Cassiopeia's POV Pagka-park na pagka-park ko pa lang sa kotse ko ay agad na lumabas si Jion. Bilis naman non? Hindi ko pa nga natatanggal yung susi sa saksakan nakalabas na agad siya. Hayaan na nga lang baka may gagawin pa siyang importante. Inabala ko nalang yung sarili ko sa pagkuha nung bag at mga libro ko. "Jion!" sigaw ko. Nagulat naman ako sa kanya. Bubuksan ko na kasi sana yung pintuan nung makita kong nakabukas na ito at nakalahad na yung kamay ni Jion sa akin. "Akala ko umalis ka na." sabi ko sa kanya. Habang hinahawakan yung kamay niya. "Careful." sabi nito at napangiti naman ako. Kinuha na din niya yung mga gamit ko at hinawakan sa isa niyang kamay. Habang yung isa naman ay nakahawak na sa kamay ko. "Hold the hem of your dress kapag lalabas ka na." sabi nito sa ma-awt

