Cassiopeia's P.O.V "P-Please stop calling me Mrs. Silvius, Gareth." Saad ko dito dahil pansin kong kanina niya pa ako tinatawag ng ganoon. "Oh I'm sorry Miss Cassiopeia, let's go inside.", Gareth said. Parang doon lang naman ako natauhan. Nakatayo lang kasi kami dito sa labas. Nauna naman itong pumasok at sumunod na ako. Hindi ko akalaing pagkatapos ng maraming taon ay babalik ulit ako sa bahay na toh. Akala ko iba na ang bahay ni Jion. Hindi ko akalaing dito pa rin pala siya nakatira. "Miss Peia? Kayo ba yan?" Napatingin naman ako sa tumawag sa pangalan ko. "Manang Lourdes..." Hindi ko naman napigilang hindi siya yakapin. Si Manang Lourdes ang mayordoma ng mansion nang nakatira pa ako rito. She's been good to me when I was living here. She's the one who took care of me in here. "

