“CONGRATULATIONS, Besie! I’m so happy for you!” masayang bati ni Shansyar kay Andi pagakauwi niya ng dorm. “Naku, Besie! Kung alam mo lang kung paano iyong kaba ko kanina. Akala ko nga wala na akong maisasagot sa kaniya tungkol doon sa kulay ng kurbata.” “Buti na lang talaga at nasagot mo Besie! For sure, isa iyon sa nagbigay sa ‘yo ng malaking puntos sa mother-in-law mo.” “Mother-in-law talaga?” “Soon mother-in-law pala.” At nagtawanan sila. “Isa na lang ang problema mo, Besie.” Kumunot ang noo niya. “Ano?” “Hindi ano, sino!” “Sino nga ba?” “Eh, ‘di iyong kaklase nating hilaw!” Umiling siya. “Besie, hindi ko na siya iniisip masyado ngayon dahil panatag naman ako na hindi siya papatulan ni Phil dahil nga ang sabi niya sa akin noon ay kapatid lang ang turing nito kay Sam.” Tumang

