KINAUMAGAHAN ay nagtaka si Andi nang magising siya na nasa kwarto na niya siya. Sa pagkakatanda kasi niya ay inabutan na siya ng pagod at antok sa living room nila. Napatingin siya sa pinto ng kaniyang kwarto nang marinig niya ang pagbukas-sara ng kwarto ng kaniyang asawa. Kinuha niya ang roba na nakasampay sa headboard ng kama saka isinuot bago nagtungo sa kusina. “G-good morning. . .” bati niya sa asawa nang maabutan niya itong gumagawa ng kape sa coffee maker. “Morning!” bati naman nito sa kaniya. “Ako na riyan,” presinta niya na agad nitong tinutulan. “It’s fine. Umupo ka na riyan at baka pagod ka pa sa pinuntahan mong party kagabi.” “I-ikaw ba ang nagdala sa akin sa kwarto ko?” Tumango ito. “Nakita ko kasi n anahihirapan ka sa sofa kaya dinala na kita sa kwarto mo.” Umupo siya

