Kulang parin Pawis na pawis ako habang pilit binibigay ang lahat para mailabas ang anak namin. Halos malagutan na ako ng hininga dahil nahihirapan lumabas si baby, tyempo sa paghihirap ng pag labor ko. Kanina sa company, pumutok ang palatubigan ko kaya habang nasa biyahe kami ay natuyo ang lalabasan ni baby kaya ngayon ay nahihirapan akong ilabas siya. "Estrecia one more please, the baby is near." Ani doctor. Kumapit ako ng mahigpit sa bakal ng higaan ko, nangingilid na ang luha ko dahil sa sobrang lakas na binibigay. Ang hirap pala manganak, ang hirap umire at ibigay ang lahat para mailabas ang bata. "Ahhhhhh oh God please ahhhhhh.." sigaw ko habang umiire. Napapikit ako ng naramdaman kong may lumabas sa puwerta ko. It's my baby. Kahit pawisin tinatagan ko ang loob para ngumiti. Nar

