CHAPTER 9

2161 Words
JAHZARA POV.... Naka handa na lahat ng gamit nina Carol ar Jessa papuntang america. Hininitay namin si John Lloyd para mahihatid na namin sla sa airport. " Jahzara ikaw na bahala sa bahay kung may problema ka dito, tawagan mo lang si Lloyd, at tutulungan ka niya. Walang malapit na tutulong sa iyo dito, kaya siya ang lapitan mo, lalo na kung emergency. At mag aral kang mabuti last year muna ito alam kung magiging busy kana. " Makaka asa ka Carol hindi ko pabababayan ang bahay at lalo na ang pag aaral ko." " At paki tigna tigna na rin ang boyfriend ko kung maghahanap ng iba , sabihin mo agad sa akin," "Oo na kaya huwag kayong magtatagal doon," "Hoy Jessa pag balik mo dito, dapat ay may boyfriend o asawa kana friend." "I cannot promise that Jahzara, but i try..." Dumating na si John Lloyd, Binuhat na namin ang maleta nila at inilagay sa compartment ng kotse niya. Tahimik lang kami habang patungo sa airport. Ang hirap pala ang ganito na mag kakalayo ang magkasintahan, parang naiiyak na sina Carol at John Lloyd. Hindi ko naririnig kung ano pinag uusapan nila, pero pasulyap sulyap sila sa akin. Pinuntahan ko na si Jessa at niyakap. " Mag iingat ka doon Jessa, at magpakatatag ka." "Kaw din Jahzara, lalo at mag isa ka lang sa bahay, pag balik namin registered nurs kana ha" "Oo naman ,pangarap ko kaya yan." Pinutahan ko na rin si Carol at niyakap. "Jahzara bantayan mo si Lloyd, please huwag mo siyang pabayaan." Tumango lang ako, at nag check in na sila. "Tayo na Jahzara ihahatid na kita" "Salamat na lang John Lloyd, mag taxi na lang ako, baka may importante ka pang pupuntahan, nakakaabala pa ako sa iyo." " Wala akong ibang pupuntahan at hindi ka nakakaabala sa akin Jahzara. Tandaan mo ibinilin ka sa akin ni Carol. at pinangako ko rin na babantayan kita." Wala na akong nagawa, kaya nagpahatid na lanh ako sa kanya. Walang gustong bumasag sa tahimik namin byahe. at nagpapakiramdaman lang kami. Ang lungkot ng mga mata niya. Halatang mahal na mahal niya si Carol. Nang makarating kami sa bahay. Hindi ko na hinintay na pagbuksaan niya ako ng pinto ng kotse , bumaba na lang ako. " Salamat John Lloyd, gusto mo munang pumasok.?" "Hindi pwede Jahzara, hindi ba nasabi ni Carol sa iyo na bawal kang magpapasok ng lalake sa bahay niya.?" "Wala naman sinabi at isa pa ikaw lang naman ito hindi ka naman iba sa kanya." " Jahzara, huwag na huwag kang magpapasok ng kahit sino lalake, kahit ako pa na boyfriend niya, bawal pumasok sa bahay niya hanggang wala siya. Huwag ka sanang magagalit iniisip lang namin ang kapakanan at kaligtasan mo. Mag isa ka lang dito at babae ka pa." " Ok salamat, nauunawaan ko din naman. Thanks again, mag ingat ka,, Hinintay ko pang makalayo ang sasakyan ni John Lloyd bago ako pumasok. Hindi na namin palaging nakakasama si Amie, kasi busy rin siya sa pag aaral at trabaho niya. Buti na lang at kasama ko lagi si Cathy, dahil pareho kaming nursing student at last year na namin. Pati si William, hindi na rin kami masyadong nagkikita, busy ako sa pag aaral ko at busy naman siya sa business nila. Mag isa lang ako dito sa bahay minsan dumadaan si John Lloyd at lagi rin siyang tumatawag para lang i check ako kung okey ako. Minsan naman ay nagpapasama kong may dadaluhan siyang party. Birthday ng Mommy ni John Lloyd at gaganapin sa beach resort nila sa tagaytay. At iniinbitahan ako. Tinawagan ako ni Jonh Lloyd. " Hello, bakit ka napatawag John." yan ang tawag ko sa kanya at Jahz rin naman ang tawag niya sa kin. " Asaan ka Jahz, susunduin kita, may sasabihin ako sayo." " Dito pa ako sa school John, bakit importante ba yan?" "Anong oras matatapos ang klase mo?" " Mamayang 4pm hintayin mo na lang ako sa gate ng school." " Ok kung mauna ka, hintayin mo ako, Jahz" " Ok John Thanks." Tapos na ang klase namin kaya sabay kami ni Cathy na lumabas "Bestsie nagiging malapit na kayo sa isa't isa ni John Lloyd, Mayroon ka bang hindi sinasabi sa akin." " Magkaibigan lang kami bestsie. nagkikita at nag uusap lang kami dahil kay Carol." "Ok kung ganoon bestsie, pero ang nakikita kung kilos at pagtitig niya sa iyo ay iba, parang may something" " Ano ang ibig mong sabihin Bestsie" "Huwag mo ng isipin ang sinabi ko Bestsie, Ayan na siya o puntahan mo na." Pinuntahan kami ni John Lloyd. " Sumama ka na sa amin Cathy." si John Lloyd " Hindi na baka may importante kayong puntahan at pag usapan." si Cathy "Wala naman, kakain lang tayo at ihatid ka na namin." si John Lloyd "Sige na bestsie samahan mo na kami" "Ok bestsie, tayo na." Pumasok kami sa isang restauran, Wow class. Ang gentle man ang kasama namin pinaghila. kami ng upuan. at agaw pansin ang kapugian niya. Habang kami ay kumakain ay nag uusap kami. "Cathy, Jahz birthday ni Mommy sa week end, gusto ko sana kayong imbitahan pls." "Sorry John Lloyd hindi ako makapupunta. si Jahzara na lang" si Cathy. " Si Jahz naipag paalam ko na, Pls lang Cathy paunlakan mo ang imbitasyon ko." si John Lloyd "Sorry talaga John Lloyd, hindi ako sanay makipagsosyalan." si Cathy " Hindi naman ninyo kailangan makipag sosyalan eh. be your self. At sa tagaytay naman gaganapin. Pls Cathy para may kasama naman kami ni Jahz." si John Lloyd "Pls Cathy, sumama kana. Pababayaan mo ba ako doon mag isa, bestsie." "Oo na nga bestsie, alam mo naman na hindi kita matitiis," si Cathy "Salamat Cathy, friday tayo pupunta sa tagaytay, doon ko na lang daan sa bahay ni Carol." si John Lloyd "Anong oras ba tayo aalis John Lloyd? Wala kaming pasok sa friday. si Cathy "Before lunch na kung ganoon. kung ok lang sa inyo." si John Lloyd. "Ok noted. umaga palang andoon na ako. Ngayon pwedeng ihatid na ninyo ako. Thanks sa food John Lloyd" si Cathy Araw ng friday maaga nga na andito sa bahay si Cathy. May dalang maliit na bag. Naka short at sleveless blouse siya at tinernuhan ng rubber shoe. Wow ang sexy niya, maputi at walang bilbil flat na flat ang tiyan ang ganda ng kurba ng katawan. "Bestsie nakahanda kana ba, o kailangan mo ng tulong" si Cathy "Ano ba kc dapat ang dadalhin, bestsie?" " Beach ang pupuntagan natin kaya, magdala ka ng swiming suit, at mag boy hunting tayo doon." "Ok na naihanda ko na ang dadalhin ko. magbibihis na lang ako, " Ginaya ko rin ang atire ni Cathy. black short, white sleveless blouse, white sniker with sunglasses Nakalugay lang ang mahabang kong buhok. nakahanda na kami at hinihintay na lang namin ang sundo namin. At eto na siya. "Hi ladies handa na ba kayo?" si John Lloyd "Opo kanina pa John tayo na" At sumakay na kami sa kotse niya, "Mag lunch muna tayo, saan ninyo gustong kumain? " si John Lloyd "Kahit saan basta makakain tayo, anong oras ba tayo makakarating doon" si Cathy "Dalawang oras ang byahe kaya pag dating natin doon hindi na mainit pwede nag mamasyal sa tabing dagat o maligo." si John Lloyd "Pwede bang dumaan muna tayo sa mall John, para makabili kami ng regalo para sa mommy mo." " Hindi na kailangan Jahz, may binili na ako ung na lang ibigay ninyo. " "Ok ka lang bestsie ang tahimik mo." " Ok lang ako bestsie inanatok lang. itulog ko muna, gisingin mo na lang ako pag andoon na tayo." "Sige bestsie, para may energy ka. maliligo tayo sa dagat mamaya." "Jahz ayos lang ba sa iyo na mag stay sa resort.?" si John. "Ok lang sa akin John, huwag kang mag alala, sa tabing dagat kami nakatira." " Ganoon ba ang dami ko pa lang hindi alam tungkol sa iyo Jahz." " Ayos lang iyon John hindi mo naman dapat alamin lahat tungkol sa akin eh" "Sorry Jahz kung nagiging pakialamero na ako sa buhay mo." "Hindi kita maintindihan John, ano ba ang ibig mong sabihin.?" ",Wala huwag mo na lang pansinin yon Jahz." "Andoon na ba mga parents at bisita ninyo John." " Yong iba madadatnan na natin doon. Sila Mommy at Daddy bukas pa sila darating." Nakarating na.kami sa destinasyon namin. Ang ganda at presko ang hangin dito. lumabas na kami sa kotse, At. may sumalubong sa amin na. dalawang lalake. "Hi bro napaaga yata kayo," boy 1 "Akala namin bukas pa kayo darating kasama nila tita at tito?" boy 2 " Ladies mga pinsan ko, si Jerome at Patrick. Pinsan sila Jahzara at Carol freind ko." si John Lloyd " Nice meeting both of you ladies," si Jerome at Patrick. Makikipag kamay sana sila sa amin. " Hands off Pinsan. Tayo na ladies, ihahatid ko na kayo sa room ninyo. Babalik ako pinsan." si Lloyd. Iniwan na namin sina Jerome at Patrick at patungu na kami sa kwarto daw na gagamitin namin ni Cathy. "Ladies ito ang room ninyo, ok lang ba sa inyo?" si Lloyd. "Ok na ok ito para sa amin John Lloyd." si Cathy "Kung may kailangan kayo ay magsabi lang kayo sa akin. nasa tapat lang ng roon ninyo ang room ko" si Lloyd "Maraming salamat John. ok lang kami ni Carol." " Pwede kayong magpahinga muna o maglakad lakad sa tabing dagat. depende sa gusto ninyo. Huwag muna kayong maliligo, hintayin ninyo ako at sabay tayo." "Ok thanks John Lloyd, see you around" si Cathy. "Ok see around, just tell or call me if you need anything." si Lloyd. Nagising ako ng may kumakatok sa pinto. Bumangon ako at binuksan ko ang pinto. " Sorry po ma'am kung nadistorbo ko ang pamamahinga ninyo. " "Ok lang bakit, may kailangan po ba kayo?" tanong ko. "Wala naman po ma'am. Pinatatawag lang po kayo ni sir John Lloyd" "Sige susunod na kami, salamat po." Kaya ginising ko na si Cathy. "Bestsie gising na, pinatatawag na tayo ni John" "Mamya na bestsie, inaantok pa ako" si Cathy na nakapikip pa ang mga mata. " Bestsie ano ba nagpunta tayo dito para mag enjoy hindi matulog." " Oo na eto na babangon na. atak ka lang na makita ang future husband mo." pagkasabi ni Cathy yon ay tumakbo na siya puntang banyo na tawa ng tawa. " Ano ba ang pinagsasabi mo ha Cathy, " " Kung ano yong narinig mo, halata naman n gusto ka niya." "Gutom lang yan kung ano ano na ang pumamasok sa isip mo Cathy." "Tandaan mo ito Jahzara na balang araw magiging kayo ni John Lloyd" At tinignan niya ako daretso sa mata. "Cathy boyfriend siya ni Carol." "Yon na nga eh Jahzara pero ang mga kinikikos niya ay mas mahalaga ka pa kay Carol. Manhid ka ba. Kung gusto mong hindi kayo magkasira ni Carol. Habang maaga pa ay layoan mo na si John Lloyd." Napa tulalà ako sa sinabi niya "Tayo na nga, naguguluhan ako sa pinagsasabi mo. Hindi kita maintindihan." buksan ko sana ang pinto pero hinila niya ako. " Pag isipan mo mabuti ang mga sinabi ko sa iyo Jahzara. at tandaan mo andito lang ako nakasuporta sayo. kung ano man ang magiging problema mo Bestsie." Binuksan na niya ang pinto at hinila na niya ako palabas, Nakasalubong namin yong babae na kumatok kanina sa room namin. "Andito na pala kayo ma'am, halina kayo at ihahatid ko kayo sa kunaroroon nila sir John Lloyd." " Salamat po." sabay namin sabi ni Cathy. At sumunod na kami. "Ako nga pala si Rita isa ako sa nagtratrabaho dito." "Salamat Rita, ako si Cathy at siya naman si Jahzara, kaibigan kami n John Lloyd" "Ah ganoon ba akala ko naman ay isa sa inyo ang girlfriend ni sir John Lloyd. Ngayon lang siya nagdala ng babae dito." At tininignan niya ako mula paa hanggang ulo. "Nasa America ang girlfriend niya. Rita kaya hindi niya pa madala rito." Nakarating na kani sa kinaroroon nan nila. "Aalis na po ako sir Lloyd. Jahzara ,Cathy mauna na ako." si Rita sabay talikod. "Rita dito ka muna samahan mo kami" si Patrick "May gagawin pa ako doon sir Patrick." si Rita "Hayaan mo na lang sila na ang gagawa." si Jerome. "Hindi naman pwede ng ganoon sir Jerome. na ipasa ko sa iba ang trabaho ko." si Rita. " Samahan mo na kami dito Rita." si John Lloyd. "Ok sir sabi mo eh, kaw kasi nag papasahod kaya kaw susundin ko" " Kain muna tayo bago maligo. Maronong ba kayong lumagoy. kung hindi willing ako na turuan kayo." si Patrick." " Dapat naka swimsuit kayo kasama ka Rita. kung hindi pa ay magpalit muna kayo." si Jerome. "Kung ganoon ay balik muna kami doon para magpalit". si Cathy. "Mamaya na kayo magpalit kain muna kayo" si Lloyd. sabay abot ang tatlong stick ng chicken bbq.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD