Chapter 8

1931 Words
Alas-otso na ng gabi pero hindi pa rin ako makakatulog, patuloy ko pa ring tinitingnan ang bracelet. Ano kayang kinalaman nito? Sobrang dami ng bumabagabag sa akin, hindi ko na alam kung ano pa ba ang totoo. Ibinaba ko ang kamay ko at pumikit, muli kong pinilit ang sarili kong matulog. Napakasaya ng paligid na tila walang hirap at sakit ang nadarama ng bawat isa. "Carolina, maari ba tayong mag-usap?" Pag-aaya ni Inayah na pinagbigyan naman ni Carolina. "Alam mong mali sa atin ang mag mahal ng hindi natin kauri." Halata sa mukha ni Carolina ang pagkalungkot. "Hindi mo maaring marandaman iyan Carolina, mapapahamak ka lang sa kamay ng mortal na iyon." May pag-aalalang tugon ni Inayah. "Alam ko, ngunit desedido na ako sa aking gagawin." Buong lakas ng loob na saad ni Carolina. "Mapanlinlang ang pag-ibig ng mga mortal, nauunawaan ko ang kaligayahan mo ngunit hindi pa rin ako kampante sa binabalak mo."  Ngumiti si Carolina na tila sigurado na siya sa binabalak niya, niyakap na lamang siya ni Inayah nang mahigpit. "Sana'y totoong pag-ibig ang mamutawi sa inyong dalawa." Mga katagang huling sinabi nito sa kaniya. Masayang namuhay si Carolina at Eliezer bilang isang normal na pamilya sa malayong bayan, ang pag-ibig na kanilang pinagsasaluhan ay walang hangganan. Ngunit dumating ang isang trahedya sa kanilang buhay.  Kapapanganak pa lang ni Carolina ng bigla silang sugurin ng mga tao, wala si Eliezer kung kaya't si Carolina lamang at ang kanilang anak ang naiwan. Sinunog ng mga ito ang bahay, nagmamakaawa si Carolina sa mga ito na kahit ang anak na lang nila ang iligtas dahil wala itong kasalanan. Ngunit matigas ang puso ng mga tao kaya't hinayaan nilang lamunin ng sunog ang mag-ina. Kalahating bahay na ang nasusunog nang dumating si Eliezer, pinigilan siya ng mga tao pero pinilit niya pa rin ang makapasok. Ngunit huli na ang lahat dahil nilamon na ng apoy ang kaniyang mag-ina. May isang lalaki mula sa likuran nito ang humila kay Eliezer para ilayo ito sa mahuhulog na kahoy ngunit hindi siya nakaiwas at nasunog ang kalahati ng mukha nito.  "Caralina!" Napabangon ako bigla sa malakas na pagyugyog sa akin ni lola, habol ako pa paghinga at pawis na pawis. Nakita ko si lolo na nakatayo malapit sa bintana. "Lola." Agad akong lumapit kay lola at umiyak dito, hinagod niya naman ang likuran ko para patahanin ako. "Bakit ka umiiyak apo?" Mahinahon nitong tanong bago ako kumawala sa pagkakayakap niya sa akin. "Masama lang po ang panaginip ko." Sabay punas ng mukha ko, tiningnan ko si lolo na malayo pa rin ang tingin. Ala-sais na ng umaga kaya hindi na rin ako natulog.  Maagang umalis si lola kaya kami lang ngayon ni lolo ang naiwan. "Si Inayah po ba kilala niyo?" Mahinahon kong tanong kay lolo pero hindi siya kumibo, patuloy pa rin siya sa pagbabasa ng dyaryo. "Ang weird po ng mga panaginip ko nitong mga nakaraan, hindi ko po alam kung bakit ko napapanaginipan si Carolina at Eliezer." Gulong-gulo na talaga ako.  Napansin ko ang mahigpit na hawak ni lolo sa binabasa niya pero na nanatili pa rin siyang tahimik. "Ako po b–" Hindi na ako natapos ng may kumatok sa pinto, agad akong napatayo para buksan ito. "G-Gabbi." Masaya kong salubong dito at med'yo gulat din. "Papasukin mo ang iyong bisita apo." Napalingon ako sa kinauupuan ni lolo. "Tara." Pag-aaya ko rito. Nagmano pa siya kay lolo bago umupo. Na-miss ko rin itong tao na ito dahil sa tagal niyang hindi nagpakita sa akin. Miss ko siya as a friend, para malinaw. Sa bahay siya nag-almusal, matapos nito ay ipinagpaalam niya ako kay lolo para maggala sa bayan. Maiiwan si lolo sa bahay dahil wala rin daw siyang pupuntahan ngayon.  "Kamusta naman ang pagbalik sa Manila?" Napangiti siya sa tanong ko, hindi ko alam kung bakit parang kanina pa siya tahimik. Baka napagod sa byahe niya. "Na-miss kita." Mahina naman akong natawa sa sinabi nito. "Ako rin, lalo ka ngang naging gwapo, e." Biro ko pa rito. Natawa na lang din siya sa sinabi ko. "Matagal na akong gwapo." Pagkunot pa ng kaniyang noo at hinagod ang buhok. "Baliw." Natatawang saad ko at hinampas ang matigas niyang braso. Patuloy kaming naglalakad habang nagtatawanan. Masaya maging kaibigan ni Gabbi, sobrang komportable kausap at makipagtawanan. "Caralina..." Napahinto ako dahil huminto rin siya sa paglalakad, humarap siya sa akin at kinuha ang isa kong kamay. "G-gusto kita Caralina, kung okay lang sa 'yo na ligawan ka?"  Nanlaki ang mga mata ko sa tanong nito, hindi ito ang first time ko na may mag-confess. Madali ako magsabi ng hindi pero sa taong ito nahihirapan ako, alam kong hindi ko siya gusto pero alam ko rin na masasaktan siya at ayoko na mangyari iyon. "Alam ko masyadong mabilis, hahayaan kitang pag-isipan ito. Mag-aantay ako kahit gaano pa katagal." Napakunot ako ng noo, malawak pa rin ang ngiti ni Gabbi.  Mabigla naman ako ng hilahin ako nito para yakapin. Nang-aalangan pa akong bumawi ng yakap sa kaniya. Napapikit ako, hindi ko alam kung bakit ako natatakot. Alam ko naman na ipinagbabawal nila sa akin ang magmahal pero alam ko sa sarili ko na kahit anong gawin ko hindi ko kayang ibigay ang pagmamahal na iyon kay Gabbi. "Maraming salamat, Caralina." Bumitaw na ito sa pagkakayakap sa akin at muli kaming naglakad.  Sa hindi kalayuan nakita ko si Marlo na kasama si Yuna, nakita kong busy si Yuna sa pagpili ng mga damit samantalang si Marlo ay seryosong nakatingin sa akin. Malamang ay nakita niya ang kaganapan kanina. Tahimik lang ako habang si Gabbi ay nagkukwento tungkol sa buhay niya, gusto niya na isama ako sa susunod niyang vlog pero tumanggi ako kaya hindi na rin siya nagpumilit.  Narito kaming muli sa bilihan ng halo-halo sa bayan, simula kasi nang matikman niya ito ay naging favorite na niya, naaalala niya rin daw ako sa tuwing kumakain siya ng halo-halo. Masarap talaga ang halo-halo rito sobrang daming sahog, may leche flan at ube pa sa ibabaw. Maraming gatas din at swak sa panahon, mare-refresh ka talaga. "Hi, Caralina." Pasubo na sana ako nang biglang lumapit sa akin si Yuna. "Y-Yuna." Gulat kong tugon dito, niyakap niya naman ako na binawian ko. Apakaplastic ko sa part na ito. "Kilala mo ako?" Tanong ko rito, nakatayo siya sa gilid ko samantalang si Marlo ay nakatayo sa likuran niya. "Oo naalala kita noon sa bahay, si Chanchan din naikwento ka sa akin." Napatango naman ako sa sinabi niya. "Oo nga pala si Marlo." Sabay hila nito palapit sa amin, ngumiti ito ng manipis. Inirapan ko siya at ibinaling ang mata kay Gabbi. "Date niyo rin ba? Dito na lang tayo sa iisang table." Tatanggi pa sana ako sa alok ni Gabbi sa kanila pero agad siyang lumipat sa tabi ko, umupo naman agad sila Yuna at Marlo sa harapan. Katapat ko ngayon si Marlo na deretsyong nakatingin sa akin.  Malamig naman ang paligid at ang kinakain ko pero bakit ako naiinitan? Limitado ang galaw ko dahil alam kong kanina pa ako tinitingnan ni Marlo. "Ayan dumating na ang order." Masiglang wika ni Gabbi, natawa naman ako ng bahagya sa dami ng order niya. Street foods ito pero ang dami niyang binili, lahat na ata ng binibenta ni manong ay kinuha na niya. "Ang dami." Pamamangha ni Yuna. "Kayang ubusin 'yan ni Caralina." Natatawang saad ni Gabbi, mahina ko naman siyang hinampas sa braso, agad naman akong napatingin kay Marlo na ngayon ay masama na ang tingin. Problema kaya nito?  "Ibang klase ka Caralina." Pamamangha pa ni Yuna, napayuko naman ako matapos niya itong sabihin. Nahihiya ako sa kaniya kasi ito lang ang maipagmamalaki ko, samantalang siya sobrang dami.  Nagsimula na kaming kumain, mahinhin kumain si Yuna, samantalang ako parang tambay sa kanto. Sanay na sa akin si Gabbi kaya palagi siyang natatawa, basta sobrang komportable na kami sa isa't isa. "Binibini pero kung kumain daig pa ang ginoo." Biro pa ni Gabbi. Narinig ko naman ang mahinhin na tawa ni Yuna. "Gusto niyo ba mag-camping?" Napatigil ako sa pag-aaya ni Gabbi. "Isama natin si Gino at Angie." Tuwang tugon ni Yuna, napasulyap pa ako kay Marlo na busy sa pagkain. "Para naman maipasyal ko si Caralina." Nagulat ako ng hawakan niya ako sa baba at iharap sa kaniya, napangiti ako at agad na inalis ang kamay nito sa baba ko. Napatingin ulit ako kay Marlo na mukhang naiirita, nginitian ko siya sabay balik sa pagkain. "Ang tahimik mo naman pala Marlo." pag-puna ni Gabbi. "Ang mga salita ko ay para lang sa mga piling tao," wika nito na sa akin nakatingin. So? Ano naman? Edi kay Yuna na siya palaging nagsasalita. "Ganiyan talaga siya, mga bata pa lang kami alam na iyan nila Angie," dagdag pa ni Yuna. "Close na close kayo 'no? Mag-jowa na kayo?" Napayuko naman si Yuna sa tanong ko. Halatang namumula siya. Halata ito dahil sa maputi siya. "S-sorry mali ata ang tanong ko." Wala kasi ni isa sa kanila ang sumagot. Dahil sa hiya naisubo ko iyong isang buong lumpiang gulay, hindi ko naalala na bagong luto pala ito. Shet ang init. "Tub–eg–" Natataranta kong pagpay-pay sa bibig ko, nagulat ako nang sabay silang nag-abot sa akin ng baso. Ugh! Pati ba naman sa pipiliin kong baso pahihirapan pa nila akong papiliin? Napatingin ako kay Marlo na nag-aalala pero napalitan ng pagkadismaya nang kay Gabbi ang kunin kong baso.  "Kaluluto lang niyan e, ayos ka lang ba?" Pag-aalalang hinagod nito ang likod ko, napatango ako rito at isinandal ang ulo ko sa dibdib niya.  "Grabe! Pinakaba mo ako Caralina." Natawa ako sa pahawak sa dibdib ni Yuna, ang ganda niya talaga. Napakasimple, walang duda na siya ang gusto ni Marlo. Nanatiling tahimik si Marlo, habang pinag-uusapan namin ang balak nilang outing bukas na bukas agad. Isasama si Angie at Gino para raw payagan ako, nag-suggest din ako na isama si Chanchan para naman may kwela kaming kasama. Nauna ng umalis sila Yuna at Marlo, tutal si Gabbi ang maghahatid sa akin kaya sinulit ko ng ubusin ang binili niya.  "Ibang klase ka talaga, kaya hindi ko mapigilan ang magkagusto sa 'yo." Napatigil ako sa sinabi ni Gabbi. "T-tara na?" Atat na pag-aaya ko rito. Hirap naman nito, bakit kasi kailangan pa niya akong ligawan? Hindi ba pwede na tropa nalang kami? Tropa forever? Namasyal muna kami sa mga bilihan ng mga keycahin. Balak niya sana akong bilihan pero tumanggi ako, hindi ako mahilig sa keycahin at ayaw na ayaw ko ang may palawit sa bag ko. "Alam mo tutal parehas naman tayo na taga Maynila." Napatigil ako nang tumigil siya sa paglalakad. "Baka pwedeng Maytayo naman?" Saglit ko pang inisip ang sinabi niya. Hindi ko mapigilan ang matawa. Grabe sobrang corny niya bumanat. "A-anong nakakatawa?" Nakakunot na noong tanong nito, huminga muna ako ng malalim saka umiling.  Sinimulan ko na maglakad ng mapako ang paningin ko sa isang familiar na mukha sa 'di kalayuan. Si Mang Karding, nakatingin siya ng seryoso sa kinatatayuan namin ni Gabbi.  Lalakad pa sana akong muli ng biglang may humawak sa akin, napatingin ako rito. Si aleng Dina, mahigpit na naman ang hawak niya sa akin at matalim ang tingin. "Dili kana makahali sa imo gibutangan."  Hindi ka na makakatakas sa itinadhana sayo. Hindi ko siya mintindihan, marahil ay lenggwahe nila ang ginagamit niya. Pero alam ko na may nais iparating mga mata niya. Nangungusap ito na para bang may malaking pagbabanta. Muli na naman akong binabalot ng kaba at ng napakaraming katanungan. "Waray ka mahims sa imo karuyag."  Wala ka ng magagawa para pigilan ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD