Chapter 9

1821 Words
Maraming kaganapan nitong mga nakaraang linggo, ang daming sakit ng ulo at puyat kakaisip ng mga bagay-bagay. Mabuti na lang talaga naisipan ito ni Gabbi. Kahit biglaan mukhang magiging masaya naman. "Ano? Tara na." Atat akong hinila ni Angie, mabuti na lang talaga pinayagan kami. "Buti na lang talaga naisipan mo na isama ako." Sabay pulupot ni Chanchan sa braso ko. "Syempre para may clown kami." Sabay hagalpak naming lahat nang tawa. Si Chanchan naman napatulis ang nguso at napasandal pa. Ang cute kasi ni Chanchan lalo na sa mga expression ng mukha niya.  Nag-arkila ng jeep si Gino, siya na ang nagbayad pati pag-uwi namin. Wala naman kaming babayaran para sa beach na pupuntahan namin dahil may dala kaming mga tent. Halos isang oras na byahe at sa wakas nakarating na rin kami, atat kaming tumakbo palabas habang ang mga lalaki ay napakamot na lang sa ulo, dahil sila ang magbibitbit ng mga gamit namin. "Grabe ang ganda pala ng dagat dito no?" Pamamanghang tanong ko.  Grabe ang ganda talaga super, iyong puting buhangin at ang malalaking bato sa gilid, dalawang kulay ang dagat, sky blue na may dark blue sa dulo. Bagay na bagay rin ang maaliwalas na kalangitan. "Ambibigat ng bag niyo." Napalingon kaming lahat kay Gino na pawis na pawis. "Buong bahay ba dala niyo?" Sabay-sabay naman kaming natawa, hindi ko rin alam kung anong laman ng mga bag namin. Tatlong araw kasi kami rito kaya siguro halos lahat na ng damit ko dala ko na. Nauna na kaming mga babae ang nagtampisaw sa malamig na tubig dagat, si Chanchan hindi sumama dahil sinamahan niya ang mga boys na ayusin ang tent namin.  Tanaw namin sila mula sa malayo, sanay na sanay si Gabbi sa ganito dahil vlogger nga siya at maraming lugar na siyang napuntahan, si Chanchan naman hinaharot si Gabbi bet na bet niya talaga. "Ang saya nito ano? Parang gala ng mga mag-jowa." Natatawang wika ni Angie. "Kayo lang naman ang mag-jowa," sagot ko pa rito. "Bakit? Si Yuna at Marlo malapit na rin naman, saka kayo ni Gabbi." Pagtataas nito ng kilay, inirapan ko siya at tumingin kay Yuna. Nasa gitna kasi nila akong dalawa. "Ayos ka lang? Namumula ka." Pag-aalala ko rito, nahihiya naman siyang tumingin sa amin. "Pakiramdam ko nga tatanungin na ako ni Marlo, tungkol sa bagay na iyan." Nakangiti nitong tugon. Oww...kaya pala siya namumula may gusto rin siya kay Marlo. "Nanliligaw na ba sa 'yo si Marlo?" Kilig na intriga ni Angie na ngayon ay nasa harapan na namin, paikot na kaming tatlo ngayon. "Hindi ko alam, pero alam mo naman na mga bata pa lang tayo ako ang palaging gustong makasama ni Marlo at tingin ko, may gusto siya sa akin." Ngumiti si Yuna na ngayon ay pulang-pula na ang mukha, ang hirap para sa kaniya na itago ang kilig. Kusang pinapakita ng mukha niya. Napatulala ako kay Yuna, na tuwang tuwa. Ngayon alam ko na kung ano ang nagustuhan sa kaniya ni Marlo na kahit minsan ay hindi niya makikita sa akin. Kailangan kong maging masaya para sa kanila. Alam ko na iisa lang ang isinisigaw ng mga puso nila, kagaya ni Angie at Gino na simula mga bata pa lang ay magkakasama na. Sobrang daming memories nila Yuna at Marlo na hindi pwedeng maisantabi lang. Dahil ang totoo, ako lang naman ang may gusto kay Marlo. "Mga Sissy, kain muna tayo!" Napatigil kami at napalingon kay Chanchan mula sa malayo. Umahon na kami at dali-dali kaming tumakbo papunta sa kanila, may dala rin pala silang kalan para rito na rin sila magluto. Ako kasi hindi marunong kaya sa kanila ko na ipapaubaya. "Sino nagluto? Ang sarap." Sunod-sunod kong kain, sinigang na isda ang ulam namin ngayon at grabe ang asim niya nakakakilig. "Si Marlo."  Muntik ko na maibuga ang laman ng bibig ko dahil sa gulat, mukhang wala namang nakapansin bukod kay Marlo na napangisi pa. Bwisit! Ibang Marlo nakikita ko ngayon, may engkanto ba na sumapi sa kaniya? Matapos namin kumain ay nagpahinga muna kami, grabe busog na busog talaga ako. Hindi ko magawang makatayo.  Naiwan kaming apat dito, si Yuna, Marlo, Gabbi, at ako. Nakasandal kami ni Yuna sa puno, pagod at busog kaya hindi ako gaanong makagalaw. "Maligo na kayo, okay lang kami rito." Pag-utos ko sa kanila.  Nakatayo silang dalawa sa harapan namin, napatingin pa sa akin si Gabbi saka dahan-dahan niyang hinubat ang t-shirt niya. Agad naman akong napakapit sa puno. Napalunok ako ng sunod-sunod habang nakatitig sa naghihimutok nitong katawan.  Busog na busog na ako pero parang gusto ko pang kumain ulit, gusto ko iyong pandesal niya. UGH! Estapet Caralina. "Huy!" Bumalik lang ulit ako sa wisyo ng yugyugin niya ang balikat ko. "A-ahh...shige ligo na kayo." Napakagat labi pa ako, natawa lang siya sa pinaggagawa ko. Shet! Bat ka ganiyan Caralina? Hindi ka ganiyan pinalaki, bakit ang landi mo?  Napatingin ako sa direksyon ni Marlo na napailing lang, tiningnan ko lang siya sabay irap dito. Hindi manlang niya hinubad iyong long sleeve na suot niya, edi sana siya ang pinagnasahan ko. "Matagal na ba kayong magkakilala ni Marlo?" Napatingin naman ako kay Yuna, na nakatingin sa gawi nila Marlo kung saan kasama sina Gabbi at Gino. "Hindi naman, magdadalawang linggo pa lang ako rito. Bakit mo naman naitanong?" Napailing lang siya pero dama ko na may ipinapahiwatig iyong buntong hininga niya. "Mga bata pa lang kami alam ko na kung gaano na kalalim ang nararamdaman ko kay Marlo, hindi ko alam kung anong magagawa ko kapag nalaman kong hindi sa akin nakatuon ang puso niya, dahil baka...baka magpakamatay ako."  May sumabog na kung ano sa loob ko at napako ang tingin ko kay Yuna na ngayon ay nakatingin na rin sa akin.  Ramdam ko ang mga tingin niya na tumatagos sa diwa ko. Ayoko, ayokong makaramdam ng ganito, bakit parang sa mga sinasabi niya ay may malaking bagay siyang ibinabato sa akin?  "Pero magkaibigan tayo hindi ba? At alam ko na may nararamdaman ka rin para kay Gabbi, kaya alam kong hindi mo kukunin sa akin si Marlo." Natameme ako sa sinabi niya. Ano bang sinasabi niya? Natatakot ba siya na makukuha ko si Marlo mula sa kaniya? Mali. Mali tong iniisip niya, maling-mali siya dahil alam ko sa sarili ko na siya lang ang gusto ni Marlo at hindi ako makakapayag na may gagawin siyang masama sa sarili niya, hindi kakayanin ng konsensya ko. Tulala at tahimik lang kami ni Yuna, hindi ko napansin na nakatulog na pala siya.  Napansin kong papalapit na sila sa amin, hapon na rin at mukhang nilamig na sila. "Nakatulog siya, napagod ata." Deretsyong tingin ko kay Marlo na ngayon ay nakaalalay sa ulo ni Yuna.  Tiningnan ko silang dalawa, sobrang bagay talaga sila. Hindi ko maikakaila iyon dahil sa kung paano umalalay sa kaniya si Marlo, bakit niya iniisip na kukunin ko sa kaniya si Marlo? Kahit kailan hindi ko kayang kalabanin ang nakaraan nila, sa tagal ng pinagsamahan nila hindi ito kayang pantayan ng ilang sandali lamang naming magkasama ni Marlo.  Gusto ko siyang maging masaya, gusto ko silang maging masaya. Tahimik pa rin ako hanggang sa sumapit ang gabi, si Yuna nasa loob na ng tent, pagod na pagod ata. Sinindihan na nila ang bonfire at umupo kami palibot, katabi ko si Chanchan at Angie sa magkabila kong gilid. Si Gino katabi ni Angie, at si Marlo naman ang nasa gitna ni Gino at Gabbi. "Ngayon lang ako nakapag outing ng ganito." Pamamangha ko.  Simula kasi dati pa hindi ako pinapayagan nila mama na sumama sa outing at wala rin akong kaibigan na sinasamahan. "Simula ngayon, ako na ang makakasama mo sa kahit saang lugar." Banat ni Gabbi na binigyan naman ng pang-aasar na tingin ng dalawa kong katabi. "Swerte mo naman girl." Sabay kiliti sa akin ni Chanchan, sinamaan ko siya ng tingin pero napalitan din ng pagtawa. "Pinapakilig mo naman masyado ang pinsan ko." Intriga ni Angie. "Hindi pa naman niyan nararamdaman magmahal." Sabay tawa ni Gino. "Ha.ha.ha." Mariing tawa ko sa kanila. "Ayos pala, ako na ang bahala iparamdam sa 'yo kung gaano kasaya ang magmahal. Hindi ko hahayaan na masaktan ka." Hindi ko alam kung bakit ako natatawa sa sinabi ni Gabbi, pero sobrang oa niya manligaw. "Walang nagmamahal na hindi nasasaktan." Napatigil kami sa sinabi ni Marlo. "Kahit kailan walang nagmahal na hindi nasaktan. Maraming kaakibat ang pagmamahal. Kasama na rito ang pagsasakripisyo at magpaparaya." Deretsyong sagot nito na sa akin nakatingin. Balak ko pa sana makipag matigasan ng tingin sa kaniya, ang kaso lang naiilang talaga ako. "Lalim niyan pare, ganiyan ba ginawa mo kay Yuna?" Asar ni Gino, hindi ko tiningnan ang reaction ni Marlo pero ramdam ko na sa akin siya nakatitig. "Inaantok na ako." Umunat ako at humikab para mas effective. Hindi nga ako nagkamali at nag-aya na rin silang matulog.  Sa isang tent tatlo kami nila Yuna at Angie, sa kabilang tent silang apat.  Nakatulala ako sa kawalan habang kung anu-anong tanong ang pumapasok sa utak ko. Nalilito na rin ako sa mga tingin ni Marlo sa akin pero alam ko walang ibig sabihin iyon, wala nga ba? O pinapaniwala ko lang ang sarili ko na wala?  Napapikit ako ng mariin para lang makatulog. Simula nagpunta ako rito wala na akong maayos na tulog, sana kahit ngayon lang ma-relax manlang ako. Naalimpungatan ako sa sobrang ingay, mahapdi ang mata ko pero pilit ko itong iminulat. Tinanggal ko ang pagkakatanday sa akin ni Angie bago tumayo. Tulog na tulog pa rin silang dalawa.  Binuksan ko ang tent at sumilip sa labas, madilim pa at tulog pa rin ang mga lalaki.  Lumabas ako habang yakap ang sarili dahil sa sobrang lamig. Halos mapatalon ako sa gulat nang muling tumunog ang napakalakas na busina ng barko. Teka. Barko? Daungan ba ito ng barko? Kinusot-kusot ko ang mga mata ko bago lumapit sa pampang at laking gulat ng makita ang isang napakalaking barko.  As in higanteng barko na nasa harapan ko. Malakas ang hangin na dumadampi sa mukha ko. Pero nanatili pa rin akong nakatayo habang pilit na humihinga. Papaano magkakaroon ng barko rito?  Sobrang ingay pa nito pero bakit hindi manlang nagigising ang mga kasama ko?  Lalakad pa sana ako palapit sa barko nang biglang dumilim ang paningin ko. Mali, may biglang nagtakip ng mata ko at hinila ako palapit sa kaniya, ramdam ko ang pag-ikot niya sa akin para isubsob sa dibdib niya. Rinig ko pa ang mabilis na pagtibok ng puso nito at ang boltahe ng kuryenteng dumadaloy sa buo kong katawan. "Wag kang tumingin." Kalmado nitong wika. "M-Marlo."  Ramdam ko ang mahigpit niyang pagyakap sa akin dahilan para bumilis lalo ang t***k ng puso ko. Sa muling pagkakataon. Naramdaman ko na naman ang pagiging ligtas sa mga bisig na nakapalupot sa akin ngayon.  Maaari kayang ang taong ito, ang taong tumulong sa akin noon? Pero paanong si Gabbi ang nakita nila lola noong araw na dinala ako sa clinic? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD