Kabanata 2

3698 Words
I'm happy to saw my mom and her sister hugging each other, again. Huli ko silang nakita na nagyakapan ay iyong huling pagkikita nila. Noong pinilit naming umalis upang makasama ang ama ngunit nawala rin iyon ng parang bula kaya masaya ako't ngayon ay nagkalapit na silang dalawa. All i want is to see her happy again and this is it. Iba talaga ang pagmamahalan ng magkapatid kahit anong away o tampuhan pa man iyan ay muli pa ring magbabati at habang buhay na magtuturingang magkapatid. At kung narito lang sana si daddy ay buo sana kaming lahat... Kung maibabalik ko lang sana ang panahon..  "Miss, dito ka lang po muna sa sala, iaakyat ko lang ang mga gamit ninyo." Tumango ako at agad siyang nagtungo. Napakalaki pa rin nitong mansyon. This is the mansyon of Deverell's. One of their properties. They are filthy rich. Hanggang paglaki ko ay iba pa rin talaga sa akin ang dating nitong mansyon.  Noon lumang kagamitan ang mga narito. Ngayon ay maraming nagbago. Lahat ng kagamitan ay bago at nakakaattract tignan. Ang sahig ay kulay puti, ang ding-ding ay kulay abo at ang sa taas ay puti rin. Lumaki ang chandelier at ang sala'y lumuwag. Bawat sulok ay mayroong mga magagandang disenyo, paintings at mamahaling vase. And they even have paintings of their families. Nakita ko ang mukha ni tito at tita na nakapainting at isang magandang babae. Ito kaya ang unang asawa ni tito? May painting din ang lolo at lola nila. Nakarating ako sa pinakahuling painting. Mu forehead crinkled. I didn't saw this man before here. He's on a black tuxedo and on a clean cut hair. He's hansome like tito. Mayroon siyang singkit na mata na hindi kagaya ni tito. Pero magkahawig sila ng mukha. Sino kaya ito? Is he a brother? Or a son of tito?  This mansion is full of filthy things. Nanliit ako sa sarili. Ang tsenelas kong pudpud at maduming kasuotan ay tila nagmumunting dumi sa mansyong ito. Napakipot ako. Hindi pwede ang isang katulad ko rito hindi katulad noong dati. Para lang akong basura ngayon but it feels like i'm home. Tumayo akong tuwid ng nakita ang pagpasok ng magkapatid. Kita ko ang saya sa kanilang mga mukha na tila walang iyakang naganap. Nangingiti ko silang pinagmamasdan, para akong wala sa harapan nila dahil sa busy ng usapan nila ngunit okay lang naman iyon sa akin sapagkat ayaw ko rin naman silang istorbohin sa kanilang masarap na usapan. I excuse my self and followed the maid who bought my bags in to my old room. The room i always used when i was a kid, when we're visiting here, for vacation, for occation or for staying.. "Dito ko na lang ilalagay ma'am." Sabay lagay niya isa, isa sa gilid ng kama. I nodded. "Kay mommy ba gamit dito rin ilalagay?"  Ngumisi siya. "Hindi po ma'am, do'n po sa isa sa kabilang kwarto ilalagay. 'Yon kasi ang sabi ng madam noon pa man bago kayo dumating." My lips twisted. "Ah, ganoon po ba. Sige po, maraming salamat." Tumango ito at agad na umalis para gawin ang kaniyang sinabi. Nilibot ko ng tingin ang buong kwarto at sumalampak sa kama. Ganoon pa rin ang kulay ng kabuuan nito, kulay indigo at ang ayos nito sa dati. Hindi pinabago ni tita dahil alam niyang mamimiss ko ito once na bumalik kami rito at ito na nga ang araw na iyon. Dahil sa iniisip hindi ko na namalayan ang unti-unting pagpikit ng mga mata ko na humila sa'kin upang makatulog. Dahil siguro sa pagod at iyak na buong araw naming ginawa ni mama. Naalimpungatan ako sa pag-ulan ng katok na bumalot sa buong kwarto. Nairita ako kaya napabuhat at diretsong binuksan ang pintuang inulan ng katok ng kung sino. Bumungad sa akin ang matangkad na lalaki. "Dad is calling you." Aniya sa matigas na engles. Napakusot ako ng mata at pinandilatan siya. Malabo ang pagmumukha niya dahil siguro ay kakagising ko lang talaga o isa itong panaginip? "Sino ka?" Wala sa sariling patanong ko. "Tss, i'm not sinuka." Iritang aniya at tumalikod. Sinuka? Sino ba 'yon? Ba't ganoon 'yon umakto parang ayaw sa akin? Sino bang daddy ang tinutukoy no'n? Maybe tito? May anak ba sina tito? Napatingin ako sa relong nasa kaliwang kamay ko at pak umaga na pala. Ni hindi ko man lang naalala na nakatulog na pala ako kahapon. Siguro ay sa pagod at naalimpungatan na lang ako sa katok ng lalaking ito. Humikab ako pero bago pa 'ko makapagstretch ng mga kamay ay muli na naman itong nagsalita sa iritang tinig. oaw bumalik? Ewan ko ba anong ikinaiinis nito sa'kin niaano ko ba 'to? "By the way, you'll do house cleaning with your mother like what  the maids always do in this mansion. For your pays para sa pagpapatira ni dad sa inyo dito because you two are not really welcome in this house." May diin niyang saad. Tf? He's the man on the paintings! "Huwag—" bago pa man magsimula ang sasabihin ko ay agad na itong tumalikod at mabilis na naglakad palayo sa'kin. Pababa ng hagdan. Huwag kamo siyang mag-aalala at mamayang mamaya ay magsisimula na 'kong maglinis sa bahay na ito dahil ito rin naman ang pinag-isipan naming mag-ina na ipambayad sa kabaitan nina tita kung sakaling papapasukin kami sa mansyong ito.  At pasalamat siyang hindi ako lumaking tamad at masusunod ko ang utos niya na walang reklamo at kahit na hindi siya mag-uutos susunod akong kusa. Sabi ko na bagong paghihirap nanaman ito. Nagsariling naglakad ang mga paa ko pasunod sa lalaki na ito. Patungo din naman ata siya sa kung nasaan sina tita at tito dahil iyon naman ang unang lumabas sa bibig niya and i guess.  Hindi nito namamalayang nakasunod ako dahil malayo layo ang agwat namin kahit bilisan ko pang maglakad dahil Malalaki ang mga hakbang nito. Kahawig talaga sila ni tito kahit pa masungit ang pagmumukha na ipinakita niya sa 'kin klaro pa rin ang maamo nitong mukha.  I think he's a half korean because of his eyes. He's very handsome at para siyang isang modelo sa ibang bansa na nakikita ko sa mga magazines ni Aloui. Nakalabas na kami ng mansyon. Sumusunod pa rin ako sa kaniya pero hindi ko alam kung saan ba talaga kami pupunta coz i was expecting him nga na kina tito ang punta niya. But i'm wrong when the gates open at isang magarang kotse ang nakaparada. Iginilid ko ang ulo upang makita ang kotseng iyon. Unti-unting bumababa ang salamin ng kotseng iyon at lumitaw ang nakaside view'ng lalaki roon na nakashades. I got curious. Hindi lang siya isang lalaki kundi isang matipunong lalaki. Unti-unti itong lumingon sa 'min pero bago ko pa iyon matuklasan ay agad akong napalingon sa likuran ko ng marinig ang boses ni tita mara. "Isab?" tawag niya sa 'kin.  Sa kunot noo niyang nakatingin sa akin ay alam ko na agad na nagtataka siya kung bakit ako nandito. Bakit nga ba ako nandito? Ang alam ko lang naman ay sumusunod ako sa tutunguhan ng lalaking ito. "What the f**k are you doing here?!" Sa iritang boses ulit ngunit himig ko na ang galit na ang niya. Unti unti akong humarap sa kaniya at muntik mapatalon ng kita ko ang sobrang lapit nito ng mukha sa 'kin at galit na titig sa 'kin.  A-ano bang problema nito? Narinig ko ang mga yapak ni tita tiyak na palapit sa amin. Umatras ako ng kaunti ngunit palapit naman ito. I swallowed hard. Hindi ko naman alam na hindi pala siya tutungo kina tito e, kung sinabi niya sana ay hindi na sana ako nagkamaling sumunod! "Anong nangyayare adam?" Si tita. Nakalapit na sa amin at hinawakan ang magkabilang balikat ko palapit sa kaniya.  Hindi ako makaimik. "You." Titig niya kay tita ng mariin at agad namang bumalik sa akin. "Tell her not to f*****g follow me or else she will return to where she came from!" Napapikit akong mariin dahil sa nagbabadyang mga luha. I was expecting this too.. palagi namang ganito eh, ba't ako naiiyak? "Adam your words!" Si tita. "I-im sorry.." basag ang boses ko. "Tss. I don't need your sorry and i don't know you b***h!" He shouted. Mabilis siyang naglakad palayo, patungo sa kotseng iyon. Agad akong niyakap ni tita at pinatahan. Ang sakit lang kasi pati ba naman dito ay hindi mawawala iyon? Wala na bang magsasawang manghusga sa 'min? Wala na bang katapusan ang lahat ng 'to?  Oh god i'm so tired of facing it.. "What the hell is that?" The man with the shade ask adam. "Not so important man. Let's go, gusto kong magpalamig." Adam answered and the guy with the shades roared the car into life. Mabilis silang nakalayo. I sobbed.  Bakit napakahina ko tuwing iniinsulto ako? Bakit palagi na lang sa ganoong paraan ako nawawalan ng pag-asa? Bakit hindi ko matanggap? Life is so unfair.. so f*****g unfair... Humigpit ang yakap ni tita sa'kin. Sinuklian ko iyon. Mabuti na lang nandito si tita kung wala siguro ay kanina pa ako napaluhod sa sakit na nararamdaman. Why i'm so emotional? Kailangan kong tumigil sa pagiging emotional ko dahil hindi ito makakabuti sa 'kin. "Shh, it's okay ganiyan lang talaga si adam, huwag mo nang pansinin iyon sab." She calm me. "I don't know why tita. They always doing this to us.. palagi na lang ganoon ang tingin ng lahat sa amin and i g-guess nakatadhana na talaga iyon sa amin ni mama—" Mabilis siyang kumalas sa pagkakayakap at itinaas ang mukha ko para maiharap iyon sa kanya. Pinahid niya ang mga nangilid kong luha. Kung alam ko lang sana na ito ang itatakbo ng umaga ko sana ay hindi na lang ako nagpagising. "Huwag mong sabihin iyan. Lilipas din 'yan, pagsubok lang iyan sa inyo lilipas din, maging matatag at matapang ka lang. Isang araw mawawala rin 'yan." She form a smile. Isa na ata si auntie sa ipinagmamalaki kong mayroon ako. Siya lang din ang makakapitan ko sa pagdradrama ko kahit pa noong bata pa ako. She always been there for me.  "Sana nga po tita pagod na rin akong ganito ang takbo ng buhay namin ni mama but like what you said i'll be brave para malampasan ito." I tried to smile. We hugged each other again but this time my tears gone. "Good, basta tandaan mo nandito lang ako kapag kailangan mo ng tulong." I nodded and hug her tight. I hope this won't end.. Natapos ang emotional scene namin ni tita ay nagtungo na kami sa kung nasaan sina mama. Sabi ni tita ay nasa kusina raw ang mga ito nag-aalmusal at ako na lang daw ang hinihintay dahil hindi naman daw sumasabay sa kanilang kumain si adam na anak pala ni tito sa unang asawa. Hindi man naibigay sa 'kin ni auntie ang buong inpormasyon tungkol kay adam ay napag-usapan naming pag-uusapan na lang namin iyon sa susunod na araw.  Sumang-ayon naman ako. Hindi ko man masabi ng may siguraduhan ay tingin kong kaya ganoon ang ugali ng adam na 'yon ay dahil siguro hindi pa ito nakakamove-on sa pagkawala ng ina nito like me.. pero pwede rin namang inborn na siyang ganoon. Sobrang suplado hindi naman ganoon si tito lalo na siguro ang ina nito. "I'm sorry about adam do to you, hija." Si tito sa nag-aalalang boses. Ngumiti ako para ipakitang okay lang iyon. Napakati siya sa ulo at napasinghap. Nakaupo na kami at nakaharap sa mahabang lamesa.  "I don't know what with my son." Hirap niyang sabi. "I ordered him to wake you up and introduce himself properly to you! But look what he did to you! I'm really really sorry, hija.."  Kita ko ang galit sa kaniyang mga mata ngunit mabilis iyong nawala at napalitan na lang ng lungkot. I smiled bitterly and shook my head. "Okay lang po talaga sanay na rin po naman ako." I lied but it's true. Suminghap siya ulit at pumikit ng mariin para bang may malaking problema ito na hindi pa rin niya natatapos. Hinagod ni auntie ang likuran niya upang pakalmahin ito. Nangiti si tito sa amin at pinatigil na si tita sa pagpapatahan sa kaniya. "Let's eat." Aya niya sa 'min at nagsimula na nga kaming kumain. Hindi ko alam ang buong istorya ng pamilya nila pero ngayon pa lang ay naaawa na ako kay tito sa nararamdaman niyang lungkot ng titigan niya ako na para bang may problema siyang hinding hindi niya masusulusyonan ng madalian.  Totoo nga ang kasabihang kahit na mayaman ka man sa salapi at material na bagay pero hindi naman sa kaligayahan ng isang pamilya. At walang perang makakabili no'n kahit bilyonaryo ka pa sa buong mundo. Kung ako ay magiging mahirap ay hindi ko na hahangading maging mayaman kung wala naman akong masayang pamilya.. Napailing ako ng biglang may pumasok sa isip ko.  Ang daddy... Isang linggo akong ganoon nga ang ginawa ng walang reklamo at kusang loob kong ginawa upang panindigan iyon. Lahat ng paglilinis na gawain ng mga katulong ay ginawa ko lahat kahit na sinabihan ako ni tita na huwag na akong maglinis dahil bisita nila kami at hindi katulong pero nagpumilit akong gawin iyon dahil ayokong wala akong ginagawa at nakikitira lang kami at iyon lamang ang maisisusukli namin sa kabutihan nila sa amin.  At para hindi na rin pagalitan ni adam si tita dahil ayokong pinapagalitan at paulanan ng masasakit na salita si tita dahil lamang sa amin.  Isang araw ng umuwi si adam upang magkulong sa kwarto niya ay paakyat ako noon ng makita kong pinaulanan niya ng masasakit na salita si tita dahil  sa pagpapatira ni tita sa amin dito dahil hindi niya iyon bahay at sa daddy niya ito kaya wala siyang karapatan.  Mangiyak-ngiyak si tita habang tinatanggap ang mga salitang iyon mula kay adam. Naaawa man ako kay tita ngunit wala akong magagawa dahil nakikitira lang kami at wala akong karapatan upang makisapaw. Baka ay punuin niya na talaga si tita ng masasakit na salita. Naiintindihan ko ang nararamdaman at galit ni adam dahil napagdaanan ko rin iyon noon ngunit ang akin lang ay sana pahalagahan niya ang mga taong nagmamalasakit sa kaniya at parating nariyan upang intindihin at kamustahin siya. Nawalan rin ako ng mahal sa buhay at labis ang galit at hinagpis ko noon kung ganito bakit naging takbo ng buhay ko ngunit kalimutan ang solusyon upang makapagsimula ka at harapin ang bagong bukas dahil hindi natin alam na may naghihintay pala sa atin sa kasalukuyan. Masakit din para sa akin ang nararamdam ni auntie sa pag-asang makukuha niya ang loob ni adam isang araw at tanggapin siya nito bilang isang ina dahil tinuring niya na ring isang anak si adam at gusto niyang mapansin man lang ang pagmamahal niya bilang ina nito kahit pa ay mayroon itong isang tunay na ina. Gusto niya ring makaramdam ng pagmamahal ng isang anak kahit hindi kaniya iyon. Si mama naman ay palaging naroon sa garden kasama si auntie sa pag-aalaga ng mga bulaklak at iba't ibang klase ng tanim doon. Masaya akong bumalik ang samahang ganoon sa kanila kahit papaano ay malilimutan ni mama ang lungkot sa pamamagitan ng kapatid. Wala naman ang tito sa araw-araw at minsang lang kung umuwi dahil ayon kay tita ay busy daw ito palagi sa negosyong pinapalago ni tito. Masaya akong napapasaya nila ang isa't isa. Isang linggo ang nakalipas. Kasalukuyan akong naghuhugas ng pinggan at mga kubyertos. Usual kong ginagawa. Hindi naman mahirap ang gawaing ito dahil nasanay na rin naman ako sa ganito mula pa man noong bata ako. Nangingiti pa nga akong naghuhugas at kumakanta pa upang ganahan sa paghugas ng mga pinggan.  "I like your voice." Someone in my back with a baritone voice I almost jumped as i widened my eyes when i heard someone voice. Napalingon ako rito at ganoon na lang kabilis ang pagtibok ng puso ko ng isang maputing lalaking walang pang itaas ang bumungad sa akin. My eyes explore from his chest down in to his v line. Ang magkabilang kamay niya ay nakapasok sa bulsa ng pantalon niyang halos mahulog sa baywang niya. Napalunok ako sa katawan nitong nakabalandra.  Ang mga mata ko! Umiling ako at ibinaling ang tingin sa mukha niya.  I met his gaze a couple of second before he looked down in my lips. He twisted his lips. His eyes is gorgeous. "I want to kiss your lips, it's beautiful." He said in a seductive way. My cheeks turn red. Parang gusto kong maubo. Ilang dipa lamang ang layo nito sa akin. Napalunok ako. Hays diyos ko po! Hindi ko alam ang gagawin at hindi ko alam kung ano ang sasabihin.  Para akong napako sa kintatayuan. Humakbang ito palapit dahilan upang mapaatras ako at napakapit sa lababo. "I want to kiss that lips." Nginuso niya ang labi ko.  "Ah, b-baliw ka b-ba?" May baliw bang kasinggwapo ng lalaking ito? "Crazy for that lips of yours." Itinukom ko ang bibig ko. Ano bang pinagsasabi niya?! Inilapit niya ang mukha at aambang hahalikan ako ng itinagilid ko ang mukha ko at mariing ipinikit ang mga mata. I felt his breath on my cheeks. Diyos ko po! Gwapo siya pero hindi sa ganitong paraan! Para na akong itlog na pula! He smirk. "Tama nga si adam, you're such an great innocent pretender." Inilayo niya ang mukha at umalis sa harapan ko.  Napabuntong hininga ako at napasandal sa lababo. Anong trip no'n? Sino ba siya para humingi ng halik? Baliw ata iyon o imahinasyon ko lang? Parang nakita ko na ang lalaking iyon o illusyon ko lang? Umiling ako at bumalik na lang sa ginagawa.  Imahinsyon ko lang iyon pagkukumpirmi ko sa sarili. Ngunit kukuhanin ko pa lang ang baso upang hugasan uli ng biglang may humaklit sa akin at iniharap ako sa kaniya at mabilis akong hinalikan. Gumalaw ang bibig niya sa akin. Hindi ko maipikit ang mga mata ko sa gulat at nanatiling nanlalaki ang mga mata. Ang mga kamay kong ginamit panulak sa kaniyang dibdib ay nanghina.  Ramdam ko ang bilis ng pagtibok ng puso ko na parang hinahabol ako ng mga mababagsik na aso na gusto akong kagatin. Kung hindi lang ito nakakapit sa baywang ko ay kanina pa ako nalanta. Nanginginig rin ang tuhod ko sa hindi ko malamang dahilan. Nakaramdam ako ng sensasyong ngayon ko lang naramdaman sa buong buhay ko na dahilan upang mag-init ang katawan ko. Wtf ano itong nararamdaman ko?  Natulak ko siya ng bigla akong nabalik sa ulirat. Napabuntong hininga ako at humigop ng hangin dahil hindi ako makahinga ng maayos sa tagal ng mapupusok na halik nito! Manyakis!  "Sweet." he lick his lips like he eat my lips deliciously. Namula nanaman ako. Hindi matanggal ang titig nito sa mga labi ko at nagngising aso na ikinalunok ko. "Next time i kiss you, respond.." aniya at kinindatan ako. His eyes sparkled. Umangat ang gilid ng labi niya na parang nang-iinsulto at mabilis na umalis sa harap ko. Naiwang nakanganga ang bibig ko sa sinabi niya. Muli akong napasandal sa lababo at napakapit sa dibdib. Ramdam ko pa rin ang panghihina ko.  Anong trip no'n at bigla bigla na lang nanghahalik? Ngayon it's not an illusyon anymore! I felt his lips! It's so hot and sweet! f**k that man! Who is he?! It's my first time! Parang gusto kong hagkan niya 'ko ulit! s**t! And because of that i'm imagining myself responding his kiss and more than that! First time ko nga kasi! Natapos ko ang paghuhugas ng malalim ang iniisip. Mabilis akong nakapunta sa sala. But i froozed when i saw him in there kissing someone. Nakaupo iyong lalaking nanghalik sa 'kin at iyong babaeng kahalikan niya ngayon ay nasa ibabaw niya. Nandiri ako. He's a pervert!   Gusto kong maiyak. Kinuha nito ang first kiss ko! Isang pervert ang nagkuha!  His big hand roamed the body of the woman while kissing her. Bumitaw siya at nilingon ako. He met my gaze. I looked away. The girl continued kissing his neck. Disgusting! "Hi there babe, you want this too?" Tumaas ang gilid ng labi niya. "Do you want some more?" Nangalaiti ako sa galit. Ang sarap niyang batuhin ng vase! Sino ba siya sa akala niya?! "Bakit ka nakatunganga diyan? Tapusin mo ang trabaho mo!" Ni hindi ko namalayan na nakaupo pala si adam sa kabilang couch. "A-andito ka na pala adam..." "I live here. May karapatan akong umuwi." He said irritatedly. Nayuko ako. Nilingon na rin ako noong babae.  "Maybe she is jealous. Baka gusto niya rin ng mga halik mo." At nilingon iyong pervert. Namula ako at bumasangot ang mukha. Natawa iyong pervert. Yuck! Under my dead body!  "Alam kong gusto niya pa ng isa." Ngisi niya pa habang tinitingnan ang mukha ko. Pinanlisikan ko siya. "f**k you!" Padabog akong umalis doon at tuluyan na ngang nagsihulog ang mga luha ko. Dumiretso ako sa kwarto ko at doon nagkulong.  How dare he say that?!  Sino ba siya sa akala niya para kunin ang first kiss ko? Isa lang naman siyang perevert jerk! I hate myself. I got kissed by that man! I like his kiss but damn he's a pervert! para akong tanga na nakatayo roon kanina! Para akong nauuhaw doon ng mga halik! Ano kaya ang hitsura ko kanina? Kamatis na hinog o itlog na pula? Argh! Nakakahiya ka isab! 'Di ko mabigyan ng rason kung bakit niya ako hinalikan dahil noon lamang kami nagkita at sasabihin niya pa sa babae niyang gusto ko pa ng isa?! Sinambunutan ko ang sarili.  Bakit ko ba naiisip ang lalaking iyon? At ang mga labing iyon?! Gusto kong sampalin ang sarili sa katotohanang nagustuhan ko ang halik na 'yon. Gayong may kahalikan siyang iba! Alam kong hinalikan niya 'ko dahil nagagandahan siya sa labi ko ayon sa kaniya pero tama bang rason iyon? Pusangina dapat bang halikan kapag nagandahan?!  Pumikit akong mariin at umiling. I'm just overreacting myself. Ilang sandali akong natahimik habang ang hintuturo ay nasa pang-ibabang labi, hinahaplos iyon. Hindi ko rin namalayang nakangiti na pala ako. Sinapo ko ang noo. Kailangan kong tigilan ang kahibangang ito. Iyong paghalik niya sa akin at sa babaeng din 'yon! Jerk! Susunod…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD