Chapter 19

2017 Words
Pinilit kong imulat ang mga mata ko kahit sobrang hapdi nito, napakaliwanag ng paligid. Ilang saglit pa ay tumayo ako kahit nakakaramdam ng kaunting pagkirot sa ulo. Patuloy pa rin ako sa paghikbi.  "Gising ka na pala." Bahagya akong napatingin sa babae na nakatayo malapit sa bintana. Narito ako ngayon sa isang bahay kubo, gawa sa kawayan ang pader pati ang sahig at gawa sa pawid ang bubong. "Aling Dina?" Mahina kong tugon dito na ngiti lang ang isinagot. Ibang-iba siya kumpara sa aling Dina na palagi kong nakikita sa palengke, malinis ang suot niya at ang ganda niya. "Nasaan po ako ngayon?" Nagtatakang tanong ko rito, wala na akong maalala bukod doon sa pagbuhat sa akin ng isang lalaki. Tumayo ako at lumapit sa kaniya, tatangkain pa sana nito na magsalita matapos bumukas ang pinto at iniluwal nito si Chanchan. Agad itong nagmadali palapit sa akin. "Ayos ka lang ba?" Pag-aalala nitong tanong, umiling ako at napayuko. Muli na namang nagbabadya ang mga luha ko. Gusto kong sabihin na okay lang ako pero hindi, hindi ko na kaya pang lokohin ang sarili ko. "Ano ba ang nangyayari?" Muli kong inangat ang mukha ko at humarap sa kaniya. "Narito ka sa aming lugar, sumunod ka." Utos ni aling Dina habang naglalakad siya palabas, tumingin ako kay Chanchan na tumango pa at sinabayan akong sumunod kay aling Dina. Inilibot ko ang paningin sa paligid, payak na pamumuhay ang matatagpuan dito. Ilan lamang ang bahay na gawa rin sa kawayan at pawid na bubong, isang pamumuhay sa probinsya ang makikita mo rito.  Hindi ganoon kaganda ang mga suot at sinunog ng araw ang mga balat ng tao rito. Lahat ay may ginagawa, ang ilan ay nagluluto sa isang malaking kawa, ang iba ay nakapila para mag-igib sa isang balon, may mga iilang bata rin ang nagtatakbuhan. May mga kalalakihan na naghahasa ng mga patalim, may mga lalaki rin ang nagsisibak ng kahoy.  Mula sa mga kalalakihan na nagsisibak ng kahoy ay may isang pumukaw ng atensyon ko. Kung hindi ako nagkakamali, si Marlo iyon. Nakasuot siya ng kulay gray na t-shirt, tagaktak na rin ang pawis nito na tumutulo mula sa noo niya. Bahagya siyang napatigil at tumingin sa kinatatayuan namin, na natili akong walang emosyon habang siya ay seryosong nakatingin sa akin. Maya-maya pa ay kinausap siya ng isang lalaki dahilan para bumalik siya sa ginagawa niya. "Huwag kang mag-alala, ligtas ka sa lugar na ito." Pamutol ni aling Dina sa katahimikan namin. "Kayo na lang muna ni ina ang mag-usap." Nakangiting paalam ni Chanchan. "Sa lugar na ito, magkahalo ang tao at engkanto." Gulat akong napatingin sa kaniya. Ang ibig bang sabihin ang ilan dito ay engkanto? "Tago ang lugar na ito kaya hindi lahat ay nakakapunta rito, may mga nagbabantay sa daan para harangin ang mga hindi kasapi. Kahit pa ang mga engkanto ay hindi basta makakapasok sa lugar na ito dahil may mga proteksyon na pumapalibot sa bawat pader." Mahabang paliwanag nito.  Ang ibig sabihin pala hindi  ako masusundan dito ni Inayah? Pero paano ako napadpad sa lugar na ito? "Ang tanging kayang makapasok dito ay ang may suot na lubid ng buhay na nasa kanang bahagi ng iyong kamay." Matapos niya itong sabihin ay tiningnan ko ang bracelet na ibinigay sa akin noon ni lolo. Tumingin ako sa paligid at ang ilan sa mga ito ay may ganitong suot. Marahil sila ang mga engkanto sa lugar na ito o may mga lahing engkanto. "Kaibigan ko si Sandra bago pa siya napangasawa ng iyong ama. Alam niya ang lugar na ito dahil kami mismo ang bumuo nito. Pero bago kami lumipat dito ng aking asawa na isang engkanto ay napigil ito dahil kinuha agad sila kasama ang mga anak ko. Marami ka pang hindi alam tungkol sa buong pagkatao mo, Caralina." Na natili akong nakatitig sa kaniya habang gulong-gulo ang isipan.  "Hayaan mo, may taong magpapaliwanag sa 'yo ng lahat." Nakita kong ibinaling niya ang kaniyang paningin sa isang gilid at sinundan ko ng tingin ito. Nanlaki ang mga mata kong tinitigan ang isang lalaki sa hindi kalayuan. Nakatingin din ito sa amin. "Eliezer." Bulong ko pa sa sarili habang patuloy pa rin ang mabilis na t***k ng puso ko, hindi ko alam pero may kakaiba akong pakiramdam sa taong ito. Pakiramdam na sa mga taong kilala ko lang nararamdaman, parang may kung ano ang nag-uugnay sa aming dalawa.  "Sa ngayon, samahan mo muna ang mga kaibigan mo. Kanina pa sila nag-aantay sa 'yo." Sabay turo nito kung saan nakatayo sila Chanchan, Gino at Angie.  Agad akong napatakbo sa kanila at sinunggaban ng yakap si Angie. Mahigpit na mahigpit ang pagkakayakap ko rito, yakap na nakakawala ng sakit na nadarama ko. "Girl, hindi ako makahinga." Angal nito, bahagya akong natawa at kumawala ng yakap. "Nakakainis kayo! Kailan niyo pa nalaman?" Pag-iinarte ko sa kanila at humalukipkip pa. "Ako nalaman ko kahapon lang," saad ni Angie na may pataas ng kamay na parang sumusuko. "Hindi na mahalaga iyon, basta dito ka lang palagi sa tabi namin." Sabay pisil sa pisngi ko ni Chanchan, agad ko naman itong niyakap na sinundan ni Angie at Gino. Napapikit ako at dinarama ang mga yakap nila. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at sandaling napatigil ng makita si Marlo sa tapat namin.  Matapos nilang kumawala sa pagkakayakap sa akin ay agad silang umalis, pinigilan ko pa sila pero itinulak nila ako palapit kay Marlo. Hanggang dito patuloy pa rin nila akong tinutukso kay Marlo. "Umupo tayo." Pag-aaya nito na inirapan ko lang. Andito kami ngayon sa isang gilid habang ang iba ay abala pa rin sa kani-kanilang gawain. May mga upuan dito sa gilid na gawa rin sa kawayan, ang ganda nga, e. "Pasensya ka na sa mga nasabi ko sa 'yo noon?" Mahina nitong saad na deretsyo pa ring nakatingin sa akin. Oo nga pala, naalala ko na naman. Dapat galit ako sa kaniyan, pero bakit hindi ko maramdaman? Mabilis ba akong magpatawad? O ganoon talaga kalalim ang pagmamahal ko sa kaniya? "Sa katunayan, nasabi ko iyon dahil..." Hindi na niya natapos ang pagpapaliwanag nang biglang may isang babae ang lumapit sa kaniya.  Morena ang kulay ng balat nito, kulay itim at mahaba rin ang buhok niya. Mapupungay ang mga mata at matangos na ilong, hindi siya gano'n katangkaran. Kung susumahin mas bata siya sa akin ng dalawang taon. So, 19 years old na siya siguro. "Halika na, nakahanda na ang pagkain."  Mabilis namang kumulo ang dugo ko matapos nitong kumapit sa braso ni Marlo. Nakatitig ako sa mga kamay niya habang salubong ang mga kilay. Ibinaling ko ang tingin kay Marlo na mukhang walang alam sa nangyayari. Wala nga ba? O baka naman itong babae na ito na ang bago niyang mahal? Napakababaero talaga nito, sa mas bata pa talaga pumatol. "Ikaw po ba si Caralina?" Malambing na tanong nito. "Ako pala si Tanya." Sabay abot nito ng kamay sa akin, tiningnan ko ito ngunit hindi ako nakipagkamay. Matalim akong tumingin sa kaniya na mukhang nalungkot dahil hindi ko siya inanyayahan. In-erapan ko silang dalawa at padabog na umalis.  Nakakainis! Kung sino-sinong babae na lang, puro pa maaamo ang mukha at mahinahon magsalita ang pinipili niya. E, ano naman sa akin? 'Di ba sinabi niya na nga na hindi niya naman ako mahal? So what? Hindi ko na rin naman siya mamahalin no! Dahil sa kabobohan ko sa kaniya nawalan ako ng pamilya, tapos siya ang lakas ng loob na mambabae? "Aagghhh! KAINIS!" Gigil na sigaw ko habang tuloy-tuloy na hinihila ang mga d**o. Dito ko na lang ibubuhos ang lahat ng galit ko sa sarili ko at sa mga katangahan ko.  "Mukha atang hindi na namin kailangan ng kambing para maubos ang mga d**o rito." Gulat akong napatigil at napatingala sa isang gilid, agad akong napatayo at nagpagpag ng kamay. "E-Eliezar?" Hindi ako natatakot pero hindi ko alam kung bakit nanginginig ako magsalita. Ngumiti ito sa akin, gusto ko sanang itanong kung paano niya ako nakita kahit nasa pinakalikuran na ako, naalala ko kabisado niya nga pala rito. Sa sobrang inis ko napadpad na pala ako rito sa pinakalikod, maraming kawayan dito na parang harang. "Bakit ba inis na inis ka?" Tanong nito na natatawa, napayuko naman ako sa hiya. Bakit kasi siya pa ang nakakita sa akin? Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at hinawakan ako sa baba para iharap sa kaniya. "Wag kang yumuko, sayang ang ganda." Nakangiti nitong saad, agad naman niyang tinanggal ang kamay niya at tumalikod sa akin. "Kumain ka na at magpahinga," sabi nito at humakbang na, pero hinawakan ko siya sa braso para pigilan.  Gusto ko ng malaman pa ang ilang mga bagay na tungkol sa pagkatao ko. Hindi ko na kaya pang palampasin ang pagkakataon. Gusto kong malaman ang tunay na ugnayan namin ni Carolina. Mukha atang alam na niya ang dahilan kung bakit ko siya pinigilan makaalis kaya nauna na itong magsalita. "Sumunod ka sa akin," aya nito na sinunod ko naman.  Naglakad pa kami palayo at dumaan sa mga kawayan. Hindi naman ganoon kahirap dahil nakahawi na ang mga ito. Nasa likuran niya lang ako sumusunod sa kaniya, napansin kong huminto siya kaya lumakad ako palapit pa sa kaniya. Halos malaglag ang panga ko sa nakita ko. Isang napakalawak na palayan at sa gitna nito may isang puno. Napakalaki talaga nito at napakalago ng mga dahon. Ilang segundo rin ang tinagal ng pamamangha ko sa ganda ng tanawin ay humarap na ako kay Eliezer na nakangiting nakatingin sa palayan. "Dito kami unang nagkita ni Carolina, napakaganda niya talaga." Nakangiti nitong saad na may pagkalungkot ang boses. "Nakita ko nga po kung gaano siya kaganda. Ang saklap nga lang po ng kinahantungan niya," sagot ko rito na may malalim na paghinga. "Sobrang tapang mo, nakaya mong harapin ang lahat ng nangyari sa 'yo. Nawala ang mahal mo, maging ang anak niyo." Hindi ko alam pero naluha na lang ako bigla, naalala ko iyong sakit na naramdam niya noon ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Parehas kaming may masaklap na kapalaran. "Hindi naman siya nawala," wika nito.  Mabalis akong nakaramdam ng kaba,  mabilis ang kabog ng dibdib ko. Kahit malamig ang paligid ay tagaktak ang pawis ko. "A-ano pong ibig ninyong sabihin?" Gulat kong tanong dito, humarap siya sa akin at parang may naramdaman akong kung ano. Hindi ito takot, alam ko. "Hindi totoo ang nalalaman mo tungkol kay Carolina. Hindi siya namatay sa sunog, hindi namamatay ang mga engkanto." Matapos niya itong sabihin ay na natili akong tulala sa kaniya. "Ang ibig sabihin ba, sila lola hindi sila namatay?"  Halos matumba ako matapos siyang tumango. Ibig sabihin maaari ko pa silang makasama kapag pumunta ako sa Biringan City?  "Pero hindi na sila maaring makabalik pa sa lupa. Sa oras na mamatay ang katawang ginagamit ng isang engkanto ay mananatili na ito sa lugar nila. Hindi na siya maari pang makabalik sa lupa." Mahabang paliwanag nito. Kung gano'n, ang panaginip ko noon kay Carolina na nasunog siya ay maaring hindi pa iyon ang dulo? Ang anak nila? May anak sila, ibig bang sabihin nasa Biringan din iyon? "Iba ang kaso kay Carolina, naiiba siya kaya kahit na mamatay ang katawang kaniyang ginagamit ay maaari pa rin siyang makabalik sa lupa," paliwanag nito at hinawakan ako sa balikat. "Tulungan mo kami Caralina, tulungan mo kaming mabawi ang mga taong nasa Biringan City." Gulong-gulo akong tumitig sa mga mata nito na nagsusumamo sa akin. "Ang lahat ng narito ay matagal ang hinintay para sa muling pagbubukas ng lagusan patungo sa Biringan City. Ang lahat ng narito ay may mga taong gustong mabawi sa lugar na iyon. Ikaw na lang ang pag-asa namin." Sunod-sunod na wika nito.  Gusto ko, gusto kong makatulong sa kanila. Pero paano kung sa oras na makapasok sila roon ay may masamang mangyari sa kanila?  Isa sa pinagtataka ko, nasaan si Carolina? Bakit noong nasa Biringan City ako hindi ko siya nakita? Bakit walang sinabi sa akin si Inayah? Bakit wala ni isa sa pamilya ko ang nagsabi nito? Sino ang nagsasabi ng totoo? Naguguluhan na ako, maski sarili ko hindi ko alam kung ano pa ang totoo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD