WAVE THREE

1208 Words
“HERE’S my payment,” sambit ng binata pagkabalot niya sa paddle board na napili nito para sa kapatid. “Naku huwag na! Treat na namin ni Lilo sa kaniya ‘yan, right Lilo?” “Yes! So that we can play also, Kuya!” anito sabay tingin kay Marphil. Binalingan nito ang kapatid. “You heard that, bro? You can have this for free, so, what are you going to say to them?” “T-thank you, Lilo. Thank you, Ate Andi,” masayang sambit nito. “You’re welcome!” nakangiting sabi niya saka sila ulit sabay-sabay na bumalik sa dagat. Napag-alamanan niyang nagbabakasyon lang pala doon ang magkapatid kasama ang pamilya nito na umuwi galing Amerika. Naka-check in ang mga ito sa katabing resort. “It looks like you’re a professional surfer. You really amazed me.” Bahagya siyang namula nang marinig niya ang papuring iyon mula sa binata dahilan para hindi niya ito matignan sa mata. Umahon na kasi sila nang maramdaman nilang mahapdi na sa balat ang sinag ng araw. “Actually, being a surfer champion is one of my dream.” “Really?” manghang sambit nito. Tumango siya. “Nasa angkan na yata namin ang pagiging serpero. Lumalaban ako sa mga surfing competition kasama ang kaibigan kong si Shanstar.” “Nice!” “Eh, ikaw? Hilig mo rin ba ang surfing?” “Hindi naman. Marunong lang akong maglaro pero hindi ko nakikita ang sarili ko na sumali sa mga competition. Basketball talaga ang hilig kong sports,” kwento nito. “Ayos! Varsity player ka siguro, ano?” Tumango at ngumiti lang ito sa kaniya bilang sagot. “Kuya, let’s go! It’s getting hot in here and I’m so hungry na,” rinig nilang maktol ni Marphil kaya naman nagpaalam na sila sa isa’t isa. Habang papalayo ang dalawa ay hinabol pa ni Andi ng tingin ang binata. Hindi man lang niya natanong ang pangalan nito. “HOY! Kanina ko pa napapansin ang pagtanaw-tanaw mo riyan sa katabing resort. Sino bang inaabangan mo riyan?” puna ni Shanstar sa kaniya nang bisitahin siya nito kinahapunan. Si Shanstar ay kaibigan niya mula nang high school sila nang lumipat ang pamilya nito sa lugar nila. May ari sila ng isa rin sa mga Resort doon. Ito ang kasa-kasama niya sa mga surfing competition. Nag-enroll din ito sa BSU sa kapareho din niyang kurso. “W-wala, ah!” tanggi niya. Halos lahat kasi ng napapadaan galing resort ay sinusundan niya ng tingin. Nagbabakasakali na makita muli ang binata. Ewan ba niya, simula ng makasama niya ito kanina ay hindi na ito nawala sa isip niya. “Anong wala? Hoy! Kilala kita, ‘no! Siguro may nakita kang adonis sa kabilang resort kaya kanina ka pa nakatanaw diyan.” “Wala nga!” “Teka, maiba pala ako. Naayos mo na ba ang mga gamit mo?” pag-iiba niya ng usapan. “Oo. Papahatid na ako sa linggo. Bakit ba kasi ayaw mo pa sumabay sa akin?” “Hindi naman sa ayaw ko, kailangan lang talaga ako ihatid ni Kuya Tope para alam nila kung saan ako pupuntahan kapag bibisitahin nila ako sa dorm natin. At saka gamit mo pa lang siguradong puno na ang sasakyan niyo.” “Ikaw bahala. Pero excited na talaga akong pumasok! Siguradong marami tayong makikilala roon. Ramdam kong doon ko na mahahanap ang forever ko.” Natawa siya sa sinabi nito. “Maraming pogi roon kaya good luck sa pagiging choosy mo!” “Grabe ka talaga sa akin!” “Halika na nga sa bahay, siguradong luto na ang meryenda,” pag-aya niya. “Sige! Nagugutom na rin ako.” At sabay na silang tumakbo pabalik sa bahay nila. “Wow! The best talaga ang cookies mo Tita!” sambit ni Shanstar matapos nitong kagatan ang cookies. “Nambola ka na naman! Huwag kang mag-alala, marami pa ako riyan, mag-uwi ka kung gusto mo para may maiuwi ka rin para sa kapatid mo.” “Talaga po?!” Tumango ang ginang. Lumapit naman ito sa ginang saka yumakap. “Papaampon na talaga ako sa inyo, Tita.” “Naku! Kung pwede lang, ija.” “Hindi talaga pwede!” tutol niya. “At bakit naman?! Akala ko ba bestfriend tayo?” nakasimangot na sambit nito. “Paano ang kapatid mo? Matitiis mo siyang iwan sa parents mo ng mag-isa?” Umiling ito. “Hindi! Syempre isasama ko ang kapatid ko rito.” “Kapag dito kayo, hindi na ako ang nag-iisang prinsesa nila Mama at Papa,” biro niya pa. Gusto lang niya ito asarin. Sa totoo lang ay kung pwede lang na maging magkapatid na lang din sila para naman may ka-bonding siya pagdating sa mga girly thing. Puro naman kasi lalaki ang mga kapatid niya. Lumapit ito sa kaniya saka siya inakbayan na halos sakalin na siya nito. “Kita mo ‘to! Nakita ang ugali!” “Teka! Hindi ako makahinga! Binibiro lang naman kita, eh!” pagsuko niya. Kinikiliti na kasi siya nito. Malakas pa naman ang kiliti niya sa tagiliran. “Tama na nga ‘yang kulitan ninyo. Para kayong mga bata,” suway naman ng kaniyang ina kaya naman tumigil din sila at pinagpatuloy ang pagmemeryenda. “Bata pa naman po kami, ah!” sabay pa nilang sabi. Nakangiting umiiling ang ginang. “Basta pagpunta ninyo ng Maynila walang maglalakwatsa. Kapag aral, aral lang. Huwag munang makipagrelasyon, maliwanag? Baka mamaya niyan pagbalik ninyo rito may hawak na kayong sanggol. Naku! Kapag nangyari ‘yon makakatikim talaga kayo ng kurot sa singit!” Bahagyang lumapit si Shanstar sa kaniya saka bumulong ito sa kaniya. “Binabawi ko na pala iyong gusto kong magpaampon kay Tita.” Natatawang napailing na lang din siya sa sinabi nitong iyon. Basta tungkol kasi talaga sa kaligtasan at makakabuti sa kanilang magkakapatid ay ang daming sinasabi ng kanilang ina. “Ano nga pala ang sabi nina Tita nang malaman nilang sa Maynila ka magkokolehiyo?” tanong niya sa kaibigan nang nasa kwarto na niya silang dalawa. Nagkibit balikat ito. “Wala. Asa naman akong may paki sa akin si Mama. Si Papa lang naman ang may paki sa akin.” Nalungkot siya sa narinig. Hindi talaga nito makasundo ang ina. Hanggang ngayon kasi ay sinisisi pa rin siya nito sa pagkamatay ng isa sa kambal niyang kapatid. “Bestie! Sa tingin mo, marami kaya tayong makakasundo sa BSU?” pag-iiba niya ng usapan. “Bestie, Maynila pa rin ‘yon! For sure mga sosyalin at mayayaman ang iba roon kaya hindi lahat makakasundo natin. Ang mahalaga, tayo. Kung hindi man natin sila makasundo, nandiyan naman ang isa't isa sa atin, handang magdamayan basta walang iwanan, okay?” Nakangiting tumango siya. “Basta umiwas na lang tayo sa gulo.” “Naku! Iyan ang hindi ko mapapangako sa ‘yo!” “Star!” suway niya. “Syempre kung ikaw naman iyong sinaktan syempre ipagtatanggol kita, ‘no!” Napangiti siya sa sinabi nitong iyon kaya niyakap niya ito. “Yieh! Ikaw na talaga, Bestie! Kahit siguro ako ganoon din ang gagawin kapag ikaw naman ang inaway nila. “Grabe! Excited na talaga akong sa first day of school natin!” wika pa nito. “Ako rin!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD