Tumakbo Dalawang araw. Dalawang araw na akong balisa, wala sa sarili at palaging tulala. Dalawang araw ko nang iniisip kung ano na nga ba ang nangyari sa kanila, kung magpapakasal na ba sila. Bwesit dalawang araw na din akong nagmamakaawa sa panginoon na sana sa akin siya umuwi at kami ang piliin niya. Kasi kahit anong pagtataksil ang gawin, alam kong sa sarili ko na tatanggapin ko parin siya. Hindi ko lang siya mahal, nakatatak na siya sa isip at puso ko. Habang buhay ko nang dadalhin ang alaala sa kanya. Kahit ang masasakit na pangyayari sa amin noon, basta siya ang kasama ko kayang maibalik lahat. Tama nga bang umalis ako? Tama nga bang tinakbuhan ko na naman siya? Pero kasi kahit anong gawin ko bakit kulang parin ako. Bakit hindi kami sapat ng anak niya para kami ang piliin niya.

