CHAPTER 10

2072 Words
Naglalakad kami pabalik para magpalit ng pampaligo daw. "Pumanhik na kayo, Jahzara, Cathy at magpalit na kayo ng swimming suit. Hintayin ko kayo dto." si Rita "Kaw din para may makasama kami, mahirap ng ma out of place mag isa." "Oo naman makakasama ninyo.ako, kaya huwag na huwag kayong lalapit sa iba." si Rita. kaya nagtawanan kami bago naghiwalay. "Ok naman si Rita, mas mabuti na siya ang kasakasama natin. Mahirap makisama sa mga syosyal at mayaman." si Cathy " Tama doon tayo sa ka level natin. Tapos kana ba bestsie." "Oo bestsie, kaw kung tapos kana ay tayo na." si Cathy "Wow ang sexy mo bestsie" at sabay kaming humarap sa full mirror. Nag biglang may nagbukas sa pinto. "Ang tagal ninyo" si Rita na napatulala, "Hoy bakit ka napatulala diyan." si Cathy sabay hila kay Rita na wala pa rin imik. nagpalipat lipat ang tingin niya sa amin. "Masama ba ang pakiramdam mo Rita?" Nilapitan ko siya at pinatong ang palad ko sa noo niya, para tiganan kong may lagnay siya. "Ok lang ako, tayo na at hinihintay na. tayo" si Rita. Pinatungan namin ng mahabang t-shirt ang sout namin at kumuha rin kami nh towel. saka kami lumabas sa room namin. Patungo na kami sa cottage kung nasaan sila John Lloyd. Nag matanaw ko na marami na pala sila doon. "Rita andami na pala sila, balik na tayo. nahihiya ako." "Bakit kayo mahihiya, eh mas sexy naman kayo sa kanila." si Rita. Hinawakan niya ang kamay namin at hinila kami. Top less na ang mga lalake at naka swimsuit lang ang mga babae, maliban sa aming tatlo, kasi napatungan ng t-shirt. Ng mapansin kami nina Jerome at Patrick kaya nilapitan nila kami. "Kumain na muna kayo" si Jerome. Marami na ang pagkain sa mesa, may softdrinks at beer pa. "Ladies ano ba gusto ninyong inumin? softdrinks, juice or beer?" may lumapit na dalawang babae kina Jerome at Patrick. "Ako na po ang bahalang magaasikaso sa kanila sir Jerome, sir Patrick."si Rita. "Salamat Jerome, Patrick." sabay namin sabi ni Cathy " Your always welcome ladies. padating na rin si Lloyd sinundo lang niya si Julius." at tumungo na sila.sa dagat. "Oh kain na, para makaligo na tayo. remember friend, huwag kayong lalayo sa akin at makihalubilo sa mga plastic at inggiterang mga babae na yan." si Rita "Tayo na. maligo na rin tayo para ma enjoy na natin ang dagat" si Cathy. Tinagal na ang t- shirt niya at naglakad patungo ng dagat. expose na ang sexying katawan niya. Nakasunod lang kami ni Rita. " Ang ganda talaga ng pangangatawan ni Cathy, ano Rita. Pag model ng underware" "Mas maganda ang hubog ng katawam mo Jahzara. makinis pa ang balat mo at hindi ka maarte. Kaya huwag mong tanggalin yang t-shirt mo para hindi ka magkagulohan ng mga lalake. Mahirap na baka mapa away ng hindi oras si sir Lloyd." si Rita " Grabe ka naman Rita, ako pagkakaguluhan." "Tama naman ang sinabi ko ha. Basta huwag mong tanggalin ang t-shirt mo. hindi ko kayo maprotektahan pareho, Hayaan na lang muna natin na si Cathy lang ang pagkaguluhan, at kaingitan." "Oo na. lusob na tayo,.para maitago kahit kunti ang katawan ni Cathy. Pinagtitinginan na siya." "Mamaya lalapit na mga kalalake han at nga babae naman ay masama na ang tingin at sinasabi sa isa't isa tungkol sa atin. ingit nga naman." si Rita. Pinalibutan nga kami. at pinagkaguluhan na nga si Cathy. Kaya si Jerome at Patrick ay binakuran na si Cathy. "Lahat kayo hand off sa kanilang tatlo. " si Jerome. "Makikilala rin ninyo sila mamaya" si Patrick "Lumayo muna kayo, natatakot na. tuloy ang mga ladies sa inyo" si Jerome. Naglalakad sila Lloyd at Julius ng mapansin nila na may pinalibutang ng mga kaibigan nila at medyo nagkagulo. Kaya sila napatakbo at dali dali nilang tinungo at tinignan kung ano ang pinag kaguluhan at may tinawagan ako agad pagkakita ko ang pinag kakaguluhan nila. "Magdala ka dito ng tatlong robes" pinatay ko agad ang tawag pagkatapos kong nasabi. "Relax bro, kaibigan mo lang siya." at tinapik tapik niya ang balikat ko. "Bakit pa kasi nag suot sila ng ganyan." iritado kong sagot. "Wala naman masama sa suot nila bro, lahat tayo naka pang swimming. Masyado ka lang possessive sa kanya. Bro control your feelings." "Sir Lloyd eto na pinakuha mo." "Ok thank you." Pinahaon ko na sila. "Guys sa cottage muna tayong lahat. Its time for our dinner.". Sinalubong ko sila Cathy, Rita at Jahzara. "Ladies gamitin ninyo muna ito, para hindi kayo ginawin." inabot ko kay Cathy at Rita ung tag isa silang robe, at isinuot ko naman kay Jahzara ung isa. "Thank you Lloyd" sabi nila Cathy at Rita. "Thank you John" si Jahzara "Your welcome ladies. tayo na at maghapunan. saka tayo maligo uli." Dito na kami lahat sa cottage. At kumakain."Guys enjoy your food. Pagkatapos natin kumain ay maligo tayo uli habang hinihintay natin magsimula ang bonfire. Kung ok lang sa inyong lahat" " Lloyd pakilala mo naman ang mga ladies sa tabi mo." "Oo naman Lloyd, Huwag mong suluhin." "Ok ipapakilala ko sa inyo, pero hand off kayo lahat sa kanila, I hope you understand what i mean." "Ano ba yan" reklamo ng mga lalake "Tama lang ang sabi ni Lloyd, May mga date kayo bro. kami ni Lloyd wala." si Julius. sabay tawa. "Ano gusto niyo pa ba silang makilala, Hanggang tingin lang tayo mga bro." Si Patrick "Huwag na. Siguraduhin lang ninyo Lloyd at Julius na hindi namin sila makasalubong at makita na hindi nila kayo kasama" Tawanan ang lahat. Nagbalik na sila sa dagat, maliban sa aming lima. Nagpaalam sila Rita, Cathy at Jahzara na nagbihis dahil nlalamig na daw sila. Kami man ni Julius ay sumusong na sa dagat. " Dude ano ba talaga ang nararamda man mo kay Jahzara". si Julius "Di ko alam dude." sabi na naguhuluhan. " Ano bang sagot yan dude, dapat ay alamin mo, para rin sa inyo." Kinabahan ako ng si Rita lang ang bumalik kaya at humahon agad kami n Julius at pinuntahan si Rita. "Bakit anong nagyari Rita? Asaan sina Jahzara at Cathy? " agad na tanong ko. " Relax ka lang dude, safe naman tong resort ninyo." " Walang masamang nagyari sa kanila sir Lloyd at nasa room lang sila. Pinasasabi na hindi na lang daw sila sasali sa bonfire at gusto na nilang magpahinga." sagot ni Rita "Ganoon ba, sige tayo na at upisahan na natine ang bonfire." "Kayo na lang sir Lloyd hindi na rin ako sasali, Baka lalo ka lang.matataranta kapag walang magbanatay kay Jahzara." sabi ni Rita na tatawa tawa. " Tama na yan, Pati ba naman ikaw Rita." sabi ko na naiiling. "Masyado ka kasing halata dude. Alalahanin mo na kaibigan at amo niya si Carol na girlfriend mo." si Julius at tinapik tapik pa ang balikat ko. "Ganoon pala sir Lloyd my girlfriend ka na pala. Huwag mo naman paglaroan o saktan si Jahzara. sige na sir Lloyd sir Julius, puntahan ko na sila." at umalis na nga si Rita. Dito na kami ngayon nakapalibot sa bonfire. Nag aawitan, at nag iinuman, pero ang isip ko na kay Jahzara. Mahal ko naman si Carol. Ano tong nararamdaman ko para kay Jahzara. Bumibilis ang t***k ng puso ko pag nasa malapit at nakikita ko siya at nag-iinit ang katawan ko pag nahahawakan ko namam siya. Sa loob ng kwarto ay nandito naman sila Rita, Cathy at Jahzara na nag kwekwentuhan. "Magkwento kayo naman ng buhay ninyo Jahzara at Cathy para mas lalo ko pa kayong makilala." " Ok, ako si Jahzara laking probinsya, panganay sa tatlong magkakapatid. Working student ako." "Saan ka nagtratrabaho kung ganon." " Kasambahay ako ni ma'am Carol na girlfriend ni John Lloyd, kaya malayo na magugustuhan ako ng sir Lloyd mo." "Nasa iyo na yan kong yan ang paniniwala mo. Mabait si sir Lloyd at hindi namimili kung ano ang estado mo sa buhay. Ganoon din ang mga magulang niya." "Kaw naman mag kwento Rita" "Katiwala ang nanay ko dito, dalawa kaming magkapatid at ako ang panganay. Patay na ang tatay namin. "Sorry to hear that. "Ok lang matagal na iyon. Ang magulang ni sir Lloyd ang nagpapaaral sa akin, kaya pag walang pasok ay nandito ako, tumutulong. Hindi nila kami trinato na tauhan kundi kaibigan. Hindi sila nandidiri na makihalubilo sa katulad natin na mahirap. May kapatid na babae si sir Lloyd makikilala inyo siya bukas kasama ang magulang nila." "Gabi na dito ka ba matutulog Rita." tanong ni Cathy na inaantok na. "Hindi aalis na ako, at matulog na kayo, kita na lang tayo bukas." "Ok thank you so much Rita." at umalis na rin si Rita. Nakatulog na si Cathy sa tabi ko, pero ako mulat na mulat pa ang mata. kaya minabuti ko na doon na lang sa sopa ako mahiga, para hindi magising si Cathy pag pabaling baling ako ng higa. Malalim na ang gabi kaya unti unti ng nag alisan ang mga nakapalibot sa bonfire. Sa room ko natulog si Julius kaya kumuha lang ako ng damit at lumipat ako sa katabing room nila Jahzara.ng Pagpasok ko sa room ko ay dumeretso ako sa banyo para maligo. Hindi ako dalawin nag antok, kaya tumungo ako sa balkunahe, para magpahangin. Ng maaninag ko na may tao sa balkon ng room nila Jahz. At pinangmasdan ko lang siya ng ilang minuto, at lumipat ako sa kinaroroonan niya. " Bakit hindi ka pa natutulog Jahz" sabi ko sa kanya at umupo sa tabi niya. "Kaw pala John paano ka nandito? gulat na sabi niya " Nag nasa balkon ako sa tabi niyo ay Nakita kita na andito kaya pinumtahan kita," turo ko sa balkon na pinanggalingan ko. "Hindi kasi ako makatulog at ayaw ko naman na madistorbo si Cathy kaya dito muna ako sa balkon hanggang antukin ako." "Pwede bang samahan na kita dito, Jahz hindi pa naman ako inaantok. kung ok lang sa iyo." "Ok lang John, kumusta na kayo ni Carol, kailan ba sila uuwi.? "Ok lang kami ni Carol, nag uusap naman kami sa phone. Wala pa siyang binabaggit kung kailan sila makakauwi. Kaw kumusta naman ang pag aaral mo? "Ayus lang naman busy kami.dahil sa OJT." "Ano ang plano mo pagka graduate mo?" at pasimple ko siyang inakbayan ng hindi siya kumilus ay hinila ko ng kunti ang ulo niya para isandal sa dibdib ko. doon na siya nagprotesta. "John ano ba tong ginagawa mo?" tanong niya at tumayo siya. "Jahz pls hayaan mo ako na mayakap kita kahit saglit lang pls, pagbigyan mo na ako." tinignan niya ako at umupo rin sa tabi ko. "May problema ka ba John? at ano ang maitutulong ko." "Dito ka lang sa tabi ko Jahz at hayaan mo lang na mayakap kita." Siya na mismo ang umupo sa harap ko at isinandal ang ulo niya sa dibdib ko. Niyakap ko naman siya at hinahalik halikan ang ulo niya. "John pwede mong sabihin sa akin kung ano ang.problema mo" " Pumasok kana Jahz at matulog kana madaling araw na." Pag iiba ko ng usapan. Tumayo na kami, at humarap siya sa akin. Wrong move, dahil nagkalapit ang mukha namin at hindi ko na napigilan ang sarili ko na halika siya sa labi. "John stop it" sabay tulak niya sa akin." "Sorry Jahz kung nagpadala ako sa nararamdaman ko." "Sana hindi na mauulit ito John. Para manatili ang pagkakaibigan natin." nakayoko na sabi niya. "Hindi ko maipapangako sa iyo yan Jahz, Gusto kita." "John huwag mong pahirapan ang damdamin natin. Alam m na komplikado ang lahat. "Just give me time Jahz pls aayusin ko ang lahat." " Hindi kanun kadali John may girlfriend ka at may boyfriend ako. may masasaktan tayo." "Eh ano ang gusto mo Jahz, yung tayo ang masaktan at magdusa.?" " Naguguluhan ako John, mas mabuti na magkaibigan na lang tayo." " No ipaglalaban natin kung ano ang nararamdaman natin." " Bigyan mo ako ng panahon para makapag isip." "Thank you Jahz, makapaghihintay ako. Hindi naman kita minamadali. At least alam mo na kung ano ang nararamdaman ko para sa iyo." " Bumalik kana sa room mo John, para makatulog na tayo." Niyakap at hinalikan ko siya sa noo, bago ako bumalik sa room ko. " Mag ingat ka sa pagtawid mo sa balkon." Nang nakabalik na ako sa balkon ng room ko. "Pasok kana at matulog Jahz. good night "Kaw din matulog na good night."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD