“GOOD evening, Mr. And Mrs. Tan. Happy 25th Anniversary!” Maligalig na bati ni Philmar sa mag-asawa. “Hello, Mr. Delos Reyes! Thank you for coming!” bati naman sa kaniya ng ginoo. “So, this must be Andi, your wife,” sambit naman ng ginang na nakatingin ngayon sa kasama niya. Ngumiti siya. “Yes! I’d like you to meet my loving wife, Andi Delos Reyes.” Saka nakipagkamay ang babaeng dati niyang kaklase noong college sila, si Vivian. Aksidenteng nagkita sila sa isang restaurant matapos ang lunch meeting nila noong isang araw. Ito ang pinakiusapan niya na humarap at magpanggap na asawa niya sa harapan nina Mr. And Mrs. Tan. Hindi niya kasi maihaharap si Andi dahil siguradong magiging iba ang pagtingin sa kaniya ng mag-asawa. Si Emer na rin ang nagsabi na ayaw ng mag-asawa ng mga bagay na maa

