Kabanata 1

3948 Words
Naka pila ako ngayon. Magca-claim ng sweldo. Sa tina-trabahuan kong constraction. Mahaba ang pila at ako ang pinakahuli, palagi naman. Masakit sa balat ang init na dala ng araw kaya nagsuot ako ng damit na matatakpan ang katawan ko. Ala una ngayon ng hapon kaya mainit at masakit sa balat pero titiisin na lamang at sanay na rin naman ako sa ganito. Yes, i'm a constraction worker even if i'm just a girl. Just to find a money that can help us paying our unit, our foods and to our personal needs. Kaya kailangan kong gawin ito at magtiis. Para rin naman ito sa amin. Hindi man alam ito ni mommy ay ipinagpapatuloy ko pa rin. Ang akala niya ay sa restaurant ako nagtatrabaho bilang waiter, ngunit hindi. Walang tumatanggap sa akin sa mga ganyang trabaho sa lugar na ito dahil wala raw akong alam at bobo ang isang katulad ko.  Sakit lang raw ako sa ulo. Hindi ko gustong magsinungaling kay mommy pero kung ito ang makakatulong sa amin ay gagawin ko. Gusto kong makatulong sa kanya kaya ko ito ginagawa. Labandera lamang ang trabaho niya kaya hindi iyon sapat para sa mga kailangan naming bayaran. Tumigil din ako sa pag aaral para makatulong. Ilang beses kaming naghanap ng mauupahang unit ngunit walang tumatanggap sa amin kahit ni isa. Kaya laking tuwa namin na nakahanap din kami sa wakas. Maliit lang ang unit namin at kulang sa gamit. Kami pa ang naglinis nito dahil 'yon ang sabi ng may-ari pero tiniis namin iyon ni mommy dahil 'yon ang ibinigay sa amin ng may-ari. Hindi rin kami nakakabayad ng sakto sa amount na kailangan bayaran kaya rito kami inilagay at ang importante ay may masisilungan kami. Noong una ay hindi pa kami pinapayagan ni aling melly na umupa sa paupahan niya. Ganoon din ang tingin niya sa aming mag-ina katulad ng iba. Nagpumilit lamang kami na payagan kaming umupa. Halos lumuhod kami para roon pero kahit papaano ay pumayag din siya. Kahit na labag sa kanyang kalooban. Masaya kami noon ni mommy dahil may masisilungan na rin kami sa wakas! Marami na ang nakakuha ng sweldo. Paubos na ang pila at palapit na ako sa harap. Tinanaw ko ang mga tapos na. They all look so happy by the smile plastered on their faces. Masisilayan mo talaga iyon kahit na malayo ka. Tumatalon rin kasi sila sa tuwa at iwinawagayway ang mga sobreng nakuha nila na naglalaman ng pera. Umiiling na lamang ako sa mga iniisip. I bit my lower lip. Siguro'y malaki ang kita namin ngayon? o talagang sila lang? I hope malaki rin ang kuha ko. Bumaling ako sa grupong nakakuha na. They're happy too for what they've got now. Sana ako rin. Bumaling ang mga ito sa gawi ko, nang napansin nilang nakatitig ako sa kanila and they all smirk.  Alam kong may kahulugan iyon! Isa sila sa mga nagpapahirap sa akin dito kaya hindi na ako magtataka sa ngiti nila! May isang nagsalita sa grupo nila at doon ko na napatunayang totoo ang hinala ko. "Yes! Mukhang malaki rin ang kita ngayon! May pambili na rin ako ng bagong cellphone! Alam niyo 'yong bagong labas ngayon na iphone!" He smirk and gaze me. Uminit ang pisnge ko sa hiya. They know how to sarcast me, huh.  "Kaya kawawa na lamang ang hindi makakatanggap ng ganitong kalaking pera. So sad!" Panunuya niya. Bingalan pa ang pagbigkas ng huling binanggit. Yumuko ako sa hiya. My eyes heated. Nang nakita nila iyon ay tumawa sila ng pagkalakas lakas at umalis. Kailan ba ito matatapos? Kailan matatapos ang paghihirap ko? Namin? Sana bumilis ang oras at matapos ang mga araw na puno ng mapanutyang nakapaligid sa akin, sa amin. I'm sure hindi ganoon kalaki ang makukuha ko kahit na four hundred naman kada isang araw sa loob ang isang linggo. Dahil madalas ang nakukuha ko ay mababa pa sa eight hundred kahit na two thousand four hundred dapat.  Ngunit ang kada araw ko ay ginawang three hundred at sa kabuan na sweldo ko sa isang linggo ay one thousand eight hundred. Pero binawasan pa ulit. Dahil ba ay babae ako kailangan ng ibaba ang presyo ng sweldo ko? Ginagawa ko naman ang trabaho ko ng maayos. Lahat ginagawa ko, iyong pag aalsa ng mga mabibigat na semento na lalaki lang ang makakabuhat ay ginagawa ko. Nang nasa unahan ko na ang susunod ay tinanaw ko ang ibinigay na pera sa kanya. Sobra ang ibinigay sa kanyang pera kaya't masaya ring umalis ang lalaking 'yon. Mapanuyang tumingin muna ito sa akin bago umalis. Mabuti pa sila at binibigyan sa tamang presyo. Eh, ako binawasan na nga babawasan pa ulit. Takti, parang ako lang nga ang masunurin at palaging inuutusan sa kanila tapos ako pa ang may pinkamaliit na sweldo!  Nang ako na ang nasa harap ng bading ay ibinigay niya agad sa akin ang puting sobre ng walang pag aalinlangan. Mapait na ngumiti ako ng kinuha ko 'to sa kanyang kamay at binuksan ko kung ilan ang laman nito. Baka ay pareho nanaman ito noong mga nakaraang araw. Sana hindi... Nang tuluyan ko na 'tong nabuksan ay nanginig na ang kamay kong nakahawak rito at ang kaninang mga luha na aking pinipigilan ay nakatakas ngayon dahil sa nakita. Ilang minuto pa akong nakatulala roon bago itinaas ang tingin sa bading. Tama nga ako. Madalas naman ganito pero ba't di 'ko pa rin matanggap?  Pinapaypayan niya ang sarili habang tinatanaw ang sobreng hawak ko. Sarkastiko siyang nangingiti. Madalas ko siyang nahuhuling ganyan at nagagalit ako sa kaniyang ginagawa pero bakit mas lalong lumagablab ang galit ko ngayon? Ba't 'di ko matanggap tanggap ngayon? Unti unti niyang ibinaling ang tingin sa 'king mukha. Napa ubo siya at napa iwas ng tingin sa nakitang ekspresyon sa akin, galit. Ibinalik niya lang ang tingin sa akin ng tapos na itong uminom ng tubig. Kita ko sa kaniyang mga mata ngayon ang galit na dati niya pa tinatago. "Oh? Anong nakita mo at ba't ka luhaan?" Maang maangan niya. Lalo lamang akong nagalit.  Iniinsulto mo ba ako? Nakita ko na ang totoong kulay mo dati pa! Kaya wag kang mag maang maangang hindi mo ito sinasadya! "T-tanggap ko naman na maliit na sweldo lang ang pinauunlakan niyo sa 'kin pero bakit niyo ginagawa sa 'kin 'to? Hindi naman ako naging pa-pabigat... wala naman akong kasalanan na ginawa—" he trailed me off and he shrugged. "Umaangal ka ba? So, sorry ka na lang pero 'yan na lang ang natira eh.." he said sarcasticly. "Kung hindi pa 'yan sapat sayo maghanap ka na lang ng ibang trabaho! Jusko! Buti nga binigyan ka pa. Tss" Sunod-sunod nang patuloy na lumalandas ang mga luha ko pababa sa aking pisnge. Pumikit ako ng mariin. It's just eight hundred! Sakto ba iyon para sa upa at pang araw araw na pagkain! "Please lang!" Lumuhod na ako sa kanyang harapan "kailangan ko talaga ng pera ngayon! Kailangan naming mabayaran ni mommy ang upa-" humagulgol na ako. Di matanggap ang nangyayari. "Tss, Totoo nga palang mga mukhang pera kayo! Binibigyan na nga eh kulang pa sa inyo. Nyeh! Kala mo naman ang espesyal eh! Pabigat lang naman rito at hindi pa ginagawa ng maayos ang trabaho! Ngayon ay nakikiusap pa sa 'kin para dagdagan ang sweldo niya! What a gold digger!" Huh? I swear! I did everything kahit nagkasakit ako ay nagtatrabaho ako para lamang makita nilang agresibo ako! Ginawa ko lahat lahat! Pero ba't ganun? Walang halaga sa kanila? "Please! Kailangan ko talaga ng pera ngayon! Ginawa ko naman lahat para mabigyan niyo ako sa tamang a-a-amount ng sweldo.." humikbi ako. "P-pero ba't ganoon? Kulang pa—" "So, sinasabi mo bang kasalanan ko pa 'yon?!" Hinampas niya ang lamesang nakapagitan sa amin dahilan kung bakit ako napatalon ng kaunti sa gulat. "Kung 'yan lang naman ang isusumbat mo sa  akin! Better go away! Leave!" Irita niyang sumbat. No! I'm not going to leave! Kailangan ko ng pera ngayon! I need the money so bad! "Please! I need the money! Kahit dagdagan niyo lang ng isang libo..." Lumipat ako sa gilid niya at hinugut-hugot ang laylayan ng kanyang damit, nagmamakaawa. "Kahit ano gagawin ko madagdagan niyo lang ito!" Napatayo siya at tinulak ako dahilan kung bakit ako napasubsob sa lupa. Rinig ko ang tawanan ng kung sino sa paligid. Ganoon din ang bading. I can't believe this... "No way!" Tumayo siya. Pinagpagan ang laylayan ng kaniyang damit na parang nandidiri. "Alis! Hindi ko 'yon gagawin kahit kainin mo pa ang lupa! Hinding hindi ko 'yon gagawin, aber!" Tinarayan niya ako at pakembot kembot na umalis. Agad namang pinayungan siya ng kaniyang bodyguard. Wala na akong ibang choice. Wala na akong magagawa rito kailangan ko na talagang iparaya iyon at umalis. Sayang lang ang pagod ko. Sayang lang ang paghihirap ko kung ito lang naman ang makukuha ko. Ganito na lang ba ang turing nila palagi sa tulad naming mahihirap? Porke ba mayayaman sila ay ganito na lang ang turing nila sa amin? Ang itrato kami na parang alipin at basura. Sorry mommy pero ito lang talaga ang nakuha ko ngayon.  "I said leave! at 'wag ka na ulit babalik pa dito!" Nagulat ako ng hindi pa ito nalalayo ng tuluyan. Nanlilisik ang kaniyang mga matang nakatitig sa akin. Unti unti akong tumayo. "As you wish." Tumalikod na kaagad ako at naglakad na palayo. Hindi na inalintana ang dumi sa aking damit galing sa pagkakaluhod. "Aba't talaga! Umalis ka na rin sa lugar na 'to impokrita!" Pahabol niya nang nakalayo na ako. Hindi na ba magbabago pa ang tingin nila sa amin? I don't know what we've done to them for treating this to us. Wala naman akong naaalalang nagawang kasalanan sa kanila. Ang alam ko lang ay naging mabuti kami sa kanila at kailan ma'y hindi sila tinuring ng ganiyan. Noong una rin naming tirahan sa pangpangga ay ganoon rin ang trato sa amin. Bahagya pa nilang sinunog noon ang bahay namin dahil lang sa galit nila sa pamilya namin. Lahat na lang ba ng lugar ay ganito ang trato sa amin? Hindi ba nila alam na tao rin kami nasasaktan sa bawat tukso at pagpapahirap nila sa amin! Simula noong namatay si daddy ay ganoon na ang naging turing nila sa amin. Kinamuhian nila kami dahil sa pagkamatay ng dad ko. Mayaman kami noong nabubuhay pa si daddy pero ng sinabi ng doktor na may sakit siya sa puso at iyon ang ikinamatay niya ay roon na kami nagsimulang nag hirap. May sakit ang daddy noon, iyon ang sinabi ng lola sa amin. Ilang taon si daddy'ng wala sa mansyon noon dahil may trabaho siya sa ibang bansa, may hinahandle siyang company doong importante at kailangan palaguin. Siya ang pinaka best buddy ko sa lahat kaya noong nalaman kong umalis si daddy ay ilang buwan akong nagiiyak at nagkulong. Kahit na nakakausap namin siya sa cellphone ay hindi pa rin sapat. Hanggang sa dumating ang isang araw. It's early in the morning when i woke up, agad akong naligo at nagbihis. Pagkatapos ay lumabas ako ng kwarto at bumaba ng hagdan. Kailangan naroon ako kaagad sa hapagkainan dahil uuwi ang lola. May importante raw siyang sasabihin sa amin, iyon ang sabi ni mommy kagabi. Ganoon ba kaimportante para sa ganitong kaagang oras? Siguro ay uuwi na ang daddy at bakit dadalaw ang lola rito? Alam kong may pagkamaldita si lola at kumukulo ang kaniyang dugo kapag nakikita kami kaya bakit may importante siyang isasabi sa amin ngayon? If she don't want to see our faces? Noong umalis si daddy ay hindi na siya bumisita rito sa'min kaya ganoon na lamang ang pag tataka ko. Nagdahan dahan ako sa paglalakad ng malapit na ako sa hapagkainan. Natatanaw ko na ang lola kong nakaupo sa minsan niyang inuupuan. Naroon na rin si mommy sa upuan niya. Natatanaw ko mula rito  sa sala ang malulungkot na mata ng inang nakatitig sa akin. Kita kong suminghot siya at tinawag ang panggalan ko. May naramdaman akong kaba kaya agad akong tumakbo patungo sa kaniya. Kita ko ang mga luha niyang sunod sunod na bumuhos nang nasilayan ko na ito ng malapitan.  Bumilis bigla ang pagtibok ng puso ko. Pinahid ko ang mga luha ni niyang hindi tumitigil sa pagbuhos. Nagulat na lang ako ng bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Ngayon ko lang nakita si mommy na sobrang lungkot. Napa luha na rin ako. Anong sinabi ni lola sa kaniya para ganoon na lamang ang lungkot ni niya? Hindi kaya may masamang nangyari? Bakit umiiyak si mommy? Anong rason? Inilipat ko ang mga matang naluluha at nagtatanong kay lola.  Tell me lola what happen?  Ganoon pa rin ang hitsura niya mula noon. Seryuso at mataray ngunit mararamdaman mo lang iyon kung kaya mong makita ang totoong kulay sa likod ng mala-anghel niyang mukha. Nakatitig lamang ito sa amin at hindi umiimik.  Ramdam ko ang ngiti niya! Sa bawat pag kagat labi niya! Ba't masaya ka lola? At si mommy hindi?! Ibinaling ko ang tingin sa kawawang ina "M-mom tell me, what h-happen? Why are you c-crying?" Nanginig ang boses ko. Narinig kong tumikhim ang lola at walang pasabing nagsalita ng diretso. "You're dad had a heart attack, he's dead. Na heart attack siya noong pabalik na siya rito—" pinutol ko na agad ang kung anong idudugtong niya. Agad akong kumalas sa pagkakayakap kay mommy at hinarap siya. Nanlisik ako. "This can't be lola!" Agad kong paratang sa kaniya. Marahang hinawakan ni mommy ang braso ko. Kahit kailan hindi nabanggit sa amin ni daddy na mayroon siyang sakit sa puso! Kahit noong umalis siya! Kaya kung mayroon ay bakit ngayon lang namin nalaman kung ganoon? "I'm not lying! All i have said is true! Your dad is dead and it's true! Noong pauwi na siya rito ay na heart attack siya dahil sa sobrang stress at 'y-yon ang sinabi ng doktor. Inilibing siya kahapon... Namatay na ang anak ko! Dahil sa inyo! Pinatay niyo ang anak k-ko." Anger is visible on her face now. Nanghina ako sa nalaman at humikbi. Humagulgol na ako. Hindi ito maaari! "Uuwi pa ang daddy! Ang sabi niya uuwi pa siya! He's not dead lola you are just disgusted and hated us. Kaya mo kami niloloko! My dad is not dead, i'm sure of that. Wala siyang sakit.." humina ang boses ko sa huling sinabi.  "Isab! Huwag kang ganiyan sa lola mo." Hinigit ako ni mommy. "Watch your mouth poor kid!" She look at me with disgust and she turned to mommy. "Kimhara, ikaw na ang magpaliwanag sa anak mo. I have a meeting to go. I don't care if you too suffered." Agad siyang tumayo at pinagpag ang mamahaling damit. What the hell? Why do we need to suffer? Because of my father's death? And we're the reason? Wala naman kaming ginawang masama! At ama ko iyon kaya bakit kami ang may kasalanan? Bakit ganoon na lamang ang galit niya sa amin? Ilang taon kaming naghintay sa pag uwi ng daddy tapos 'yon ang madadatnan namin? Pinanood naming mag ina ang lolang naglalakad palabas ng mansyon. She have that angelic face but she's not kind. Siya iyong taong akala mo mabait pero hindi pala.  Tulala lamang ako habang iniisip ang mga masasayang araw naming magpamilya noon, masasayang araw with dad. Alaala na lang ba ang maiiwan mo sa akin dad? Talaga bang iniwan mo na kami ni m-mommy? Hindi na ba mauulit ang masasayang araw natin? Hanggang doon na lang ba matatapos ang lahat?  Napapikit ako ng mariin. Ito na ba ang katapusan ng masasayang araw ko? Dadating na ba ang delubyo sa buhay ko? Namin ni mommy? Why do we need to do this? Why is this happening?! Napayakap ako kay mommy ng mahigpit. Ibinaon ang mukha sa kanyang balikat at doon na nagpatuloy sa pag iyak. "Shh, stop crying now b-baby, you're d-d-dad will be fine.. he's in the heaven now kung nasaan ang panginoong nag babantay sa k-kanya." She tried to calm me but her voice trembled. Before that day, roon na nagsimula lahat, ang bagong bukas na nagdala sa amin sa paghihirap. Pinaalis kami sa 'ming mansyon. Ang tahanang kinagisnan ko. Kung saan nagsimula ang pamilya namin. Ngayon ay unti unti nang nawawala na parang bula. Kinuha ang mga ari-arian namin. Pati ang perang ibinilin ni dad sa banko ni mommy noong umalis siya ay binawi ni lola. Lahat kinuha sa amin at lahat ng taong nakapaligid sa amin sa lugar na 'yon ay kinamuhian kami. Lahat sila gusto kaming saktan. One day at school noong pinilit kong pumasok kahit na alam ko kung ano ang mangyayare sa akin ay nagpumilit ako. I want to graduate and live peacefully pero hindi iyon gustong ibigay sa 'min ng lahat. "Umuwi ka na lang! anak ng mamamatay tao! Wala ka ng upuan dito sa classroom namin! You are not counted as a student in this school anymore!" Noong grade six ako. She is my close friend in elementary but when they knew the issue of us she get herself away from me dahil lahat ng mga classmate ko ay pinapayuhan ng mga magulang nilang lumayo sa akin. Kahit ang mga guro ay pangit ang tingin sa akin at lumalayo rin sa akin.Baka sila pa raw ang isunod namin ni mommy.  Wala akong nagawa kundi ang umalis at tumambay sa puno ng mangga na nadaanan ko. Umiiyak ako. Gusto kong saktan ang sarili kung bakit ako pa. Bakit ako pa ang binigyan ng kapalaran na ganito. Wala naman akong kasalanan.  "Are you okay?"  Bagamat nakayuko ako ay napabangon ako sa nagsalita. He's a boy with a shade. He is tall. Nasa harap ko siya. Suminghot ako. "Why are you crying, cute girl?" Takang aniya. Siguro ay nasa fifteen years old na siya. "H-hindi ako umiiyak.." pinunasan ko ang mga luha ko. He smiled and shook his head. "Look, you're crying. You can't deny."  Himagulgol na tuloy ako. Napayuko akong muli. Bakit ba siya nandito? Hindi ba ayaw ng lahat sa amin? Pinapaiyak niya lang ako lalo. Umupo siya sa harap ko at hinawakan ang baba ko para magtama ang mga mata namin. "Why are you crying cute girl, hm? Tell me?" Ulit niya. Hindi niya alam? O nagmamaang maangan?  I shook my head. He sighed. "Whenever you're crying just call my name."  "B-bakit?" I pouted. He smile. "Coz i'm a suprehero." Suminghot ako at pinunasan muli ang pisnge. Ibinaba niya na ang baba ko. Tumigil na ako sa pag iyak. "Hindi ka naman superhero ah!" Mabuti kung si superman siya eh. He smiled widely. "Call me kondrad. I'm not like a superhero with superpowers that saves everyone but i can be a superhero to you, only you.."  My cheeks heated. I looked away. Anong pinagsasabi niya?  Tumayo siya at tiningala ko siya. "Not now but soon." Kinindatan niya ako at tumakbo palayo. Superhero raw sa 'kin? May saltik ata 'yon. Napangiti ako sa sinabi niya. Umuwi ako sa bahay ng walang luha.  His voice is like a music to me. I miss that boy. I always waited him there but he did not showed up. Kaya sinabi ko sa sarili ko na imahinasyon ko lang iyon. Imahinasyon ko lang ang magkaroon ulit ng kaibigan.  Imahinasyon lang ang nararamdaman ko. Hindi ko na namalayan na malapit na ako sa bahay dahil sa mga iniisip ko. Bahagya kong pinalis ang mga luha at pilit na ngumiti. Ayokong makita ni mommy na ganito ang hitsura ko, bigo. Ayokong malaman niya kung ano ang nangyari sa akin. Baka masaktan lamang siya at magalit sa gumawa sa 'kin nito. Nang ilang hakbang na lang ang lalakarin ko palapit sa bahay ay may mga gamit akong natatanaw sa harap ng bahay namin. Ramdam ko ang mga titig sa paligid at bulong bulongan. Napako ang tingin ko sa kanila. "Uy! Ayan na 'yong anak ng kabit." Ani ng isang matandang babae, nandidiring tinititigan ako. "Ay, oo nga! Mga 'di na nahiya!" Tugon naman nung kausap niyang matandang babae rin. She rolled her eyes to me. "Hay nako! Kabit na nga 'yong nanay! Gold digger pa ang anak! Tss, Bagay nga talaga sa impyerno!" "Alam niyo kung anong ginawa nila?" Tumawa siya. "Pinatay ng nanay niyan ang asawa niya para lang sa kayamanan! Pinatira na nga sila sa mansyon gusto pang kunin lahat! what a gold digger's!" Alam kong si dad ang tinutukoy nila. Uulitin ko! Hindi namin pinatay ang daddy! Nagkasakit siya! At mahal mahal namin ang daddy kaya bakit namin magagawa iyon! "Mag ina nga! Buti pinalayas sila! Kaya dapat palayasin rin yan rito!" "Bagay nga talaga sa impyerno!" Iniwas ko ang tingin sa kanila at tiningnan ko na lamang mabuti kong kanino ang mga bagaheng nasa daanan. May pamilyar na bagahe akong nakita roon. A-amin to ah! Agad akong tumakbo patungo rito at yumuko para ayusin ang mga damit na natapon. Sino naman kaya ang nag tapon nito? Masayang nakatingin ang lahat ng tao sa amin tila ba may bagong labas silang pinapanood na palabas. Nangilid ulit ang mga luha ko at napataas ng tingin sa gawi kung saan ko narinig ang pagsusumamo ng isang babae. Ang sumagot din sa kasagutan ko. "Parang awa niyo na! Wala na talaga kaming matitirahan! Ito na lang ang pag asa namin!" I saw my mom kneeling and pleading in front of aling Melly, the owner of the unit. May kirot akong naramdaman sa puso ko para bang tinutusok tusok ito ng isang daang karayom sa sakit. Nagulat ako kaya agad agad akong lumapit sa kaniya para buhatin siya mula sa pagkakaluhod. Napaluha na rin ako sa sitwasyon ni mommy, namin. "Mom!" Pilit ko siyang itinatayo. "Stop kneeling! I-I hate seeing you doing that!" "No!" Itinabig niya ang kamay ko. "Pakiusap! bigyan mo kami ng isa pang pagkakataon! Babayaran namin sa susunod na linggo ang kulang. Babayaran namin! Babayarin namin! Bugyan mo lang kami ng isang linggo! Pakiusap 'wag mo lang kaming palayasin!" Parang nababasag ang puso ko sa ginagawa ng ina. Nanghihina ako sa bawat pag iyak niya kaya napaluhod na rin ako. Nanlilisik ang mga mata ni aunt melly na nakatitig sa ina ko. Kita ko ang pagpipigil niya ng galit dito. "Hindi ko 'yon gagawin!" She uttered. "Ilang buwan na kayong hindi nakakabayad tapos ngayon makikiusap pa kayo?! Ilang pakiusap na ba 'yan? Ha?! Pinatira ko kayo kahit na hindi ko gusto tapos ito lang ang igagawad niyo sa 'kin? Aber! Kung ganoon lang naman ay mabuti nang lumayas na lang kayo!" Tinuro turo niya kami. "P-p-pakiusap!" Napako ang tingin ko sa inang naghihina at nawawalan na ng lakas ng loob. Puno ng luha ang kaniyang pisnge at ang kanyang mga mata ay napaka pula na tila ba kanina pa ito umiyak. "Tss!" Tanging nasabi ni aunt melly at pumasok na sa kaniyang bahay at malakas na isinarado ang pinto. Mabilis na napatayo si mommy at tumungo roon, kinatok katok ang pinto. "Please! Please!" She pleaded and she almost shouted. I hate watching my mother crying and begging to like that people. Sa mga taong hindi karapat dapat bigyan ng mabuting pakikitungo. Ayokong nakikita ang inang nanghihina at umiiyak. Isa iyon sa magiging nightmare ko, ang makita ang mga magulang kong naghihirap. Kaya noong namatay ang daddy ay kay mommy ko na itinuon ang pansin ko. Ang pag alaga sa kaniya at pasayahin siya na hindi na magagawa ng daddy ko ngayon. Nang nawalan na siya ng lakas na kumatok pa ay napayuko siya at napaluhod ulit. Agad akong napayakap ng mahigpit sa kanya. "Mom, stop it, stop crying so hard..." bulong ko sa kanya. Unti unti niya akong nilingon. Kita ko sa mga mata niya ang lungkot at pagkakadismaya. Susunod…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD