Caeden's P.O.V "Caeden anak, kumusta na ang kalagayan ng kompanya, ayos lang ba?" Hindi naman kaagad ako nakasagot sa tanong na iyon ni daddy. With his condition, I can't tell him the real condition of the company. "Ayos lang dad.", sagot ko na lang. I can't afford to lose my father lalo na pag nalaman niya lahat ng nangyayari. Alam kong hindi ko maitatago ng matagal ang totoong kalagayan ng kompanya kaya kailangang maayos na yung problema. Hindi niya dapat malaman ang masamang kalagayan ng kompanya. Dugo't pawis ng daddy ko yung kompanya kaya alam kong hindi niya kakayanin pag nalaman niyang pabagsak na iyon. "E yung kapatid mo, nakumbinsi mo na ba siyang bumalik sa atin?", he asked. Napakuyom naman ang kamay ko sa tanong na iyon ni dad. "Bakit kailangan pa natin siyang pilitin na bu

