na ang glasses ko, i smiled at him. He turned into red more.
Natawa ako kahit nahihiya. Ang cute niya.
Kinamot niya ang ulo at inoffored ang kamay ko. Walang pag-aalinlangan kong tinanghap ang kamay niya kahit nakakahiya. Hinatak niya ako palapit sa kaniya. Napamura ako sa isip.
Pumunta kami sa paradahan at pumara ng tricycle. Hindi ko na itinanong kung saan kami basta hinintay ko na lang kung saan kami bababa.
Bumaba kami sa harap ng plaza. "We're here."
"Anong gagawin natin dito?"
Hindi ko talaga maintidihan ang ibig niyang sabihin. Ganito ang mga paraan ng isang date!
"Ipapasyal muna kita sandali at pagkatapos no'n mag-uusap na tayo."
Tumango na lang ako.
Pumunta muna kami sa bintahan ng mga street foods. Natakam ako. Ito iyong palagi kong kinakain sa amin noon sa pampangga. I always crave for this kind of food and now seeing it here, i almost pleaded him to buy me some. I made a puppy eyes. Tinawanan niya ako at sinunod ang gusto ko.
Kung may marami ang perang dala ko ngayon ay ako na lang ang bibili kaso wala akong pera.
Ibinigay niya sa akin ang cup ng siomai at kikiam. Nalaway ako kaya agaran ko itong nilantakan. Mukha na akong asong patay gutom. May cup rin ng kikiam si diometry pero ramdam ko na pinapanood niya akong kumain habang siya ay titimi timi sa pagkain.
Bilisan niya kamong kumain at baka hablutin ko sa kanya 'yan!
Suddenly, he asked. "Favorite?"
"Oom.." hindi ako makasagot ng maayos dahil puno ng pagkain ang bibig ko. Nilunok ko iyon at kumain ng bago.
I frozed from chewing when his thumb touch the side of my lips.
Tinangala ko siya. When he realized i am now looking at him, he immediately pull away his thumb on me and looked away.
"T-tinanggal ko lang iyong sauce.."
"Thanks." Itinuro ko rin iyong pagkain, para both concluded.
Binalik niya ang tingin sa akin at ngumiti.
"Welcome."
Natapos kaming kumain ay pumunta kami sa ferries wheel. Buti na lang hindi ako takot sa high's. Pagkatapos ay nagtungo kami sa iba't ibang sasakyan pamhimpapawid. Halos tatlong oras ang naubos namin doon. Nagtatawanan kaming bumaba sa panghuling sinakyan. Nagpahinga kami dito sa mga may bench.
"Want some drinks?"
"Yes please," natatawang sabi ko at nagtungo siya sa tindahan ng mga shakes at milktea. Malayo layo sa pwesto ko.
Inilibot ko ang paningin sa paligid and I accidentally saw someone i hate. He is with a little cute boy. Kapit kapit niya ang kamay nito. Masayang tinuturo ng bata ang ferries wheel na una naming sinakyan kanina. I saw his expression. Para siyang napipilitan at busangot.
Natawa ako sa kawalan.
Nawala lang sila sa paningin ko nang tumambad sa harapan ko si diometry, dala dala na ang binili niyang milktea. Iniabot niya iyon sa akin nang nakakunot ang noo.
"Oh, thanks." Nakagat ko ang labi ko at kinuha ang milktea sa kamay niya.
"Always welcome."
Umupo siya sa tabi ko at parang may hinahanap sa paligid na puno ng tao. Nagtaas siya ng kilay na parang wala siyang nakita.
"Sino o ano ang tinatawanan mo kanina at parang iba ang ngiti mo?" He suddenly curiously asked me.
Namula ang pisnge ko ng kung ano ang ibig niyang sabihin. Nakita niya pala iyon! Nakagat ko nanaman ang labi ko sa katangahang nagawa.
"W-wala.. may naisip lang akong nakakatawa." Tumango tango ako sa sarili kong sagot.
Nang naubos namin iyon ay inaya niya nanaman ako. And now sa horror booth naman. Takot ka sa multo, pano 'yan isab? Masaya ang mukha niya habang nakatingin sa harap ng booth kaya hindi na ako tumanggi baka pumangit ang mood at nakabayad na siya para rito.
Nakakapit siya sa kamay ko. Pero ako ito, hinahanda na ang sarili. Isang hakbang na lang ay makakapasok na kami nang bilang nagring ang phone niya. He excuse for it.
Nagtagal kaunti ang usapan nila ng kung sino man ang kausap niya bago siya nakabalik sa akin but his expression changed. Kinamot niya ang ulo. Nalilito siya bago nagsalita.
"Urgh! Pano ko ba sasabihin 'to.."
"Ano ba 'yon diometry?" Kumunot ang noo ko.
He closed his eyes a little bit longer before he gave me his apology. "I'm sorry isab.. secretary cha call me for emergency. I'm so sorry.." his eyes full of apology.
Napalunok ako. Hindi alam kung anong gagawin. "O-okay lang." I can't make a sentence.
Anong okay lang sab?
He cursed. "Gusto kitang ihatid pabalik sa bahay niyo but.. secretary cha needs me so bad and i don't have enough time—"
"It's okay diometry. Okay lang ako dito mag-isa i can handle myself." Bumuntong hininga ako. "Okay lang talaga, pumunta kana baka mahuli ka.. emergency pa naman—" nabigla ako ng niyakap niya ako.
"I'm so sorry sabrina but thank you." Nag-aalalang mata ang ipinukol niya sa 'kin.
"Okay lang talaga. Pumunta ka na baka hinahanap ka na do'n." Tinulak tulak ko siya paalis.
"I'm so sorry.." at tumakbo paalis sa lugar na 'to.
Napasapo ako sa noo ko. What did i've done?
Wala nga pala akong perang dala. Wala akong pamasahe pauwi. Pano na 'to? Umasa pa naman akong ililibre niya ako pauwi.
Naiiyak kong sinilip ang bag kong keypad lang ang laman. Nilingon ko ang horror booth, gusto ko rin naman maranasan 'to kaso problemado ako dahil wala akong pamasahe pauwi!
Kung bawiin ko kaya iyong binayad ni diometry sa entrance? Kaso bawal na iyon. Nanlumo ako at napahilot sa sentinido.
I haven't any choice. Itr-try ko na lang muna ito bago umuwi kahit walang pamasahe. Tatakbuhan ko na lang iyong driver. Ano ka na self?! 'Di na 'to okay!
Matututo pa ako nito ng mga maling aral! Gags!
Hahakbang na sana ako papasok kaso napatigil ng may narinig akong boses sa likuran ko.
"Your date left you behind, tss. What a gentleman." He's voice is familiar and sarcastic.
Nilingon ko siya. Bumungad sa 'kin ang irita niyang mukha. Anong ginagawa niya dito? Nilingon ko ang magkabilang side niya. Asan 'yong bata?
"U-uhm—"
"Kuya, come here! I don't know how to bayad the entrance!" Napalingon ako roon sa batang sumigaw.
The little boy is in the entrance payer. Tinatawag ang lalaking nasa likuran ko. Napasigaw ako nang bigla niya akong hinatak palapit sa kung nasaan ang batang maliit na cute.
"Give me your coins." Aniya sa bata. Inilahad niya ang kamay.
"Here!" Agad na ibinigay ng bata sa kaniya ang baryang pera nito.
They look cute. Para silang mag ama kung hindi ko lang narinig ang tinawag nito sa kaniya ay pagkakamalan ko na silang mag ama.
"Kasali po ang girlfriend niyo sir?" Tanong noong babaeng nagpapacute sa kaniya.
Nainis ako at nag init ang ulo ko. I will never be his girlfriend!!!
Nilingon niya ako at pinaikot ang mata. Tss?
"No. She has her own money and she is not my girlfriend."
Nainis ako sa sinabi niya. Inirapan ko siya at sumingit doon. "'Di mo ako nakita kanina? Fyi nakabayad na po ako!" I rolled my eyes.
Inilahad ko sa kaniya ang mukha ko. Sarap nitong kaltusin. May pamasahe lang ako ay kanina pa ako umuwi. Tumango na lang iyong tindera. Ayos ayusin mo po!
"Tss, stop doing that. 'Di bagay sa 'yo." Paepal na singit ng mokong.
Fuck you kamo! 'Di iirita ulo ko kung may pera lang ako 'no! Ang sakit kaya sa ulo pag wala kang pera. Ang sarap manakal! Ikaw kaya sakalin ko?!
Our eyes battled.
Ganda ganda ng mood ko kanina ngayon para akong nanakawan ng lollipop.
"Kuya, kuya, let's go inside na! And you too ate masungit!" Tumigil lang kami ng pumagitna ang cute na bata at nagpout.
Parang natunaw ang puso ko.
Hinatak siya nung bata at hinatak niya rin ako. May kakaiba akong naramdaman nang dumampi ang kamay niya sa aking kamay.
What scene is this aber?
Tuluyan kaming nakapasok ay hinigpitan niya ang pagkakapit sa kamay ko habang hinihila siyang nung bata. Nag-init ang pisnge ko.
Ano ba itong iniisip ko! Natural lang naman ang hinahawakan ang kamay 'di ba? Pero ba't gano'n? Parang iba sa pakiramdam ko? 'Pag sa lalaking ito..
Umiling ako. Hindi maaari!
Napa-ubo ako, nagpaparinig pero para siyang bingi na 'di nakikinig. Pinabayaan ko na lang. okay lang ang ganito! Pero malay ko kung tsumatsansing pala? Char. Ba't ba ang kulit ko ngayon? Wala nga pala akong pera.
"Let's go this way!"
Lumiko kami ayon sa gusto ng bata. Narinig namin ang nakakatakot na kanta at paglabasan ng mga buto na may dugo sa paligid.
I tried to pull my hand off him but he noticed it and gave me a nakakatakot look. Hindi ko na itinuloy ang balak ko. Okay, sige sa 'yo na po iyang kamay ko.
Medyo dumikit ako sa kanya at napansin niya iyon pero hindi niya ako sinita. Napangiti ako sa kawalan.
Maraming mga nakacostume na ang nagsisilabasan pero hindi ako natatakot dahil nasa kamay namin ang atensyon ko. Ilang beses akong napapalunok.
Ba't ang sarap sa pakiramdam kapag hawak niya ang kamay ko? 'Di kagaya no'ng kay diometry kanina parang wala lang.
Nag-init ang mukha ko. Umiling ako at itinuon na lang ang atensyon sa sarili pero pagtingala ko ay, "Ay anak ni satanas!" napasigaw ako ng bumungad sa 'kin ang mukha niya.
"Uy, 'w-wag kang ganiyan. Nakakatakot.." punyemas.
Nairita siya sa ginawa ko pero napaangat ang gilid ng labi niya at mas lalong inilapit sa 'kin ang mukha. Nilabanan ko ang titig niya kahit sa kaloob looban ko ay hindi ko kayang titigan ng matagalan.
Wala ako sa mood, wala akong pamasahe kaya wag kang ganyan.
Hinihila siya no'ng bata pero hindi siya gumalaw at nanatili sa pwesto. "A-anong problema—Ah!!!" Pareho kaming napasigaw ng may butong biglang lumitaw sa pagitan namin.
Napapikit ako at mas lalo siyang niyakap.
"Mom!" Nabulalas ko dahil sa takot.
Pero ngayon ko lang narealize na nakayakap na pala kami sa isa't-isa. Nanlalaking mga mata ang ipinukol namin sa isa't-isa. Nauna niya akong naitulak. Halos matumba ako sa tulak niya.
Wtf?!
"Yiee, sweet naman ninyo two!" Biro no'ng bata. Ang sarap talaga manakal.
Hindi ko makita ang mukha niya kung ano ang naging ekspresyon niya dahil sa dilim pero ako ramdam ko ang pagputok ng ulo ko. Kinarga niya iyong bata at mabilis na lumabas sa exit, sumunod ako.
Nagyakapan kami... huh?!
Naramdaman ko ang pag-akyat ng dugo ko sa ulo. Napakapit ako sa dibdib ko, nagwawala ang puso ko.
Niyakap ko siya?! Nakakahiya!
Nagsimula na akong mangamba kung ano ang susunod kong gagawin. Ito na iyong nakakatakot na part ko. Ang pauwi ng walang pamasahe.
I hurriedly get out myself in the exit.
Bumili rin sila ng milktea at dire-diretso palabas ng plaza at ako ito pasimpleng nakasunod. Hindi siya nag-abalang lumingon sa akin kahit na alam kong alam niyang nakasunod ako. Karga niya pa rin iyong cute na bata. Nakita ko silang tumigil sa kotseng kulay itim. I remember this car. Ito iyong kotse na una kong nakitang sinakyan ni adam. Siya kaya iyong nakashades?
Pinapasok niya sa likuran ang bata. Huminto ako sa harap nila at naghahanap ng tricycle . "Bakit kaya antagal ng mga tricycle?" Kausap ko sa sarili. Patay ako nito.
Huminto siya sa front seat at nakabukas ang pintuan. Hindi pa rin siya pumapasok. Tinapunan niya 'ko ng tingin. Nag-iwas ako ng tingin at ibinaling sa kalsada.
"Get in."
Lumingon ako sa paligid ko. Ako lang ang nasa harap niya at wala ng iba. "Ako ba kamo?" Turo ko sa sarili at nagpout.
He arched a brow. The side of his lips rose up.
Isasarado niya na sana ang pintuan ng kotse nang bigla ko siyang pinigilan at diretso akong pumasok ng walang pag-aalinlangan.
"Tss, arte pa. Papasok din pala." His voice is full of amusement.
Natural lang naman iyon dahil nakikisakay lang ako 'no!
Sinarado niya ang pinto at pumasok sa driver seat. Mabilis niyang pinaandar ang kotse.
I pouted nanaman.
"Stop pouting, para kang unggoy na ngumunguso."
Sa kalsada ang tingin niya pero alam kong ako ang ininsulto niya!
"Hi ateng masungit! You want some milktea?" Abot sa akin no'ng bata sa milktea.
Tiningnan ko ang laman ng plastic. Tatlong milktea ang naroon. Kasali pala ako? Nilingon ko ang mokong. Seryuso siyang nakatingin sa kalsada.
Ngayong naka side wiew siya ay doon ko nakita kung gaano kaganda ang hugis ng mukha niya. His nose is too pointed, his eyelashes are well curved and his eyebrows are thick and dark. Pero ang kulay abo niyang mata ay iba talaga ang dating sa akin. Nag-init ang pisnge ko sa narealize.
Biglang umigting ang kaniyang panga'ng nakadepina kaya napalunok ako.
"Stop staring.. i feel like you want to kiss me." Sinilip niya ako.
"S-sino nagsabi sa 'yo?" Nag-iwas ako ng tingin.
Hindi niya ako sinagot sa halip ay ang bata ang binalingan. "Gohem, give me mine." Inabot ng bata iyong milktea niya at agad niya iyong ininom.
Gohem pala ang panggalan ng cute na batang 'to.
Inaabot pa rin ni gohem sa 'kin iyong milktea ko raw pero hindi ko pa rin tinatanggap dahil busog pa ako pero sayang 'yong opportunity kaya tinanggap ko na and i give my thanks to him. Ang kapal ng mukha ko sa araw na 'to.
"Put your seatbelts on." Hindi ko alam kung sino ang inutusan niya kaya napa 'ha?' Lang ako.
I saw the little guy, gohem. Put his seatbelts on. Si gohem pala ang sinabihan kaya nanatili akong ganoon ang pwesto. Sipsip ko pa rin 'yong milktea'ng binigay.
Nagtaka ako ng bigla siyang napasinghap at inihinto ang kotse. Nakakunot ang noo niyang lumapit sa 'kin.
My eyes widened at his movement. Inayos niya ang seatbelt ko habang nakatingin sa mukha ko. His face is too close from mine. I can't help but to stare at his gorgeous face. Humigpit ang kapit ko sa milktea. When his done doing it, umirap siya at bumalik sa pwesto.
I bit my lower lip and shook my head. Ramdam ko ang sobrang init ng mukha ko. Ilang beses nang lumapit ang mukha niya sa akin pero hindi pa rin nagbabago sa pakiramdam ko kapag lumalapit ang mukha niya sa 'kin.
Pinaharurut niya ang sasakyan na parang race car. Iyon pala ang ibig sabihin niya. Kinurot ko ang sarili ko sa mga maling naiisip.
Hindi ako makainom ng maayos sa bilis ng pag-andar. Feel ko mabubunggo kami anytime kung mananatili kaming ganoon. Ngunit iyong bata ay napapasigaw lang sa tuwa. Ito namang kuya ayon nakasmile habang ginagawa iyon.
Anong nakain ng dalawang 'to? Oo milk tea nga pala. Nasapo ko ang noo ko.
"U-uh, ehem!" Napalingon lang siya sandali at bumalik sa ginagawa. Naubos ko na ang milktea ko sa pagkakataranta na baka mabunggo kami. Sana naman ihinay hinay niya.
Hilong hilo ako paglabas ko ng kotse. I can vomit anytime sa bilis ba naman ng pag-andar niya! Napasandal muna ako sandali sa kotse niya. Umayos ako ng tayo at napagdesisyonan ng umalis nang nakalabas silang dalawa. Iyong bata ay tulog na habang karga niya.
"S-salamat sa paghatid."
"Tss, don't assume. Hindi kita hinatid, talagang dito ang punta namin." He smirk sarcastically at umalis sa harapan ko.
Hinabol ko sila ng tingin hanggang sa nakapasok na sila. Suminghap ako.
My phone vibrated.
Text: 5:30 pm
Diometry:
I'm so sorry sabrina, ililibre na lang kita bukas sa mion!
Sabrina:
It's okay! Pero kung ililibre mo ako ng bukal sa puso, edi ayos! Tatanggapin ko.
Diometry:
See you... thanks kanina kahit iniwan kita :(
Sabrina:
It's okay!
At pumasok na ako sa loob. Sana lang hindi na maulit ang ganito sa susunod at kung may susunod man. Hays. Nakakapagod.
Susunod…