WAVE THIRTY-NINE

1278 Words

“NAKAKALUNGKOT na limang taon ang nawala sa alaala ni Phil. Maging ikaw at ang iba pa nating mga kaibigan ay hindi rin niya matandaan,” sambit ni Emer nang mapag-usapan nila ni Shanstar ang tungkol sa mag-asawa na si Andi at Philmar. Kasalukuyan silang nagdi-dinner sa isang kilalang restaurant sa Maynila. Kagagaling lang kasi nila ng opisina. Sila na kasi ngayon ang humahawak ng negosyo ng kanilang mga pamilya. At kahit abala silang dalawa sa pagtatrabaho ay nagagawa pa rin nilang bigyan ang isa’t isa ng oras para magkita at magkausap. Nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga si Andi. “Kahit kami na lang sana ang nakalimutan niya, huwag lang si Besie,” wika naman ni Shanstar. “Mas maganda siguro kung pagsasamahin silang dalawa sa iisang bahay para mas maalala siya ni Phil,” dagd

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD