“BESIE! Punta tayong Gym!” aya ni Shanstar kay Andi nang vacant na ang huli nilang klase dahil sa meeting ng mga professor para sa nalalapit na acquaintance party na gaganapin sa biyernes ng gabi para sa kanilang mga freshman bilang pa-welcome.
“Ikaw, huh, gusto mo makita si Emer, ‘no?” tukso niya rito habang inaayos niya ang mga gamit niya.
Pinanliitan siya nito ng mga mata. “Sus! Ako lang ba? For sure gusto mo rin makita si Phil.”
“Hindi ko naman itatanggi pero daan muna tayo sa cafeteria.” At nagtungo na nga sila sa Cafeteria pero bago iyon ay biglang nahagip ni Shanstar ang pamilyar na sasakyan.
“Hoy, Besie, saan ka pupunta?! Dito ang cafeteria,” puna ni Andi.
“Sandali may titignan lang ako,” anito saka siya hinila-hila.
“Teka, anong ginagawa mo?” takang tanong niya nang bigla na lang itong may kinalkal sa malapit na basurahan.
“Babawi sa ginawa sa akin ng kaskasero kahapon.”
Kinuha nito ang isang plastic galon ng pintura roon na may hawakan na wala ng laman saka pumunta sa gilid kung saan may naipong tubig sa lumubog na lupa dahil sa matinding ulan kagabi at nilagyan iyon ng tubig na may putik.
“Hoy, Besie! Nababaliw ka na ba?”
“Dapat lang ‘yan sa kaskaseron ‘yon, ‘no! Ang yabang-yabang!” anito matapos ibuhos ang laman ng galon sa sasakyan.
Napanganga si Andi. “Besie! Malay mo naman hindi niya sinasadiya!”
“Kung hindi niya sinasadiya, dapat huminto siya at bumaba para humingi sa akin ng tawad,” giit pa nito.
“Baka hindi lang niya alam na natalsikan ka ng putik kahapon. At saka hindi mo nga alam kung iyan ba iyong sasakyan na ‘yon,” sermon niya pa.
“Huwag kang mag-alala, tandang-tanda ko ang brand, kulay at plate number ng sasakyan niya kaya sigurado akong ito ang sasakyan na ‘yon.”
Napailing siya. “Paano kung professor o may ari nitong school ang may ari ng sasakyan na ‘yan, huh? Papaano ka?” aniya na ikinalingon sa kaniya ni Shanstar.
“P-patay. . .” sambit nito saka siya muling hinila papuntang cafeteria.
Hindi agad iyon pumasok sa isip ni Shanstar. Ang tanging nasa isip lang niya ay ang makaganti sa may ari ng sasakyang iyon na kulay abo. Na baka isa lang ito sa mga katulad niyang estudyante sa BSU.
“Yari ka talaga, Besie, kapag may nakakita sa ginawa mo huwag mo ako idadamay, huh?”
Napanguso ito. “Sorry na. Gusto ko lang talaga gumanti.”
“Hmp! Saka na nga natin isipin ‘yan. Mamaya niyan hindi na natin maabutan ang game.” At bumili na sila ng meryenda para may mangata sila habang nanunuod ng basketball game.
At tulad ng inaasahan nila ay marami na namang nanunuod ngunit mas marami ngayon kumpara kahapon dahil nga maaga ang dismissal ng mga klase.
“Grabe talaga! Mas maraming tao ngayon. Wala na tayo maupuan,” puna ni Shanstar.
“Tara doon sa harapan, dali!” aniya nang makakita siya ng mga tao sa gilid ng ring.
“Hala! Sigurado ka? Baka tamaan tayo ng bola rito, Besie!” wika ni Shanstar nang hilahin niya ito sa ring kung saan ang ring ng mga Junior.
“Hindi, ‘yan! Mas okay na itong malapitan para sulit!” bulong niya. Wala na rin naman na nagawa ito.
“Go! Go! Go!”
“Kaya mo ‘yan, Emer!”
Hiyaw nilang dalawa ng hawak na ni Emer ang bola ngunit sa kalagitnaan ay naagaw ito kaya naman pilit itong hinabol ni Emer at inagaw ang bola, ngunit sa pag-agaw nito ay biglang lumihis ang bola na siyang tatama sana kay Andi.
Napapikit si Andi ng mga oras na iyon at handa na sanang tanggapin ang pagtama sa kaniya ng bola nang bigla na lang may yumakap sa kaniya para sanggain ang bola na sumakto pa sa pagtapos ng second match.
“Are you okay, Andi?”
Naimulat niya ang kaniyang mga mata nang maulinigan niya ang pamilyar na boses na iyon. At sa pagmulat niya ay halos maduling siya sa sobrang lapit ng mukha ni Philmar sa mukha niya na animoy kahit ang hangin ay mahihiyang dumaan sa harapan nila.
“P-Phil?” sambit niya.
Ramdam niya ang malakas na tibokng puso niya dahil sa higpit ng pagkakahawak nito sa baywang niya.
“A-alam mo ang pangalan ko?” tanong nito nang humiwalay na sila mula sa pagkakayakap nila sa isa’t isa.
“N-narinig ko kasing isinisigaw nila ang pangalan mo,” palusot niya.
Napayuko siya. Hindi kasi niya kayang salubungin ang mga mata nito. “I-ikaw? P-paano mo nalaman ang pangalan ko?”
“N-nakita ko sa ID mo,” anito saka itinuro ang suot niyang ID.
“Ah, oo nga, ‘no!” napatawang sambit niya.
Umasa kasi siya na baka tulad niya ay in-stalk rin siya nito sa E-Face kagaya niya kaya nalaman nito ang pangalan niya. Iyon pala ay napakalaking asyumera niya para isipin ang ganoong bagay.
“Ano? Ayos ka lang ba? Wala bang masakit sa ‘yo?” nag-aalalang tanong pa nito.
Tumango-tango siya. “Oo naman! Ayos lang ako.”
‘Pero iyong puso ko, hindi.’ Bulong niya sa sarili. Pero sa loob-loob niya ay tila sasabog na ang dibdib niya.
“Mabuti naman kung ganoon. Kung gusto ninyo sa may base na lang namin kayo umupo para hindi na kayo madisgrasya ng bola rito,” alok nito dahilan para magningning ang mga mata niya.
“Pwede?!” singit ni Shanstar na ikinatango naman ng binata.
“Oo naman! Tara?” Saka sila sumunod rito.
“Heto, oh! Tubig,” abot niya sa binata nang makaupo na sila sa home base nito.
“Thanks!” anito saka ininum ang bottled water.
Napalunok siya nang makita niya kung paano gumalaw ang adams apple nito sa bawat paglunok nito. Tila natuyuan siya ng laway. Sa sobrang paghanga niya sa binata ay inagaw niya ang bottled water na kasalukuyang iniinom ni Shanstar.
“Besie!” suway nito sa nanlalaking mga mata.
Napa-peace sign na lang siya rito matapos ubusin ang laman ng tubigan nito. Nakakatuyo naman kasi ng laway ang binata lalo na nang ibuhos nito ang ilang laman ng tubig sa ulo nito na dumausdos pababa sa matangos nitong ilong, sa mapupulang mga labi nito, sa adam’s apple at sa dibdib nito.
“DUDE, anyare? Wala ka pang three points na sumasablay, ah?” puna ni Emer, ang kababata niya, matapos ang try-out nila.
Hindi siya nakasagot. Dismayado lang siyang nakatingin sa base nila habang pabalik na sila roon nang makita niyang wala na roon ang dalaga at ang kaibigan nito.
Tinapik-tapik nito ang likod niya. “Don’t tell me, dahil doon sa babaeng muntik na matamaan ng bola kanina kaya nawala ka sa focus mo kanina?”
Tinignan niya ito saka napangiting umiling-iling. “Hindi na talaga ako magtataka kung bakit Psychology ang kinuha mong course.”
Magaling talaga ito bumasa ng isip ng tao sa pamamagitan ng pagbasa ng mga mata kaya wala siyang sekreto na maitatago rito.
“Oh! Huwag ka madamot!” reklamo nito nang akmang kukunin nito ang bottled water na ibinigay sa kaniya ni Andi kanina. May kaunti pa kasing laman iyon.
“Madami kang pera kaya bumili ka!” aniya saka ito tinalikuran.
Nagshower lang siya sandali saka pinuntahan ang sasakyan sa parking lot ng BSU. Pasakay na siya nang mapansin niyang naroroon pa si Emer at salubong ang kilay na nakatingin sa harapan ng sasakyan nito kaya naman nilapitan niya ito upang usisain ang tinitignan nito. Gulat na napatingin siya roon nang makita niyang puno ng putik ang hood at windshield ng sasakyan nito.
“Wooh. . . What happened to your car, Dude?” tanong niya. Bago kasi ang sasakyan nito at hindi niya akalain na mabibinyagan ito ng putik.
“Sinadya ‘to, dude!” galit na kumento nito saka sumakay upang paganahin ang wiper or washers nito na mabilis na natanggal ang putik sa windshield.
Mayamaya pa ay pinaandar na nito ang sasakyan at mabilis na umalis. Kung sa kanya rin naman mangyari iyon ay talagang maaasar at maba-badtrip siya lalo na’t brand new ang sasakyan nito. Isama pa na regalo iyon ng ama nito noong 21st birthday nito.
Umiiling na sumakay siya sa kaniyang sasakyan ngunit bago pa niya buhayin ang makina ay muli niyang tinitigan ang boteng hawak niya. Wala na siyang balak na ubusin iyon dahil itatabi na niya iyon bilang remembrance sa dalaga. Hindi naman niya ugali na mangulekta ng mga materyal na bagay mula sa babaeng nagugustuhan niya. Ngayon lang.
Na-love at first sight kasi siya sa dalaga noon sa probinsiya. Nakita niya kung paano ito kabait sa kapatid niya. Hindi kasi lahat nakakasundo ng kapatid niya. Napaaga rin ang balik nila ng Maynila noon kaya hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na makapagpaalam rito o matanong man lang ang pangalan nito. Pero hindi siya nawalan ng pag-asa na ma-stalk ito sa E-Face dahil nang mapadaan sila sa shop nito ay agad niyang hinanap ang E-Page ng shop nito at hindi naman siya nabigo dahil nahanap niya iyon pati na rin ang E-Face account nito. Kinuha niya ang pentelpen sa bag niya saka iyong sinulatan ng date ngayong araw bago nagpasyang paandarin na ang sasakyan.
Pagdating niya sa bahay nila ay dumeretso siya kaagad sa kwarto niya saka inilagay sa kahon ang bottled water. Matapos iyon ay pabagsak na humiga siya sa kaniyang kama at muling in-stalk ang dalaga sa E-Face ngunit napabangon siya nang hindi na niya ito mahanap sa E-Face.
“Anong nangyari? Bakit hindi ko na ma-search ang account niya?” tanong niya sa sarili.
“Haist!” angil niya saka inihagis sa kama ang kaniyang cellphone.
Agad naman niyang kinuha iyon nang marinig niyang may tumatawag sa kaniya.
“Dude, napatawag ka?” walang ganang bungad niya.
“Oh? Bakit ang init agad ng ulo mo?”
Napakamot siya sa ulo niya. “Dude, bakit kaya hindi ko na ma-search ang E-Face account ng. . . p-pinsan ko?” pagsisinungaling niya.
“Baka naman ing-block ka kaya hindi mo na masearch ang account niya.”
Napaisip siya. “Ganoon ba ‘yon?”
“Oo! Baka kasi may ginawa kang hindi niya nagustuhan kaya ganoon.”
Napaisip siya. Marahil ay nairita ito sa kakareact niya sa mga post nito.
“Maiba ako, may naisip ka na ba kung sino isasayaw mo sa Acquaintance Party natin bukas?” bigla ay sabi nito kapagkuwan.
Napangiti siya nang biglang pumasok sa isip niya si Andi.
“Oo nga pala, bakit pa nga ba kita tinatanong kung alam ko namang si Brianna naman isasayaw mo,” anito.
“Dude, ilang beses ko ba sasabihin sa ‘yo na hindi ko type si Brianna. Siya lang itong pilit na isinisiksik ang sarili sa akin.”
“Oo na! Parang hindi ka naman mabiro! Hanapan mo na lang pala ako ng pwede kong isayaw bukas ng gabi.”
“Huwag mo nga akong pinagloloko! Alam ko namang kahit sinong babae ang ayain mo ay hindi makakatanggi sa ‘yo.”
Natawa ito sa kabilang linya. “Kung si Andi kaya?”
Humigpit ang kapit niya sa kaniyang cellphone. “Huwag mo ako simulan, Dude.”
“Oh, chillax! Parang binibiro ka lang.”
“Sige na, kita na lang tayo sa school bukas.” Saka niya pinutol ang tawag. Alam kasi niyang hindi siya nito titigilan sa pang-aasar.
“BESIE, tampo ka pa rin ba sa akin?” tanong ni Andi kay Shanstar nang hinila na niya ito pauwi dahil nagtext ang Kuya Tope niya na dadaan sa dorm nila. Sakto kasi na nanguha ito ng mga supplies para sa shop nila sa Maynila.
Idinaan nito sa dorm nila ang mga dala nitong mga pagkain na pinadala ng kaniyang ina dahil baka raw namimiss na niya ang lutong-bahay.
“Hindi naman ako galit, syempre si Kuya Tope ‘yon at saka tignan mo, ang dami na nating pagkain. Nakakasawa na rin kasi ang fastfood. Iniisip ko lang kung paano kaya kung kami ni Emer ang nasa sitwasyon ninyo kanina ni Phil? Siguro nahimatay na ako. Grabe! Nakakakilig kayo kanina!”
Kinurot niya ang pisngi nito. “Pinakaba mo naman ako!”
“Aray, Bessie! Masakit!” reklamo nito.
“Pinakaba mo kasi ako! Akala ko nagtatampo ka na. Pero maiba ako, sana makasayaw natin sila sa acquaintance party natin bukas, ‘no!”
“Yieeh! Oo nga! Excited na rin ako.”
“Kaya kumain na tayo para maaga tayong makatulog para fresh tayo bukas ng gabi.”
Tumango naman ito saka sila kumain na dalawa.
“BESIE, ang ganda mo!” puri ni Shanstar sa kaniya matapos nilang ayusan ang isa’t isa.
“Ikaw rin, Besie!”
Nakasuot sila ng kulay rosas at asul na cocktail dress since Masquerade Ball naman ang theme ng Acquaintance Party nila.
“Aba, dapat lang it’s a tie, ‘no! Dapat isa sa atin ang mag-uwi ng titulong, ‘Queen of the Night!”
Tumango-tango siya. “Oo na, Bessie! Ano, tara? Baka mahuli pa tayo.”
Bahagyang tumigil si Shanstar. “Nakalimutan mo na ba na may naarkila tayong taxi, huh, Bessie?”
Napatango-tango siya. “Oo nga pala. Let’s go!”
“Wait!” pigil nito sa kaniya.
“May isa pa tayong nalimutan.”
Kumunot ang noo niya. “Ano naman?”
Ipinakita nito ang perfume saka nag-spray sa ere at doon nag-iikot habang bumabagsak sa kanila ang pabango.
“Ayan, okay na!” saka sila bumyahe papuntang BSU.
“ANG bongga naman ng Acquaintance Party natin!” puri ni Shanstar pagkababa nila ng Convention Center ng BSU kung saan gaganapin ang Masquerade Ball nila.
“Tara, pasok na tayo sa loob,” aya niya saka isinuot ang eye-mask nila bago tuluyang pumasok sa loob.
“Pati pagkain bongga! Bigla tuloy ako magutom, Bessie!”
“Sinabi mo pa!” sang-ayon niya.
“Nandiyan na sila!”
“Oo nga!”
“Tara, silipin natin!”
“Bilisan ninyo!”
Dinig nilang komusyon ng mga kapwa nila studyante kaya naman nakiusosyo na rin sila sa may gilid ng entrance. At tila naging slow-motion ang lahat mula sa pagbukas ng two-way door kung saan iniluwa niyon ang tatlong lalaki na animoy mga prinsepe sa mga fairytale. Kahit na nakamaskara ang mga ito ay alam ng lahat na ito ang tatlong Hearthrob ng BSU dahil sa tindig at lakas ng appeal ng mga ito.
“Oh my gosh!”
“Ang popogi nila!”
“Phil, pa-kiss!”
“Pa-hug ako, Clark!
“I think I’m gonna die!”
“Nasa langit na ba tayo?”
Kaniya-kaniyang reaksyon ng mga estudyante.
“Can I be your first dance, Emer?!” hiyaw naman ng babae sa tabi nila kaya napunta tuloy sa kanila ang atensyon ng tatlong lalaki.
“Oo nga! Ako rin Phil!”
“Sige na, Clark, kahit ngayon lang.”
Wala na pakialam si Andi sa paligid niya ng mga oras na magtama ang mga mata nila ni Philmar. Parang sila lang ang laman ng bulwagang iyon. Hanggang sa nakalapit na pala ito sa kaniya.
“Can I have this dance?” anito na nagpakurap-kurap sa kaniya.
Siniko siya ni Shanstar. “H-huh?” aniya nang makabalik siya sa huwisyo niya.
“Huwag ka na tumanggi, Bessie! Nasa harapan mo na ang pinakahihintay mo.”
“Could you be my first dance, tonight?” segunda ng binata saka inilahad ang kanang kamay sa harapan niya.
Napalunok siya. Tila nasa alapaap siya, nananginip.
“Ah!” hiyaw niya nang itinulak siya ng kaibigan niya dahilan para mapalapit siya lalo sa binata.
“Are you okay?” tanong nito.
Namumulang lumayo siya rito. “A-ayos lang ako.”
“So, pwede na ba kita isayaw?”
Tulalang napatango na lang siya. Minsan lang mangyayari iyon kaya lulubusin na niya.
“Ang swerte naman niya.”
“Oo nga!”
“Sana all!”
“Ah! Grabe na ‘to!”
“Sino kaya siya?”
“Saang course ba siya?”
“Sana ako na lang.”
Wala na siya pakialam sa paligid niya ng mga oras na iyon dahil abala siya sa pagsuri sa angking kagwapuhan ng binata. Dahil sa suot nitong maskara ay lalong nadepina ang kulay abong mata nito at ang matangos nitong ilong.
“Ang ganda pala ng mga mata mo?” wala sa sariling sambit niya.
Napangisi ang binata. “Just like you.”
“Huh? M-maganda ang mata ko? Eh, kulay itim lang naman ang kulay ng mata ko hindi katulad sa ‘yo na kulay abo.”
Natawang napailing si Philmar. “What I want to say is that, it’s not just your eyes that are beautiful but the whole you. Inside and out.”
Kumabog ng husto ang puso niya sa narinig. Pakiramdam niya sa sobrang lapit nila sa isa’t isa ay hindi imposibleng marinig nito ang t***k ng kaniyang puso. Naiiwas tuloy niya ang mga mata rito. Pero ganoon pa man ay ayaw na niya matapos ang gabing iyon.
“T-thank you,” tanging sambit niya saka sila nagpatuloy sa pagsasayaw.
Natigil lang sila nang biglang mamatay ang mga ilaw.