“I-IT’S ME, Love, your wife. H-hindi mo ba ako natatandaan?” sagot ni Andi sa nanginginig niyang mga labi, gulat pa rin sa nasaksihan sa asawa. Kumunot naman ang noo nito saka siya pinagmasdan. “W-wait. . . A-are you guys kidding me? Am I really m-married?” “Yes! She's your wife,” sagot ng ama nito na tinanguan lang ng ginang. Napatingin ito sa kanang braso niya na tila ba nandidiri ito. “W-with her?” segunda pa nito dahilan para tuluyang kumawala ang mga luhang kanina pa gustong pigilan ni Andi. Tila bumalik iyong pakiramdam niya noong mga panahon kung paano siya tignan at tratuhin ng mga tao sa paligid niya dahil sa kaniyang kapansanan. Sa sobrang sakit ng kaniyang nararamdaman ay lumabas siya ng kwartong iyon. “Andi, ija!” tawag-pansin ng kaniyang beyanan na lalaki na nagpahinto

