Payapa ang naging tulog ko kagabi, hindi ko alam kung bakit pati sa paggising ko nakangiti pa rin ako. Sobrang gaan ng pakiramdam ko ngayon. "Ganda ata ng tulog, ah?" May panunuksong saad ni Angie, wala ako sa mood ng pagsusungit ngayon kaya lalo ko siya nginitian habang sabay-sabay kaming kumakain. Ang lakas ng impact ng boses ni Marlo sa akin, feel ko hanggang sa panaginip ko talagang naririnig ko ang boses niya at para akong hinaharana. Ibang klase na talaga ang tama ko sa isang iyon. Kumakain kaming lahat sa isang mahabang lamesa, tumingin ako kay Marlo na nasa dulo pero agad akong umiwas ng makitang nakatingin na siya sa akin. Kainis! Bakit ba hindi na ako naiinis sa kaniya. Ugh! Nababaliw na naman ako sa mga tingin niya. Matapos namin kumain ay sumama ako kay Angie, para maghuga

