WAVE FOUR

2918 Words
SUMAPIT ang unang araw ng kanilang klase ay excited na pumasok ng Beauford State University campus ang magkaibigang sina Shanstar at Andi. Manghang-mangha sila sa unibersidad dahil sa mga makalumang istruktura roon na animoy nasa ibang bansa sila. Ngayon lang kasi nila nalibot ang buong lugar dahil noong matapos ang entrance exam nila ay umuulan pa. “Ang ganda naman dito!” manghang sabi ni Shanstar nang mabigyan sila ng pagkakataon na makapaglibot. “Sinabi mo pa!” “Tignan mo, may fountain din sila rito!” “At saka iyong main building nila maganda raw iyan kapag gabi dahil sa makukulay na mga ilaw,” dagdag pa ni Andi. “Aakalain mong ito ang pinakamatagal na unibersidad sa buong Pilipinas?” komento pa nito. “Talaga? Paano mo naman nalaman?” tanong niya. “Syempre nag-advance research na ako tungkol sa BSU para kung sakaling bigla silang magtanong about sa history ng BSU ay may maisasagot ako.” Natatawang napailing na lang siya kay Shanstar nang bigla na lang may tatlong sasakyan ang sunod-sunod na pumasok. Ngunit ang hindi nila inaasahan ay iyong huling sasakyan na pumasok dahil sa bilis ng pagpapatakbo nito ay natalsikan sila ng putik na talaga namang ikinabigla nila pareho. Kaunti lang naman ang putik na tumalsik sa damit niya, hindi katulad ng kay Shanstar. “Haist! Sino ba ang reckless driver na ‘yon?! Hindi ba siya marunong magdahan-dahan sa pagda-drive?!” angil nito habang pinupunasan ng dala nitong panyo ang blouse nito. “Hala Besie! Teka! Saan ka pupunta?” takang tanong niya nang akmang aalis ito. “Ano pa? Eh, di susugurin ang kaskaserong ‘yon!” gigil na sambit nito. Hinigpitan niya ang kapit sa kaliwang braso nito. “Besie, hayaan mo na! Hindi magandang makipag-away sa unang araw natin dito sa BSU. Tandaan mo, bagong salta tayo rito sa Maynila at hindi pa natin alam ang ugali ng mga tao rito kaya kalma ka lang.” Bumuntong hininga ito saka humarap sa kaniya. “Pero, Besie, ang uniform ko!” mangiyak ngiyak na saad nito. Agad naman niya itong hinila sa gilid at mabilis na ipinahiram ang dala niyang kulay dilaw na jacket. Medyo makulimlim kasi ang panahon kaya naisipan niyang magbaon n’on. Naikumo nito ang mga kamay. “Humanda talaga sa akin ang kaskaserong, ‘yon. Huwag lang siyang magpapakita sa akin dahil mananagot talaga siya sa akin,” banta pa nito kaya naman hinila na niya ito papunta sa college building nila. NAGING maayos naman ang naging takbo ng klase nila sa umaga. Mababait ang mga professor nila at may mangilan-ngilan din sa mga kaklase nila ang madali nilang nakasundo. “Ako na ang oorder ng lunch mo para ikaw na maghanap ng table natin,” sambit ni Andi pagkarating nila sa cafeteria pagsapit ng lunch break nila. Kinuha naman nito ang bag niya. “Sige! Ako na bahala, Besie.” Nang makuha na niya ang in-order niyang pagkain ay papunta na sana siya sa table nilang magkaibigan nang bigla na lang dumulas ang plato sa tray. Napapikit siya sa maaaring kahinatnan niya nang bigla na lang may humawak sa tray niya para hindi tuluyang matapon ang mga laman n’yon. Pagmulat niya ng kaniyang mga mata ay tila tumigil ang ikot ng mundo. “We meet again, Ms. Surfer Girl,” nakangiting sabi nito. Natulala siya ng tila may nakita siyang liwanag sa buong katawan nito kasabay pa ang malakas na hangin na animoy isa itong commercial model. Nabalik lang siya sa kaniyang huwisyo nang pumitik ito sa mukha niya. “H-huh?” “You’re spacing out.” Napailing siya. “Oh, sorry! H-hindi ko lang akalain na makikita kita rito.” Hindi niya alam na sa BSU rin pala ito nag-aaral. “Ako rin! Hindi ko rin alam na makikita ulit kita,” nakangiting sambit nito. “Buong akala ko nga nasa Amerika ka na,” dagdag pa niya. “Nagbabakasyon lang din kami roon tuwing gusto naming makita ang grandparents namin pero dito talaga sa Maynila ang permanent address namin.” May kung anong tuwa siyang naramdaman kaya hindi niya maitago ang ngiti sa kaniyang mga labi. “Ikaw? Mabuti at naisipan mo rito sa Maynila mag-aral? Freshman ka tama?” tanong nito. Tumango siya. “Business Administration ang course ko, major in Management. Ikaw?” “Fifth year na ako, Civil Engineering.” “Graduating ka na pala?” tumango ito. Gusto pa sana niya ito makakwentuhan kaya lang ay tinawag na siya ni Shanstar. “S-sige, mukhang gutom na ang kaibigan ko. Mauna na ako sa ‘yo,” paalam niya. “Tulungan na kita,” boluntaryo nito na agad niyang tinanggihan. “Kaya ko na. Mahaba na ang pila. Baka maubusan ka ng pagkain.” “It’s okay! I’m not that hungry.” At hindi na nga siya nakatanggi pa nang kunin na nito ang tray sa kamay niya. “Hi!” ngiting bati at kaway ni Shanstar kay Philmar matapos nitong ilagay ang tray sa table nila. “I’m Shanstar! Bestfriend ni Andi,” pakilala nito saka inilahad ang kanang kamay sa binata na agad naman nitong tinanggap. “Philmar,” tipid na sagot naman nito saka nagpaalam sa kanilang dalawa. “Sino ’yon?” bulong ni Shanstar pagkaupo niya sa tabi nito. “N-nakilala ko lang noon sa lugar natin,” pagkukwento niya habang pinapalamig ang in-order niyang mainit na sabaw. Pinanliitan siya nito ng mga mata. “Siguro siya iyong tinatanaw-tanaw mo sa resort noon, ‘no?!” Halos matapon sa damit niya ang sabaw ng mapaso ang labi niya dahil sa sinabi nito “K-kumain ka na nga lang diyan! Mamaya mahuli pa tayo sa klase natin.” “Sus! Pa-showbiz! Pero in-fairness, pogi siya,” komento pa nito bago sila tuluyang kumain. “Besie,” bulong nito. “Bakit?” Napapantastikohang tanong niya sa katabi. “P-parang kanina pa tumitingin-tingin sa gawi natin ‘yong lalaking naghatid sa ‘yo rito kanina, ah?” “Huh?! Hindi nga?!” nakayukong reaksyon niya. Yumuko rin ito. “Tignan mo kasi!” At unti-unti nga niyang iniangat ang ulo niya at tama nga ito dahil ngumiti pa ito sa kaniya nang magtama ang mga mata nila ngunit mabilis din niya iniwas ang tingin dito. “See! Grabe, Besie! Kinikilig ako para sa ‘yo!” ipit na tili nito. Namula siya sa sinabi nito. Kasabay din n‘yon ang malakas na t***k ng kaniyang puso. Ngunit hindi siya dapat mag-assume kaya siniko niya ang katabi. “Tumigil ka nga! Baka mamaya iyong nasa likuran pala natin iyong tinitignan niya.” Tumingin naman ito sa likuran nila. “Eh, wala namang ibang tao sa likuran natin.” Iginala naman niya ang tingin sa likuran nila at muli ay tama ulit ito. “Ah, basta! Hindi ako iyon!” aniya pero sa loob-loob niya ay umaasa siyang sa kaniya nga ito tumitingin at ngumingiti. Nagpaparty-party na nga ang lahat ng organs niya. PAGSAPIT nang hapon ay naglalakad na sa pathway pauwi sina Andi at Shanstar nang mapansin nila ang mga nagtatakbuhang mga kababaihan papunta sa gymnasium. “Anong meron?” tanong ni Andi sa kaibigan. “Aba malay ko!” sagot naman ni Shanstar na puno rin ng koryusidad ang mukha. “Miss! Anong meron? Bakit nagtatakbuhan kayo sa Gym?” tanong niya sa babaeng hinarang niya. “Naglalaro kasi ngayon ang Dragon-Tiger Mens Basketball Team para sa try-out ng mga newly members.” “Ganoon ba? Sige, salamat!” paalam niya sa babae. “Tara na Besie, uwi na tayo! Baka mahirapan tayong sumakay ng taxi,” aya ni Shanstar. “Besie, sandali!” pigil niya rito nang hilahin na siya nito palabas ng campus. “Bakit?” “Hindi ba natin sisilipin ang Gym?” Umiling ito. “Try-out lang naman ng Men’s basketball ‘yon!” Inalog-alog niya ang kaliwang braso nito. “Sige na!” Napakamot ito sa ulo. “Besie naman, eh!” “Saglit lang naman tayo. Sige na. . .” pagmamakaawa pa niya. Pinanliitan siya nito ng mga mata. “Ayaw mo ba makakita ng pogi?” dagdag pa niya. Napahinto ito saka siya dinuro. “Ikaw, huh? Hindi ba’t kabilin-bilinan ni Tita na bawal tayo magboy-hunting dito?” Napapadyak siya. “Ang kill-joy mo naman, Besie! Saglit lang naman tayo! Sige na!” Bumuntong hininga ito. “Saglit lang, huh?” Itinaas niya ang kanang kamay rito. “Oo, promise!” At tinungo na nga nila ang Gymnasium. Naalala kasi niya na binanggit ng binata noon sa kaniya sa probinsiya na basketball ang hilig nitong sport kaya gusto niyang magbakasakali na baka varsity player ito ng BSU. “Defense! Defense! Defense!” hiyaw ng mga taong naroroon na siyang bumungad sa kanilang dalawa. Kasabay na rin ang hiyawan ng mga kababaihan na halos mabaliw na kapag nakaka-shoot ng bola ang mga iniidolo’t hinahangaan ng mga ito. Halos mabasag ang eardrums nila lalo na’t may mga tunog din ng drums. “Grabe! Try-out ba ‘to o championship na!” manghang sambit niya. “Sinabi mo pa!” Agad namang hinanap ng kaniyang mga mata ang binatang kanina pa tumatakbo sa isipan niya. At hindi nga siya nabigo dahil kitang-kita niya kung paano ito maglaro sa loob ng court. Bawat galaw nito ay lalong lumalakas ang appeal nito. Isama pa na nakatali ang mahaba nitong buhok. Kahit na pawis ito ay hindi iyon nakabawas sa taglay nitong kakisigan, pakiramdam nga niya lalo pa itong g-um-gwapo sa paningin niya. “Go! Go! Go!” hiyaw niya nang makita niyang hawak nito ang bola. “Ayon. . . Kaya naman pala mapilit!” “Aray naman, Besie!” angil niya nang bahagya nitong kurutin ang tagiliran niya. “Hiyaw ka nang hiyaw diyan, alam mo ba pangalan niya?” Natigilan siya sa tanong nitong iyon. Hanggang ngayon pala ay hindi pa pala sila nakakapagpakilala ng pormal sa isa’t isa. “Go, Phil! Kaya mo ‘yan!” napatingin siya sa katabi niyang babae nang isigaw nito ang pangalang iyon kaya naman tinignan niya kung sino na ba ang may hawak ng bola at nasakto naman ito sa binatang hinahangaan niya. “Go, Phil! Kaya mo ‘yan!” hiyaw din niya nang makita niyang ilang segundo na lang ay matatapos na ang oras dahilan para mapatingin sa gawi niya ang binata habang nagdi-driball ito ng bola. Muling nagregudon ang puso niya nang magtama ang kanilang mga mata. Hindi niya alam kung namalikmata lang siya pero kitang-kita niya kung paano ito ngumiti sa kaniya saka dali-daling tumakbo sa tree-points spot sa court para i-shoot ang bola. Sakto namang nasa ere na ang bola ng tumunog ang timer kaya abang na abang ang lahat kung maisho-shoot ba nito iyon o hindi hanggang sa dumagundong ang buong stadium nang mai-shoot nga nito ang bola. Bahagya pa itong kumindat sa kaniya na para bang sinasabi nito na para sa kaniya ang three point shoot nito kaya naman hindi niya maiwasang kiligin. “Iyan ang alam mo, Besie! Para kang bulateng sinabuyan ng asin diyan, ah?” tudyo sa kaniya ni Shanstar paglabas nila ng stadium. Napasimangot siya. “Besie naman, eh! Hindi naman siguro masamang humanga, ‘di ba?” “Wala naman pero hanggang crush lang, huh?” “Asa namang liligawan ako nun,” aniya. “Mukha nga!” napatingin naman siya sa tinitignan ni Shanstar nang bigla itong huminto. Kita niya roon kung paano pagkumpulan ng mga babae ang binata na animoy isang sikat na artista. Pero may bukod tangi roon na babae na nag-abot ng bimpo rito at isang bote ng mineral water. “Grabe, bagay na bagay talaga sila ni Coleen, ‘no?“ “Sinabi mo pa! Ship ko talaga sila!” Bigla ay nakaramdam siya ng pagkadismaya sa mga narinig niya mula sa mga babaeng nakasasalubong nila. Kunsabagay, ang tulad nito na matipuno, gwapo at talented na lalaki ay marami talaga siyang kaagaw lalo na kung mas magaganda at mayaman ang mga ito kaysa sa kaniya. “Ayan na ang taxi!” sambit ni Shanstar ngunit lumilipad pa rin ang isip ni Andi. “Besie! Mataas pa ang araw kaya mamaya ka na mag-day dream!” segunda nito na agad siyang hinila patungo sa sakayan ng taxi. Nakarating na sila sa dorm nila nang tulala at hindi pa rin maalis ang ngiti sa labi ni Andi. Inaalala niya iyong mga oras na nakausap niya ito kanina at iyong mga ngiti nito. “Hoy! Tinamaan ka na talaga ng lintik!” pukaw sa kaniya ni Shanstar matapos magpalit ng damit at ilagay sa laundry basket ang namantsahan nitong blouse kanina. “Bakit? Hindi naman masamang humanga, ah?” “Alam ko naman ‘yon. Ang akin lang ay huwag susobra. Mamaya niyan mapabayaan mo ang pag-aaral mo.” “Ma, ikaw ba ‘yan?” biro niya dahil nakikita niya ang kaniyang ina rito kapag pinagagalitan siya. “Besie!” suway nito na agad niyang sinukuan. “Sorry na. Kung pagsabihan mo kasi ako para kang si Mama. At saka mas maganda nga ‘yong may inspirasyon ako para mas sipagin akong pumasok at mag-aral, ‘di ba?” Tumango-tango ito. “Kunsabagay may point ka naman doon. Sige, hahanap na rin ako ng magigjng inspirasyon ko.” “Ayos!” aniya. Mayamaya pa ay kinuha niya ang kaniyang cellphone nang maalala niya ang pangalan ng binata. Matagal na niya itong gustong hanapin sa social media kaya lang ay hindi naman niya magawa dahil hindi sila nakapagpakilala sa isa’t isa noon ng pormal. “Oh my gosh! Ganoon siya kasikat sa BSU?” gulat na sambit niya nang makita niya ang E-Face account nito. Nakita niya iyon sa BSU Secret Files. Marami kasi roon ang nagpost ng try-out kanina at nakatag pa sa pangalan nito. “Bakit? Ano nakita mo?” usosyo naman ni Shanstar. “Isa pala si Phil sa BSU Hearthrob!” imporma niya. Nanlaki naman ang mga mata ng kaibigan niya. “As in?!” In-explore pa niya ang account nito lalo na ang mga litratong in-upload nito at masasabi niyang walang kupas ang angking kagwapuhan nito kahit halos limang taon na ang nakalilipas mula ng mag-aral ito sa BSU. “At Philmar Delos Reyes pala ang buong pangalan niya. Anak ng isang business tycoon sa bansa,” basa niya nang may makita siyang article tungkol dito. Nagkatinginan silang dalawa. “K-kung ganoon, mayaman pala sila?” “Sinabi mo pa!” Bigla ay nakaramdam siya ng pagkadismaya. Parang ipinagkait kaagad sa kaniya ng tadhana ang binata. Parang isinasampal nito kaagad sa kaniya kung gaano kalayo ang agwat ng estado nila sa buhay. “Tignan mo! Beauty Queen pa pala ang kaniyang ina,” wika naman ni Shanstar pagkakuwan na ngayon ay ini-stalk na rin si Phil sa cellphone nito. “Kaya walang duda ang naging bunga. Ang sabi pa rito nasa mid-40s na ang parents niya pero mukhang nasa mid-30s lang sila.” “Oo nga! Sobrang ganda nga ng lahi nila lalo na itong cute na batang ito. Ang sarap kurutin ng pisngi!” “Kapatid niya ‘yan, si Marphil,” pakilala niya “Ay kilala mo rin?” Tumango siya. “Hindi lang ako. Kilala rin siya ni Lilo.” “Talaga? So siya nga iyong sa kabilang resort?” Tumango siya saka niya ikinuwento ang engkwentro nilang magpinsan sa magkapatid noon sa probinsiya. “Naku, ha! Baka mamaya sina Marphil at Lilo ang magkatuluyan, ha?” “Besie naman! Bata mga ‘yon,” suway niya. “Sino naman ‘yang mga lalaking kasama niya?” tanong nito kapagkuwan nang makita nila ang litrato ng tatlong lalaki sa iisang frame kung saan may dalawa lalaki ang nasa likod ni Philmar. “Sa tingin ko sina Emer at Clark ang mga kasama niya dahil iyon ang mga nakalagay sa mga comments,” aniya matapos basahin ang mga komento ng mga kababaihan doon. “Hoy, Besie!” pukaw niya sa kaibigan nang hindi na ito umimik at nakatulala lang sa cellphone nito. Inagaw niya ang cellphone nito saka tinignan at kita niya roon na naka-zoom in ang lalaking kasama ni Phil na nasa kanang bahagi nito. “S-sa palagay ko nahanap ko na ang inspirasyon ko. . .” tulalang sabi pa rin nito. Napangiti siya. “Mukhang tinamaan ka na rin ng lintik, ah? Partida sa picture mo pa lang nakikita ‘yan, huh? Paano pa kaya kapag nakita mo na sa personal?” Kumapit ito sa braso niya. “Kaya nga eh! Hindi na tuloy ako makapaghintay na dumating ang bukas!” Napailing na lang siya sa reaksyon at sinabi nitong iyon. Parang mas malala pa pala ito kaysa sa kaniya kapag kiligin. “Oh? Bakit ang haba ng nguso mo?” mayamaya ay tanong nito. “Napansin ko kasi na palagi ako nakakatanggap ng flood hearts mula sa account na ito. Tapos iyong mga post niya related lagi sa mga post or MyDay ko.” Tumingin ito sa cellphone niya. “PM DR?” basa nito sa account name na ang profile picture ay bola ng basketball. “Kilala mo?” tanong pa nito. Umiling siya. “Hindi!” “Hindi mo kilala pero in-accept mo ang friend request niya.” Nagkibit-balikat siya. “Baka aksidenteng na-accept ko lang.” “I-unfriend mo na lang. Ang creepy, eh. O kaya i-block mo para never na niya makita ang post mo at ang post niya.” Tumango-tango siya saka tuluyang in-block ang account.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD