Chapter 20

2252 Words
Maaga akong nagising ngayon dahil sa mga tanong na bumabagabag sa akin. Si Aling Dina at Angie ang kasama ko rito sa loob ng kubo. Katabi ko si Angie, sa sahig kami nakahiga ngayon at may latag na banig. Tumayo ako at napatigil matapos mapansin na wala si aling Dina. Sinipat ko pa si Angie na tulog na tulog talaga. Tumayo ako at pumunta sa pintuan, hindi ito nakalock kaya binuksan ko ito para silipin ang labas. Med'yo maliwanag na rin ang paligid at halatang abala na rin ang iba. Niyakap ko ang sarili dahil sa lamig ng hangin na sumalubong bago ako lumabas. "Maaga pa masyado." Agad akong napatingin sa likuran ko.  "Chanchan." Nakangiti kong bati rito, agad itong lumapit sa akin at inilagay sa balikat ko ang balabal na suot niya kanina. "Para hindi ka lamigin." Tumango ako matapos niya itong sabihin. Inakbayan niya pa ako at lumakad kami papunta roon sa may upuan na gawa sa kawayan. Habang naglalakad kami napansin ko si Marlo habang nag-aayos ng mga kahoy na nasibak nila, nakatingin siya sa amin ni Chanchan.  Agad naman akong tumaliwas ng tingin matapos kaming makarating sa upuan at nasaktuhan pang katapat ng kinauupuan namin si Marlo na ngayon ay nakatingin na sa ginagawa niya. "Kailan mo pa alam?" Tanong ko rito na mukhang alam na kung ano ang ibig kong sabihin. "Matagal na, bago ka pa dumating dito. Nasabi na rin sa akin ni lola Esdang, sorry girl." Sabay yakap nito sa akin na sinagot ko rin ng yakap, matapos namin kumawala ay humiga ako sa balikat nito habang nakakapit sa braso niya. "Thank you. Kahit anong katangahan ko palagi kang nandiyan para sa akin." Kahit anong nangyayari sa akin palagi silang nandiyan sa tabi ko kaya hindi ko na rin makuhang magalit pa sa kanila. "Parehas kami ni Gino na matagal na itong alam, kahit si Marlo alam ito."  Matapos niya itong sabihin ay napatingin ako kay Marlo na abala pa rin sa ginagawa niya. Ibig sabihin simula pa lang noon alam na niya lahat? Kaya pala andoon siya noong panahon na akala ko may party. Ibig sabihin pala ay matagal na talaga niyang alam ang buong pagkatao ko? Pero bakit noong tinanong ko siya kung anong alam niya hindi siya nagsalita? "Hindi namin sinabi sa 'yo ang lahat dahil sa kagustuhan ni lola Esdang, ayaw nilang masira ang mga plano namin noon." Umangat ako ng tingin sa kaniya. "Anong plano?"  "Na sa ligar na ito na kayo titira, ayaw nila magmahal ka dahil baka may maging balakid sa misyong dapat mong gampanan. Ngunit nagbago ito matapos mong mahalin si Marlo," pagpapaliwanag nito. "Pero kami rin ang may dahilan kung bakit kayo nagkalapit ni Marlo, ayaw sana namin kaso kasi si Marlo..."  Na natili pa rin akong nakatingin sa kaniya habang inaantay ang iba pa niyang sasabihin. "Si Marlo kasi matagal ka ng gusto, simula pa lang noong palagi ka naming pinag-uusapan, kung anong kailangan mong gawin. Kahit na hindi ka pa namin nakikita sa personal. Ilang beses ka na rin niyang nakita sa mga picture na pinapakita ni Angie sa amin. Simula noon atat na atat na siyang makita ka, kaya nga wala na siyang pinalampas na oras noong nalaman niyang andito ka na. Alam niya rin ang lahat, alam niya na bawal kang magmahal pero wala e,makulit." Halos gusto ko ng magsisigaw sa sobrang kilig matapos niya itong sabihin pero dapat akong manatiling kalmado lang para naman hindi halata.  Napatingin ako kay Marlo na seryosong nakatingin sa amin. Ibig pa lang sabihin matagal na niya akong gusto? Pero bakit hindi manlang niya sinabi sa akin? "Tapos iyong gabing dapat na itatakas ka niya, ako ang kasama niya noon, dito ka dapat niya dadalhin pero mukhang nag-away kayo. 'wag kang maingay na sinabi ko sa 'yo ha? Baka kasi ayawin ako." Sabay pa kaming natawa matapos niya itong sabihin. Nagtatawanan kaming nakatingin kay Marlo, mukhang naiinis nga si Marlo dahil baka akala niya na pinag-uusapan namin siya. Well, totoo naman talaga. "Kumain na muna tayo." Sabay kaming napatigil at napatingin kay Gino.  Pumunta na rin kami sa kubo at ginising si Angie na tulo laway pa kung matulog. Masarap ang mga pagkain dito, ang mga kababaihan ang nagluluto at talagang napakasarap. Sana all magaling magluto. Adobong manok ang ulam namin, may mga alagang hayop din kasi sila sa lugar na ito at maraming mga tanim. Apat kaming magkakasama ngayon, si Chanchan, Gino, Angie at ako. Napapatawa na ulit ako ni Gino sa mga baduy na joke nito, medyo napanatag na rin kasi ang loob ko dahil nga nakabalik na ng Biringan City sila lola, nalulungkot man ako dahil sa pagka-miss ko sa kanila pero inaalalayan naman ako ng mga kaibigan ko.  Nagtampo si Angie dahil siya ang huling nakaalam tungkol sa pagkatao ko pero agad din naman itong nasuyo ng jowa niya. Naikwento na rin nila ang lahat nang ginawa nila para sa akin at sa misyong gagawin ko. Pero hindi pa rin talaga nila maiwas ang panunukso nila sa akin kay Marlo, kahit wala rito ang tao puro siya ang bukam bibig ng mga kasama ko.  Hindi naman talaga nawala ang pagmamahal ko kay Marlo, siguro nainis ako sa kaniya noon sa mga sinabi niya sa akin pero naiintindihan ko na rin naman ang dahilan niya. Ewan ko ba, ganoon na lang ata talaga kalakas ang tama ko sa taong iyon. Matapos ang tawanan at kwentuhan namin ay tinawag kami ni aling Dina dahil may simpleng kasiyahan daw ngayon, para rin daw sa pagdating ko.  Nalalapit na kasi ang pagbubukas ng portal kaya gusto nilang magkaroon ng kaunting salu-salo. First time ko lang din makapunta sa ganitong kasiyahan kaya talagang nakakatuwa. May isang mahabang lamesa sa ginta na nilagyan ng mga dahon ng saging, nakalapag dito ang kanin na pinatungan ng mga ulam. Hindi ko pa na try ang ganito pero napapanood ko ito sa tv noon. Sabay-sabay kaming kumain at nakakamay, hindi ako marunong kumain ng nakakamay pero tinuruan ako ni Chanchan na katabi ko ngayon. Sa kabilang gilid ko si Gino na katabi ni Angie, nasa tapat ko naman si Marlo pero nanatili pa ring walang pansinan, katabi niya ngayon iyong babae. Tanya ata ang pangalan niya, nakalimutan ko na. Habang kumakain kami sumusulyap ako sa kanila na mukhang enjoy na enjoy kumain. Tumitingin pa iyong babae sa kaniya habang kumakain na tila gustong pati si Marlo ay ulamin. Sumama ang tingin ko sa kanila at gigil na gigil kong hinila iyong isang isda pero mukhang napahigpit ata kaya natusok ako ng tinik, agad akong napasigaw dahil sa sakit. Titingnan ko sana ang kamay ko pero naunahan ako ni Marlo. "Ayos ka lang ba?" Gulat na tanong nito sa akin, medyo OA siya sa part na ito pero hindi ko maikakaila na matapos niyang hawakan ang kamay ko at i-check kung may sugat ba o wala, ay nakaramdam ako ng ilang maninipis na kuryente na dumadaloy sa mga ugat ko. Nanatili siyang nakahawak sa kamay ko habang ako ay nakatitig sa kaniya na hindi alam kung ngunguyain ko ba ang pagkain na nasa bibig ko o lulunukin ko na kaagad.  "Ehem..." Napatigil kami matapos ang matagal naming pagtitigan nang marinig ang boses ni Eliezer, agad kaming napatingin sa mga kasabay namin na ngayon ay nakatingin sa aming dalawa. As in lahat sila nakatingin sa amin na para silang nanonood ng teleserye at nag-aabang ng susunod na mangyayari.  Matapos ko maunawaan ang lahat ng nangyayari ay agad kong hinila ang kamay ko. Napayuko naman si Marlo at muling bumaling sa pagkain. "Busog na ako. Saan ba naghuhugas ng kamay?" Bulong ko kay Chanchan. Itinuro niya naman ako doon sa isang balon. Lumakad na ako papunta roon. Ilang segundo rin akong nakatingin dahil hindi ko alam kung paano ito gamitin.  Ngayon lang kasi ako nakakita ng ganito at hindi ko alam kung paano ako kukuha ng tubig mula sa ibaba. Ayoko naman makaistorbo sa kanila dahil mukhang dinadama nila ang pagkain. "Hindi aakyat ang tubig pataas kung tititigan mo lang iyan." Halos mapatalon naman ako sa gulat matapos marinig ang boses ng isang lalaki mula sa likuran ko. Hindi ko na kailangan pang tingnan kung sino ito dahil kilalang-kilala ko kung kaninong boses iyon. Lumakad ito palapit sa akin at may kinuha sa isang gilid, may mahabang kawayan at sa dulo nito ay may nakataling balde na hindi ganoon kalakihan. Ito ang ginamit niya para makakuha ng tubig na ilalagay sa baldeng nasa harapan ko. Nanatili akong nakatingin sa kaniya habang ginagawa ito at hindi ko maiwasan ang mapangiti.  "B-bakit ganiyan ka ngumiti?" Agad ko naman binawi ang ngiti matapos nitong punahin, yumuko ako sa balde at inilubog ang kamay ko para hugasan, maya-maya ay umupo rin siya at inilublob ang kamay niya.  Aalisin ko na sana ang kamay ko matapos kong maramdaman ang paghigit niya mula sa tubig. Nakasawsaw ang mga kamay namin pareho sa tubig, mahigpit niya itong hawak habang ako ay pilit na iniiwasan ang tingin niyang kanina pa ako tinutunaw. Gusto kong magsalit o magreklamo sa kanina niya pang ginagawa pero hindi ko kaya. Ayoko siyang pigilan. "Carali-" Hindi na siya natapos sa pagbanggit ng pangalan ko ng biglang may sumawsaw sa balde, sabay kaming napatingin at agad kaming napaatras at mabilis na nagbitaw ang mga kamay namin na kanina pa magkahawak. Bakit bigla-bigla namang nakikisawsaw itong si Eliezer? HAYST! Lainis ha, kanina pa siya. Umirap ako at agad na umalis doon. Nagtungo ako kila Chanchan, at mukhang tapos na rin silang maghugas ng kamay.  Dinala nila ako sa isang parang maliit na entablado, mukha atang may kantahang magaganap ngayon. Umupo kami sa ikatlong halera. May mga upuan kasi rito na pahaba, gawa rin ito sa kawayan.  Muli kong ibinaling ang paningin sa harapan, may drum set doon pero gawa sa lata at plastic container. Medyo naastigan lang ako dahil nakaisip sila ng ganitong paraan para libangin ang sarili nila. Masaya rin pala ano? Na sa mga simpleng tao mo makikita na kahit anong mangyari makakahanap sila ng paraan para maging masaya. Nakakatuwa lang talaga isipin kung gaano sila kagaling para lumikha ng ganito. Matapos makapunta ang lahat at nakaayos na ng upo ay umakyat na iyong isang lalaki at pumwesto roon sa may drum set. May isa pang upuan sa harap at mukhang doon uupo ang kakanta sa oras na ito.  Apat kaming nakaupo sa isang halera, katabi ko si Chanchan at Angie, si Gino naman sa dulo katabi ni Angie. Maya-maya pa ay dumating na ang kakanta bitbit nito ang gitara. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Kumakanta pala si Marlo?  Nanatili akong tulala sa kaniya habang busy siya sa pag-check ng gitara niya. "Go Marlo!" Agad nagbago ang mood ko matapos marinig ang sigaw ni Tanya na ngayon ay nasa harapan ni Marlo. Pero kailangan ko mag-enjoy kaya ibinaling ko na lang kay Marlo ang paningin ko. Agad na kumawala ang malakas na t***k ng puso ko matapos itong ngumiti sa akin, ngayon ay tanaw na tanaw ko ang dimple nito na kay tagal ko ng hindi nakikita, mas maaliwalas ang mukha niya ngayon at hindi ko maikakaila ang gwapo niyang mukha.  "Gandang ngiti, ah." Pilit ko namang itinago ang mga ngiti ko matapos ang panunukso ni Angie, hindi ko namalayan na nadala ako ni Marlo ng mga pamatay niyang ngiti. "Nararamdaman kong umuulan ngayon ng mga puso." Panggatong pa ni Chanchan na mahina kong siniko para tumigil. Muli kaming nagfocus sa harap, nagsimula na silang tumugtog. Nanahimik kong mundo Bigla mong binagyo Tulog na damdamin Binulabog at ginising Kay daming pagkakataon Bakit ngayon lang? Ngayon ka lang dumating At anong ibig sabihin? Ngayon hindi ko na napigilan ang pagngiti ko, napakalamig ng boses niya. Ngayon ko lang siya narinig kumanta pero masasabi kong. Wow! GRABE! Kung sa tawag ng tanghalan ito sasali baka pati ang mga judges ay ma-inlove sa taong ito. Wala na, ang pag-iinarte ko ay tapos na. Ang hirap maging marupok. Ng panaginip kong lumilipad ako kasama ka Nakikipaglaro ang buwan at araw sa'ting dalawa Ang sabi ng langit, sa isang saglit Ang puso ko'y sinagip mo sa dilim Hindi maalis ang tingin ko sa kaniya na habang kumakanta ay sa akin din naka-focus ang mga mata. Para akong nasa isang movie at itong lalaking ito ang leading man ko. Parang naglalaho ang paligid at tanging siya lang at ako ang naiwan. Kahit madilim ang paligid ay nagliliwanag ito na tila may spotlight na nakatutok sa kaniya.  Sa bawat pagtama ng aming mga mata, nararamdaman ko ang pagwawala ng puso ko at sa mga mata nito hinahatiran ako ng kakaibang kuryente na dumadaloy sa buo kong katawan.  Hanggang kailan kaya ito 'Yan ang mahiwagang tanong Alam mo ba'ng sagot Ikaw na nga ba ang gamot Kay daming pagkakataon Bakit ngayon lang? Ngayon ka lang dumating At anong ibig sabihin? Ng panaginip kong lumilipad ako kasama ka Nakikipaglaro ang buwan at araw sa'ting dalawa Ang sabi ng langit, sa isang saglit Ang puso ko'y sinagip mo sa dilim Para akong idinuduyan sa boses nitong mala-anghel. Sa pagkakataong ito, hindi ko na maikakaila o maitatago pa. Muli na naman akong nagpahulog sa kasalanang ito, mas malakas ang loob ko ngayon kumpara noon. Kaya ko ng magpakalunod sa sumpa ng pag-ibig na ito, kaya kong mangapa sa dilim pero hindi ko na kaya pang pigilan ang damdamin ko para sa lalaking ito.  Matagal na akong baliw sa kasalanang ito, bakit hindi ko na lang damahin? Dahil sa bawat pagpigil ko mas lalo nitong gustong sumabog. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD