Carolina's point of view Sa muling pagbubukas ng lagusan patungo sa mundo ng mga mortal ay tuwang-tuwa kaming lumabas ni Inayah. Sa pagkakataong ito ay maaari kaming mamalagi sa mundo ng mga tao kasama ang iba pang katulad namin. "Carolina, kung nais mong pumasyal mamaya sa bayan upang makilahok sa kasiyahan ay papayagan kita." Nakangiting saad ni Esdang, matagal na rin siyang namamalagi sa lupa kasama ang kaniyang asawa na si Antonio, kaya sa tuwaing dadalaw kami sa mundo ng mga mortal ay dito kami namamalagi sa kanilang munting tahanan. Sumapit na ang dapit hapon, kasama ko si Inayah na nagpunta sa bayan upang makilahok sa pista. Lahat dito ay magaganda ang suot. Ang paligid ay may harang na gawa sa dahon ng niyog na nilagyan ng mga palamuti, may mga makukulay ring ilaw. Talagang na

