Ilang leksyon ang natapos namin sa umagang 'to at malapit ng magring ang bell para sa recess. Gutom na 'ko. Ito pa naman iyong proffesor naming masungit at matagal magpalabas ng studyante. Kumbaga matagal magteksto.
Tuluyan na ngang nagbell.
"Bibigyan ko kayo ng assignment ngayong araw." Si sir masungit at nagsulat ng magiging assignment namin. Nilagay niya ang magiging topic sa science na ireresearch namin.
This is my favorite subject than math. Yeah, science is hard but math is the most. I do take note all the examples and lessons on the blackboard we discussed earlier para madaling asikasuhin ang assignment ko.
Science subject ang pinaka paboritong subject ko except ang proffesor.
"Class dismiss." Masungit pa din ang mukha niya kahit labasan na. Nang nakalabas na siya sa classroom ay sunod sunod na lumabas na rin ang mga kaklase ko.
Nilingon ko si cloe. Pumunta siya sa upuan ni richel at humarang sa upuan ni nito. Nakahalukipkip lamang si richel habang nakaupong tinitingala si cloe. Palagi ko silang nakikitang ganyan at palaging nauuwi sa ere si cloe.
Napapailing na lang ako.
"Cafeteria naman tayo oh!" Pagmaktol ni cloe.
Umismid si richel at tumayo sa kinauupuan. Napaatras si cloe.
"I'm staying here with sabrina, ikaw na lang at hindi mo ako mapipigilan sa gusto ko, cloe."
Bumusangot ang mukha ni cloe at parang naiiyak. Nilingon niya ako at tinapunan ng masamang tingin. Padabog siyang naglakad palabas ng room. Lumapit sa 'kin si richel at umupo sa upuan ni cloe, ang katabi kong upuan.
"Don't mind her." She smiled.
Kawawa naman si cloe. Halos isang linggo ding nagmamakaawa si cloe na samahan o pansinin siya ni richel pero nasa akin ang atensyon ni richel. Bakit kaya? I know they both close friends noong wala pa ako sa school na 'to pero nabubuwag lang ng dumating ako.
Narinig ko sa isang kaklase ko na magbest friend pala ang dalawa at sumapaw lang ako.
Hinintay niya akong maglabas ng baon ko. Suminghap ako at kinarga ang bag. "Cafeteria tayo." Aya ko.
Her forehead creased.
Tumayo na ako at tumayo rin siya. "Wala kang baon?" Taka niyang tanong.
"Wala.. eh." Pagmaang maangan ko.
Tumango na lang siya at siya na mismo ang naghatak sa 'kin papuntang cafeteria.
Bukana pa lang ng cafeteria ay dinig ko na ang ingay na mula sa loob at mga nakatambay sa labas. Napapatingin ang iba sa amin. Sumiksik ako kay richel para itago ang sarili. Nadinig ko siyang tumawa. I saw a group of boys. Sa bandang kanan ko sumisipol habang nakatingin sa 'min. Some of them greeted richel respectively.
Magpapakilala sana sila sa akin pero pinigilan sila ni richel at inilayo ako sa kanila. Suddenly, may tatlong babae ang lumapit sa amin.
"Who's this?" Iyong leader ata ng mga girls. Siya kasi iyong pinakauna.
Napangiti bigla si richel at inakbayan ako. "She is sabrina, my new besty."
My eyes widened of what she said. Kinindatan niya ako. Kita ko ang pag-iba ng timpla ng mga mukha nila at pasabay na napasabi ng "Really?!"
"P-paano na si cloe?" Tanong noong isa na nakabund ang buhok.
Richel laugh. "Maghanap din siya ng bago, easy."
"No, you're kidding—"
"Tss, ako magjojoke?" Richel rolled her eyes.
"Seriously?!" Iyon namang isa na makapal ang make-up, nasa kanan.
Umirap lang si richel.
Nanatili akong tahimik. Ayaw kong makisali sa kanila at baka mapasali pa ako. Ayoko ng gulo at mas lalong ayokong sa akin magsimula ang lahat ng iyon.
"You! This is true?!" Tanong muli nung leader nila pero sa 'kin na siya nakatingin. Galit na tingin.
Napalunok ako.
"R-richel—" hindi ko natuloy ang sasabihin. Ito na nga ang sinsabi ko.
"You girls. Get out of my way." She demanding said. "We don't have time for you, gutom na kami kaya ialis niyo na ang mga mukha niyo sa harapan ko kung ayaw niyong.." panakot niya.
Padabog silang umalis. Tinapunan muna ako ng nanlilisik na tingin. A-ano kayang kasunod nito?
I smell argument.
"Don't mind them." Iyon lang ang payo sa 'kin ni richel bago kami pumasok ng cafeteria.
Maraming tao ang nagsisikain at mukhang masaya silang lahat. All of the table had a group of students. Napangiwi ako. Naalala ko nanaman ang nakaraan ko. Iyong nag-iisahan lang ako palagi sa isang lamesa habang ang iba ay may mga grupo.
Naghanap kami ng blankong lamesa at nakakita kami sa bandang hulihan. Iniwan ako ni richel para bumili ng pagkain. Halos matatagalan pa dahil nakapila pa siya roon sa mahabang pila. Ako sana ang bibili ng pagkain namin kaso nagpumilit siya na siya na raw.
"Anong pinakain mo kay richellien?!" Himig ko ang galit niya. Bigla siyang lumitas sa harapan ko at nangangalaiti sa galit.
"C-cloe—"
"Don't call me with my second name! we're not close!" I saw her eyes get wary. "Babalikan kita!"
Ano itong pinasok ko?
Umalis siya sa harapan ko at ang pagsulpot naman no'n ni richel. Hinabol siya ng tingin ni richel pero hindi siya lumingon at diretsong lumabas ng cafeteria. Nilingon ko ang pila. Mahaba pa rin. Pano siya nakatakas doon?
Nagsisimula na nga. Nakuyom ko ang kamao ko sa ilalim ng mesa dahil sa hatred sa sarili.
'Di ko sinasadyang mapalingon sa gilid ko at nakita ko ang grupo ni adam.
Si adam na nakapoker face at umiinom. Hinanap ko ang mokong. I jump a bit on my sit when i caught him staring at me. He's beside adam. May coke na kapit kapit at nilalaro ang pang-ibabang labi.
Napayuko ako at napakagat labi. I felt something on my stomach. Kahit malayo ay ang gwapo pa rin niya. Maraming gwapo sa skwelahang ito pero iba ang dala niya sa pakiramdam ko.
Anong ginagawa niya? Bakit sa 'kin ang tingin niya? O sa likuran ko? Pero parang sa 'kin ang tingin na 'yon.
"Anong ginawa sa 'yo ni cloe?" Naupo na siya. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya.
Anong sasabihin ko? Ayokong sabihin sa kanya ang paratang nicloe, baka magkagalit silang dalawa at ayaw ko ng ganoon.
"W-wala. Kain na tayo!" Pag-iiba ko. Kinuha ko sa kaniya ang inabot niyang pagkain at nagsimula ng kumain.
Burger, fries at juice.
Nakakunot ang noo niya pero nawala iyon at nagsimula na ring kumain. Panay siya kwento tungkol sa magiging outing niya ngayong december. Ilang buwan na lang daw iyon. Isasama niya raw ako kung pumayag ako sa alok niya. But i keep refusing.
Ramdam ko pa rin ang titig ng mokong. Binabalewala ko na lang pero hindi ko mapigilang 'di makaramdam. Natapos kaming kumain ay dumiretso kaming bathroom.
Naiihi si richel at nagpasama sa akin. Noong umalis kami sa cafeteria ay nanatili roon sila adam. Akala ko ay aalis na rin sila dahil magsisimula na ang klase kagaya ng ibang students na nagsialisan na rin kagaya namin ngunit nanatili sila.
Hindi ko alam pero parang gusto ko siyang makita.
Nasa labas lang ako ng bathroom.
I saw cloe coming in my direction. No. Ano ang gagawin niya sa 'kin?
Habang papalapit siya sa akin ay nakakuyom ang kanang kamao niya. May balak ba siyang saktan ako? Wala naman akong ginagawang masama.
"You b***h! Bagay sa 'yo sinasampal!!"
Nang nakalapit siya sa akin ay umambang sasampalin niya ako. Pumikit ako sa kaba na baka tatama iyon ng malutong sa mukha ko. Ayoko ng malasap ang masampal ulit!
Hinintay ko ang pagdapo ng kamay niya sa mukha ko pero wala akong naramdamng kahit ano. Idinilat ko ang mga mata at laking gulat ko ng naiwan sa ere ang kamay ni cloe habang may kamay na pumipigil sa palupulsuhan niya.
"Try to slapped her and i will slapped you back. I'll make sure it will leave a mark on your f*****g face, honey." In sarcastic voice.
Itinabig ni cloe ang kamay niya at binitawan niya naman iyon. Kita ko kung gaano kapula ang palapulsuhan ni cloe na agad niya namang hinilot.
"Pathetic!" Iritang sigaw ni cloe sa akin at padarag na tumakbo palayo.
Nilingon niya ako. Napakalamig ng titig niya.
"S-salamat." Nakagat ko ang pang ibabang labi.
He stared at my eyes in a couple of second bago niya hinugot palabas ang lollipop na nasa bibig niya at dinilaan iyon bago niya isinubo sa bibig ko.
He curled his lips and played his tongue on his gums when he notice me getting red.
"Tss. Just give me back the stick later." Tumalikod at nagsimulang humakbang paalis.
Naestatwa ako sa ginawa niya.
Did he put his lollipop on my mouth? 'Di ba galing iyon sa bibig niya?! Baliw ba siya? May saltik ang mokong! Indirect kiss!
"I'll make you pay if you don't return the stick to me." Pahabol pa niya.
Nalutang na nga ako sa kinatatayuan ko.
May saltik na talaga ang mokong na iyon! Bakit ko ba hinahayaang gawin niya ang ganitong mga bagay sa akin?! Nakakahiya!
Boses ni richel nagpagising sa 'kin sa pagkalutang. Nasa bibig ko pa rin ang lollipop. Tapos na pala siyang magrestroom.
"Hey!" Boses iyon ni richel. "Hoy Sabrina! Ilang planet na nalakbay mo?" Natatawa pa siya habang niyuyugyug ang balikat ko.
Tiningnan niya 'ko sa mga mata at naningkit. Tinulak ko siya palayo. Nasa bibig ko ang titig niya. Bigla niyang tinuro ang bibig ko at napatawa ng malakas. Napakapit pa siya sa tiyan.
"Tulo na laway mo, oh! Ano? Tunaw na lollipop mo! Ubos na yung lollipop kakatulo ng laway mo!!"
Kinapa ko ang bibig ko at totoo nga ang sinabi niya, agad ko iyong pinunasan. Ilang minuto ba akong lutang? Baka may ibang nakakita ng laway ko, nakakahiya!
Natawa na rin ako.
"Sa'n galing ang lollipop mo? Meron ka pa? Pahingi!" Tumungo siya agad sa bag ko.
Madali ko iyong nailayo sa kaniya. "Ito na lang oh." Sabay abot ko sa kaniya sa lollipop.
Nag-iba ang lasa ng mukha niya, nandidiri. "Yuck, sab! Gago! Kadiri ka ah!"
My eyes widened when i realize what did i do. "Wala na akong lollipop nag-iisahan lang 'to." Ayaw kong sabihin ang totoo. Nakakahiya kasi 'yon!
Nagaya ko tuloy yung ginawa ng lalaking 'yon!
Sinipsip ko na lang ang natitirang candy at itinapon ang stick sa trash can malapit sa pinto ng restroom.
"Sayang. Dinamihan mo sana ng bili para meron din ako!" Nguso niya. Natawa ako ulit. Ang cute niya parang aso, joke.
"Bukas na lang."
Ngumiti siya at tumango na parang aso. Bumalik kami sa classrom para sa susunod na subject namin, filipino. Pagkapasok namin ay sakto ang dating namin dahil magsisimula pa lang sa pagleleksyon si ma'am diane.
Agad na nahanap ng mata ko si cloe. Hindi siya nakatingin sa 'kin pero himig ko ang galit niya. Nakahalukipkip siya at nakapang dekwatro. Nakita ko ang pamumula pa rin ng kanang palapulsuhan niya. Nakaramdam ako ng guilty.
Umupo ako sa tabi niya, ang upuan ko.
Hindi ako makapakinig ng maayos sa leksyon dahil nadidistract ako sa mga pumapasok sa isip ko at sa katabi kong si cloe. Panay silip ako sa kaniya. Sa guro lang nakatuon ang atensyon niya. Parang gusto kong manghingi ng sorry kahit hindi ko alam kung anong naging kasalanan ko sa kaniya. I feel sorry. Ayaw ko ng mayroong may sama ng loob sa akin.
Natapos ang klase namin sa hapon ay mabilis na lumabas si cloe ng room. Nagligpit ako ng gamit at sinalubong ako ni richel.
Sabay kaming lumabas ng room.
I saw a familiar guy. Nakasandig siya sa pader, nakatagilid sa akin. Nakapikit siya at nakapasok ang dalawang kamay sa bulsa. He losses his neck tie.
"Diometry?" Lumapit ako sa kaniya.
Naimulat niya ang mga mata at humarap sa akin. Pinamulahan siya ng pisnge. "A-andyan ka na pala isab," kamot niya sa batok.
"Sino siya?" Si richellien.
"Si Diometry Adalgon nga pala richel." Pakilala ko sa kaniya. "Diometry, ito nga pala si Richellien Plandoza.. kaibigan ko." Pakilala ko sa isa't isa.
"Nice to meet you.." she offered her hand. Nagkamayan sila. "Nice to meet you too."
Ibinalik sa 'kin ni diometry ang atensyon.
"Anong ginagawa mo dito?" I ask.
"Uhm, sabay sana tayo patungong mion."
Oo. Ngayon ng pala ang unang trabaho ko. Muntik ko ng makalimutan. Pero teka dito pala si diometry nag-aaral. Bakit ngayon ko lang siya nakita dito? At ang uniform niya ay pang senior high.
Nakikinig lang sa 'min si richel.
Tumango ako bilang pagsang-ayon. He smiled. Ibinaling ko ang tuon kay richel. I saw her face changed into curious face. Ipinaliwanag ko sa kaniya na nagtratrabaho ako sa mion cafe at katrabaho ko itong si diometry.
Naglakad kami papuntang gate.
Naunang magpaalam sa amin si richel dahil sa pagsulpot ng van nila na nagsusundo sa kaniya kaya kami na lang ang naiwang dalawa ni diometry.
Hindi na ako susunduin ni manong ngayon dahil sinabihan ko siyang huwag niya na akong sunduin kapag uwian. Mabuti na lang at sumang-ayon siya dahil inilihim lang namin iyon kina tita at tito
Hindi din magtatagal ipapaalam ko rin naman ito sa kanila hihintayin ko lang na makaipon ako at ipapaalam ko na ito sa kanila. Dahil kapag sinabi ko ito sa kanila ay baka hindi ako pagpatrabahuin dahil junior high pa lang ako.
"Ngayon lang kita nakita dito sa school, ah?"
"Nahihiya kasi akong magpakita sa 'yo..."
Natawa ako. "Wala namang dapat kahiyaan sa akin eh," Kinamot niya ulit ang batok. Pansin ko lang, ang hilig niya sa ganiyan.
May dumaang jeep kaya mabilis niya iyong naparahan. Sumakay kami. Masikip masyado pero sakto lang para magkasya kaming dalawa. Magkadikit kami at halos magbungguan na ang aming mga balikat. Ramdam ko ang pag-iwas niya.
Mabilis kaming nakaabot sa mion. I saw some of our members already there. Marami na ang mga costumer. Mabilis kaming nagbihis ng mga uniporme namin. Maiksi at masikip ng kaunti ang uniporme sa akin. Napangiwi ako. Hapit sa katawan ko. Halos lumabas ang kurba ng katawan ko.
I saw diometry staring at me. Napalunok ako at napayuko. Nakakahiya!
"It looks good on you.." he whispered.
"Ah.. eh.. ano kasi, 'di ako sanay.."
Umiling siya at lumapit sa akin. "Sorry, iyan na lang kasi ang natitirang libreng uniform dito. Tsaka bagay naman sa 'yo." Binasa niya ang labi gamit ang dila.
Huminga akong malalim. Blouse na may apron style sa harap at ang tali sa likod na paribbon. Halos kalahati sa hita ko ang haba at sa itaas ay hapit sa dibdib ko. Okay na ito! Ang importante ang trabaho ko!
"It's okay."
Pampalakas loob sa 'kin ni diometry. I tried to smiled at him and nodded.
Lumabas kami at itinuro sa akin kung ano ang magiging papel ko. Agad ko iyong nasaulo. Magseserve ako ng mga order at kukuha ng mga order.
Nasundan ko lahat ng utos sa akin at naging maganda ang trabaho ko. Sa una ay nanginginig ako at nauutal pero kalaunan ay naging kalma din ako. Unti-unti na akong natututo.
"Good job." Si diometry at kinindatan ako. Siya iyong nagbibigay sa akin ng mga order at siya ang nagbabantay sa mga table kung may nangyari aksidente.
Mas madali ang papel ko kaysa sa kanya. Paguran nga lang ang akin.
Nagpahinga muna ako sandali sa tabi ni diometry nang wala pang order. Limang oras natapos at alas singko na ng hapon.
"Nakakapagod din pala." Inayos ko ang buhok kong nagkagulo.
He chuckled. "Ganoon talaga sa una pero pag nagtagal ay masasanay ka rin."
Tumango ako at umambang tatayo ng nakitang may bagong costumer na dumating. Labis ang gulat ko ng nakita kung sino ang mga iyon.
I saw a man opening the glass door. Bumungad sa akin ang mukha niya. Our eyes met. He's still in his uniform. I saw adam and vicente after him.
They sit on a empty table near us. He's infront of me, keep staring at me and to diometry. Palipat lipat ang tingin niya sa aming dalawa. Creasing his forehead. Suddenly, he looked away.
I saw adam glanced at my way when he notice his friend beside him stared at me a while ago. Adam got irritated when he saw me.
The jerk raised his hand for me. I immediatly get myself to them kahit nanginginig ang tuhod ko habang palapit sa kanila. Irita ang mukha niya nang nakalapit ako sa kanila.
He's staring irritatedly at my skirt. I pull my skirt down. Ngunit hindi pa rin sapat para maitago noon ang hita ko.
Sumibol si vicente. "What a nice dress—"
Tinapunan niya ng tingin si vicente dahilan ng pagtigil nito sa sasabihin bago ibinalik sa damit ko ang tingin.
"What's your order.. s-sir?" Nauutal kong tanong. Ang sarap magpakain sa lupa sa mga oras na 'to.
"Get us some dark coffee and apple pie. Faster." Si adam ang sumagot.
I listed it on my note. Kumindat sa 'kin si vicente. "Y-yes sir." At mabilis na tumalikod at umalis doon.
"Atom, papayagan mo na lang ba iyon? Hindi mo ba pipigilan si adrian sa gagawin niya?" Naiinis na tanong ni adam.
Atom..
"Yeah, dude. Baka mapano 'yon si—"
"No, I'll let him. It's his job, i don't care."
Mga pag-uusap nilang narinig ko bago ako nakaalis sa table nila. Men's talk. Usapan ng mga lalaki na hindi ko kailangan makinig o makialam pero nagtataka ako sa panggalang ibinanggit nila.
So his name is atom..
Pumunta rin ako sa kabilang table dahil may bagong order. I can sense jerk still staring at me. Dumiretso ako kay diometry at ibinigay ang mga order.
Napuna ni diometry ang kamay kong nanginginig habang inaabot sa kaniya ang note. Natawa ako. Hinilot niya sandali ang kamay ko para mawala daw kaunti ang panginginig no'n.
Pakalmahin daw ang sarili ko pero papaano ko papakalmahin ang sarili ko? Kung hindi lang kaba ang nararamdaman ko?
Pagkatapos ng ginawa niya sa 'kin ay tinawagan niya si linda para sa order at pumasok na siya sa loob. Umupo ako ulit sa gilid ng pwesto namin ni diometry kanina at doon naghintay.
Nakita nila akong nagtratrabaho dito. Hindi kaya ako isusumbong ni adam? Baka isumbong niya ako! Patay! O baka hindi kasi wala naman siyang pakialam sa 'kin. Ni hindi niya nga ako pinapansin eh, kahit sa mansyon.
Hindi naman siguro. I always saw him how he irritated on me kaya walang dahilan para isumbong niya 'ko. Wala siyang pakealam sa 'kin.
I closed my eyes and breath heavely.
When i opened my eyes, i saw a body of a man infront of me. His abdomen is infront of me. Naamoy ko ang pamilyar niyang pabango.
Napalunok ako.
Tiningala ko siya. He is looking at me with bloodshot eyes. His jaw clinched. His face darkened and his aura is too cold.
I don't know why but my heart is pounding too fast and loud. I can't breath propely. The way he stare at me, parang galit na galit siya.
Susunod…