CHAPTER 11

2589 Words
Nakaligo at bihis na si Cathy pero tulog na tulog pa si Jahzara. Nang may kumatok sa silid nila. Nag buksan ni Cathy ay bumungad ang magandang at maaliwalas na mukha ni Rita. " Good morning friend, tayo na sa baba at makapag almusal, mamaya lang ay darating na ang may bithday." sabi ni Rita. "Paano yan Rita, tignan mo naman, tulog mantika kanina ko pa ginigising." sabay yugyog kay Jahzara na tulog na tulog. "Hayaan na mu na natin yan matulog baba rin yan pag nagising." "Sabi mo eh, tayo na, iwan na natin." Tapos na kaming kumain, wala pa si Jahzara. Kaya tumulong na lang si Cathy sa pag aayus ng venue, Nag makita siya ni Julius. " Nag almusal kana ba Cathy? Asan si Jahzara?." tanong ni Julius. "Tapos na kaming kumain. Si Jahzara naman ay nasa silid pa. iniwan namin na tulog pa." "Halika at samahan mo ako may bibilhin lang ako." at hinila na niya ako. patungo sa car ni Lloyd. " Baka hanapim ako ni Jahzara," "Rita pag hinanap si Cathy sabihin mo na kasama niya ako at may pupuntahan lang kami" "Ok sir Julius pero balik kayo before lunch." " Oo naman Rita , sige alis na kami." Pagbaba ni Lloyd ay hinanap niya si Jahzara pero hindi makita ,pati si Cathy. Nag makita niya si Rita. " Rita nakita mo ba si Cathy at Jahzara" tanong ko "Umalis sila sir Lloyd" pagkasabi ay tumalikod na at pinuntahan ang nanay niya. Sinundan ko si Rita. "Ano ang sabi mo, umalis sila," medyo na palakas ang boses ko kaya nagtinginan ang mag ina. "Sino ba ang hinahanap mo Lloyd at nagkakaganyan ka." tanong ng nanay Tina an nanay ni Rita "Sorry po 'nay Tina, Pwede bang makausap si Rita." hingi ko ng paumanhin. " Sir Lloyd si Cathy ay umalis kasama ni sir Julius, at si Jahzara ay nasa room nila, iniwan namin na natutulog kanina pa at hindi ko pa nakita dito. Sorry po sa hindi malinaw na sagot ko kanina." "Ok sorry din kung nasigawan kita." "Sir Lloyd sana ay pahalagaan mo si Jahzara. Nararamdaman ko na mahalaga ka sa kanya hindi lang niya masabi." " Thank you Rita makakaasa ka. hindi ko siya pababayaan. Sige at puntahan ko na siya, Sorry nay Tina sa pagtaas ng boses ko, kanina." "Ayus lang anak, sana siya na nga ang makakatuluyan mo." Pinuntahan ko na si Jahzara sa room nila at nadatnan ko na tulog pa. Nilapitan ko siya at hinaplos ang buhok niya. " Jahz gising na sweetheart, tanghali na." "Mmmm anong oras na ba" nakapikip pa niyang tanong "Ten ng nang umaga," Pagkarining niya ay bumangon na siya agad. Kumuha lang ng damit niya. At nagtungo sa banyo. "Sweetie may tawag ng tawag sa phone mo." "Sino ba yan. hayaan mo at maghintay." Naglumabas na si Jahzara sa banyo ay sinagot na niya ang tumatawag sa phone niya. Ang boyfriend pala niya. Kaya nakinig ako sa usapan nila. "Hello love, musta ka na" ( "Ok naman ako love nasaan ka. Naka ilang tawag na ako sayo") " Dito sa tagaytay. Naliligo kasi ako kanina kaya hindi ko agad nasagot ang tawag mo" ( " Sunduin ko na kayo diyan love") "Huwag na, At saka uuwi ako sa ilocos pagkatapos ng party my kukunin lng akong importante at miss ko na rin ang pamilya ko." (Gusto mo bang samahan na lang kita pauwi sa ilocos, para makilala rin ako ng parents mo at makilala ko rin ang pamilya mo.) "Alam mo naman n hindi pa pwede, hindi nila alam na may boyfriend na ako. " ("Ok tawagan mo na lang ako pag nakabalik ka na dito.") "Ok bye ingat" Pagtatapos niya sa tawag. "Jahz mahal mo ba siya" tanong k sa kanya. "To be honest, Oo mahal ko siya. Pero dumating ka na nagpapagulo sa isip at puso ko. Litung lito ako, kaya gusto ko muna umuwi sa amin para makapag isip. Kung pwede hihatid mo ako sa bus terminal punta ilocos, pagkatapos natin mag lunch." "Pwede ba akong sumama sa iyo, para makapasya din ako." "Hindi nga pwede na may kasama ako na lalake. magagalit ang parents ko sa kin." May kumatok sa pinto. " sir Lloyd dumating na ang parents mo." Sabi ni Rita. "Ok susunod na kami." "At nakabalik na rin sila Cathy, baka pumunta siya dito pag hindi niya nakita si Jahzara sa baba." pagkasabi niya ay umalis na. Bumaba na kami at sakto naman na nagsisimula na ang party, tinungo namin ang mesa kong nasaan ang parents ko kasama ang kapatid ko at sina Julius at Cathy. At pinakilala ko sa kanila si Jahzara at Cathy. " Mommy, Daddy Krizza, Sina Cathy at Jahzara po kaibigan ko. At Jahz, Cathy si Mommy ,Daddy at ang maganda kong kapatid." pagpapakilala ko sa kanila. "Nice to meet you po" sabay na sabi nila Jahz at Cathy. "Same here hija, salamat at nakapunta kayo. Alam ko na busy kayo sa pag aaral ninyo kasi graduating na kayo. Just enjoy and have lunch." "Mommy pagkatapos namin mag lunch ay hihahatid ko na si Jahzara, masama kasi ang pakiramdam niya," pagpapaalam ko. "Pasensya na po kayo, ma'am, sir" hinging pahumanhin ni Jahz. "Ok lang yung hija, basta ang isipin mo ay ang kalusugan mo. Kain na kayo para makaalis na kayo. Ingatan mo siya Lloyd." "Bakit anong nagyari sa iyo bestsie" nag aalala na tanong ni Cathy. "Huwag kang OA bestsie, masakit lang ang ulo ko. Gusto ko mag enjoy ka dito pls." "Dude kaw na muna bahala kay Cathy, at kaw na rin maghahatid sa kanya." bilin ko kay Julius. "Ok lang ba sa iyo Cathy. Don't worry Julius is harmless." "Ok bestsie, Lloyd basta siguraduhin lang ninyo na magiging maayos ka Jahzara." sang ayon ni Cathy "Don't worry Cathy hindi ko pababayaan Jahz. Sige mauna na kami. See you monday." At umakyat na kami para kunin ang gamit niya. " Are you sure you want to.go home in ilocos sweetheart" tumango lang siya. Kaya umalis na.kami. Habang nasa byahe kami ay tahimik lang si Jahz. "Gusto mo bang dumaan tayo sa bahay ni Carol, may gusto ka bang kunin doon or gustong bilhin, pasalubong sa pamilya mo, Sweetheart?" tanong ko kay Jahz. " Wala isang araw lang naman ako doon at alam naman nila a wala akong pera. Sa bus terminal mo na lang ako hihatid.at pwede itulog ko muna gisingin mo na lang ako pag andoon na tayo." tinatamad niyang sagot. "Ok sweetheart." ____________________ Hinayaan kong matulog si Jahz sa aming byahe. at hindi ko rin siya hihahatid sa bus terminal dahil wala akong plano na hayaan siyang umuwi sa ilocos mag isa, sa ganun kalagayan na gulong g**o ang pag iisip. at mapapagod pa sa byahe. kaya sasamahan ko siya sa ayaw o gusto niya. Mabuti na lang at mahimbing at mahaba ang tulog niya. Hindi pa niya namalayan na dumaan ako sa grocery. Mag 9 pm na kailangan na namin kumain ng hapunan kaya ginising ko na siya, bahala na kung magalit. " Sweetie gising ka muna para makapag hapunan tayo' "Mmmm nasaan na ba tayo at anong oras na." inaantok pa na sagot niya. "9 ng gabi sweetheart, " "Bakit ngayon mo lang ako ginising asan na ba tayo." sabay labas sa sasakyan at inalalayan ko naman siya. "Sorry sweetheart ayaw ko kasi na mag byahe ka mag isa at balikan pa." tahimik lang siya na pumasok sa restaurant at kumain kami na walang nagsasalita sa amin alam ko na galit siya sa akin. Nagmatapos kaming kumain ay patungo na kami kung saan naka park ang car ko. "John ako na ang mag drive para makapag pahinga ka rin." sabi niya. "Ilan oras pa ba ang byahe natin sweetie" " Kung ako ang mag drive nga 4 to 5 hours kasi mas mabagal ako magpatakbo." "Ok just give me first an hour to drive, saka mo ako palitan." Tulad ng napag usapan namin ay si Jahz na ang nagdrive pagkatapos ng isang oras at ako naman ang natulog. Nang magising ako ay mag isa na lang ako sa loob ng car ko. Nakaram dam ako ng takot na basta na lang niya ako iniwan kong saan. Hindi ko pa naman alam ang lugar na ito. kaya hindi muna ako lumabas at Pinakiramdaman ko ang paligid ang tahimik at walang katao tao. wala pang dumadaan n sasakyan. Binaba ko ng kaunti ang bintana sa tabi ko. At may narinig ako hampas ng alon. Nasa tabing dagat pala ako. kaya lumabas na ako sa sasakyat upang hanapin si Jahz. May nakita akong tao na nakaupo malapit lng kung saan naka park ang car ko. Nang masigorado ung si Jahz iyon ay nilapitan ko na. "Sweetheart pinakaba mo naman ako, bakit hindi mo ako ginising." niyakap ko siya. "Pinag alala mo ako. "Ginigising kita pero ang lalim ng tulog mo." at gumanti rin siya ng yakap. Tumabi na ako kay Jahz at inakbayan ko siya. pero tumayo siya at napakandung sa akin, kaya iniyakap ko ang kamay ko sa kanya at isinandal sa dibdib ko. Ganoon ang posisyon namin. "Sweetheart bakit tayo nandito, di ba dapat ay nandoon ka na sa bahay ninyo at nagpapahinga." "Hindi ka nila dapat makita John, pupunta tayo mamaya doon pag umaga na, ayaw kong makadistorbo ng tulog nila, pero pls huwag kang lalabas ng sasakyan." " Ok sweetheart i understand. malayo pa ba ang bahay ninyo dito.?" tanong ko. "Malapit na lang, paglampas mo sa bakanteng lupa na yan ay ung na ang bahay namin. Makikita mo rin mamaya pag maliwanag na." "Gusto mo bang magstay tayo dito, ok lang sa iyo kung may makakita sa atin na kakilala mo. kung ako sweetheart ay ok lang, pero iniisip ko ang kalagayan mo." " Doon na lang tayo sa loob ng kotse mo para makatulog pa tayo, may tattlong oras pa tayo maghihintay." Kaya bumalik na kami sa sasakyan. "John gusto mo bang pumunta kina Carol. Kilala ka naman ng parents niya." "Jahz nandito ako para sa iyo. huwag mo naman akong ipagtabuyan. Pagbalik ni Carol dito hihiwalayan ko na siya. Ikaw ang mahal ko, ikaw lang ang nagmamay ari ng puso ko. Maghihintay ako kung kailan ka handa." niyakap niya ako at hinalikan sa labi. Ramdam ko na mahal niya rin ako. "Punta na lang tayo sa vigan John, at ipapasyal kita doon" "Paano pamilya mo, kala ko miss mo sila at gusto mong makasama kahit sanďali lang." "Ayaw mo ba akong makasamang mamasyal." " Gustong gusto kitang makasama kung pwede lang ay magpakasal na tayo para lagi na tayong magkasa ma." "Hindi tayo pwedeng magpakasal, hangga't hindi pa natin na aayos ang mga problema sa mga syota natin." " At pag naayos na ba natin ay pwede na tayong magpakasal, sweetheart.?" " Oo kung walang magbabago sa natin. Sa ngayon ay magkaibigan lang tayo." May dalawang oras pa bago mag umaga. kaya naidlip muna kami dito sa back seat ng sasakyan. Nauna ako nagising. Ang gaan at sarap ng pakiramdam ko na pagmulat ng mata ko ay ang mahal ko ang unang kung masisilayan. Pinag masdan ko siya ang amo ng mukha niya. Ginising ko na siya. "Sweetie gising na, umaga na. Puntahan mo na ang pamilya mo." "Mmmm! Ano oras na ba?" "Past 6 na ng umaga. kunin mo tong tubig at mag ayos kana. hindi pwede na ganyan kang humarap sa pamilya mo, sweetheart, baka patayin ako ng tatay mo." Nandito na kami ngayon sa harap ng bahay nila Jahz." Sweetheart my kunting grocery sa compartment. Kunin mo at ibigay sa parents mo." sabi ko bago siya bumaba. Tango lang ang sagot niya. Pagkalabas ni Jahz sa sasakyan ay lumapit agad ang nanay ni at nagyakapan sila.at nag usap. Hinihintay ko na kunin niya yung grocery sa likod para makaalis na ako. At balikan ko na lang siya mamayang hapon. Dahil ang usapan namin ay hindi pwede na makita nila ako. Nag bumalik na si Jahz ay akala ko, kukunin na niya ung grocery, pero binuksan niya ang pinto sa tabi ko at pinababa niya ako. "John ipark mo muna ang sasakyan dito sa bakuran at mag agahan na tayo." Ipinasok ko ang koste sa bakuran nila. Pagkatapos ay lumabas na ako at kinuha na namin ni Jahz ang grocery sa likod at sabay kaming pumasok sa bahay nila. " Nay, tay si John Lloyd ho, kaibigan ko. John ang nanay at Tatay ko." Pagpapakilala ni sa amin. " Kinagagalak ko po kayong makilala" sabi ko at nag mano ako sa kanila. " Kanun din kami anak. Salamat sa pagsama mo kayJahzara," sabi ng tatay niya. "Halina kayo sa kusina para makapag agahan na tayo." sabi naman ang nanay niya. Tinignan ko si Jahz, na parang natatanong look. At sinagot naman ako ng follow the flow look. hahaha. di sumunod. Dahil linngo its a family day. Nagsimba kaming lahat at namasyal. Hapon na ng makabalik kami sa bahay nila. They treat me as a part of there family. Pagkatapos namin maghaponan, ang byahe namin pabalik ng maynila. Si Jahz ang nagmaneho. Pinalitan ko lang siya ng nasa pampamga na kami. Ala una ng madaling araw, kami nakarating sa maynila. Dahil tulog si Jahz ay dinala ko siya sa condo ko. ------------------- ------ Nauuhaw ako kaya ako nagising . Pagmulat ko ng mata ay mukha ni John ang nasilayaan ko, nakatulog kami na magkayakap. Maingat kong tinanggal ang kamay at paa niya na nakapatong sa akin, at bumangon na ako. Nagtungo ako sa banyo, para gawin ang morning routine ko, saka ako pumunta sa kusina. Uminum ng tubig at nagtimpla ng kape. Habang umiinom ng kape ay napapaisip ako. Kung tama ba tong pinaggagawa ko. Sinusod ko lang naman ang nararamdaman ko. Masaya ako na kasama ko si John. Kapag nasa malapit siya ay bumibilis ang t***k ng puso ko. Paghinakawakan naman niya ako ay parang may kuryente na dumadaloy sa katawan ko. Na hindi ko naramdam kay William kahit kailan. Naghalungkat na ako nag pwedeng maluto na almusal namin. kasi kailangan kailangan kong pumasok dahil may OJT pa ako. -------------------------- Ng magising ako ay wala sa tabi ko si Jahz, Kaya hinanap ko, nakita ko naman siya sa kusina na nagluluto. Nilapitan ko at niyakap siya sa na nakatalikod. " Good morning sweetheart" nang lumingon siya ay hinalikan ko naman ang labi niya. "Umupo ka na nga at ipagtitimpla kita ng kape" "Ako na taposin mo na lang yan niluluto mo. Sweetheat." at nagtimpla na ako ng kape ko. Nang tapos na siyang magluto ay hinain na rin niya. At kumain na kami. Pagkatapos namin kumain ay iniligpit at hinugasan na rin niya at ako naman ay naligo at nagbihis na. Umalis na kami papaunta sa bahay ni Carol dahil kailangan ng magbihis ni Jahz ng uniform bago pumasok. Nang makarating kami sa bahay ni Carol. "Sweetheart pasok kana at magbihis, hihintayin kita dito, para maihatid kita sa hospital." at sumunod naman siya. Nasabyahe kami patungo sa hospital kong saan siya nag OJT. " Sweetheart eto ang password ng condo, pwede kang pumunta, kahit kailan mo gusto." "John bakit ako, " nagtataka na tanong niya. "Anong bakit, mahal kita at ikaw lang ang may karapatan na pumunta at mag stay doon, sweetie. " hindi na siya sumagot. hanggang sa makarating kami sa hospital. "Thank you John. Bye!" Bubuksan nasa niya ung pinto pero hinawakan ko ang kamay niya. "Pa kiss muna , sweetheart" at hinalikan na niya ako sa labi. lumabas na siya ng sasakyan at umalis na rin ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD