Episode 9: kidn*pped Again

2792 Words
Benetha I groan silently habang nagwawalis. Kahapon lang ako galing sa misyon ko at ito na naman ang bumungad sa akin. "Come on Benetha, this is fun! Masaya kayang maglinis dito sa Clobro." I just raised my brow at her. Hayy naku Leinne... Nasasayahan ka nito? I groaned lazily. Bwesit kasi 'yang Lammorth Kingdom na 'yan eh, ughh... Napatingin nalang ako kay Lannie dahil sumigaw ito. "Hoy! Benetha! Wag' kang tatamad diyan! Kundi isusumbong kita kay Ember!" Biglang sumakit ang dibdib ko 'nung narinig ko ang pangalan ni Prince Allen, I know it's Ember, but it's still connected to him, because it is him. Buti hindi ako magbublush. I just gave her a dead look. Tinatakot mo ba ang isang elemental guardian? Bigla nalang pumunta si Leinnie sa harapan ko habag may bitbit na walis kaya nasa likod na niya ako ngayon, hinarangan ako. "A-ate! 'Wag mo namang isumbong si Benetha! M-may ginagawa lang talaga kaming ensayo sa Atreyu kahapon! Kaya napagod siya tsaka may misyon siya kahapon diba?" Hayy.... Leinne, kung ako pa sayo sinampal ko na iyang maldita mong kakambal.  Yes, kambal, magkakambal sila ni Leinne at Lannie, maikli lang buhok ni Lannie at kay Leinne naman ay nakabraid, at ang kaso nga lang, ang bait nitong ni Leinne hanggang maabot na siya sa 'stupidity kindness'. Ito namang si Lannie sa sobrang kamaldita malapit na niyang maagwatan si Athea Morlin. "Shut up stupid! Dahil ako ang ate mo, huwag ka ng lalapit sa babaeng iyan!" Turo niya si Leinne sa daliri niya. I just rolled my eyes at them at nagpatuloy na sa pawawalis. "Nandito na ang mahal na Prinsepe!" Sigaw ni Theyo kaya tumingin ako sa itaas at nakita ko ang napakalaking puting ibon na lumilipad. Ang laki talaga ng Zedra ni King Henry. Biglang humarang si Gwon, ang fwako ko sa tinitingnan ko habang nagwawave ito sa mukha ko. "Benetha? Baka kailangan mo na talagang maglinis." I gave him a dead look. Pati na ba rin ikaw Gwon? Ughhh... Buti nalang ang cute cute mo. I just pat his big dark green head at nagpatuloy na sa paglinis. He just rolled his eyes at bumalik na siya sa bracelet ko. Natulog ata? Tamad kasi 'tong fwako ko. I just giggled softly because I remembered some good memories with Gwon. "Ba't gamit niya ang Zedra ng Prinsepe?" "Baka girlfriend iyan ng Prinsepe!" "Pwede rin noh? Maganda rin naman siya pero..." "Ang buhok niya, ba't nakatakip ang mga mata niya sa bangs niya?" Tumingin ako sa harapan ko at nabitiwan ko nalang ang hinawakan kong walis at tumayo ng maayos para tingnan iyon kung totoo ba talaga ang nakikita ko. Who's that b***h?! Ba't kasama niya si Prince Allen?! Jealousy suddenly consumed me. Tsaka sa Zedra pa ng hari siya naglaland- wait... inamoy ko ang scent niya dito sa malayo and... Napadikit ang dalawa kong kilay dahil sa naamoy ko. "Strawberry....? Ba't magkaparehas sila ng scent ni Amaya?" I said under my breath. Brown almond hair.... But bun? Tsaka 'di ko talaga makikita ang mga mata niya dahil sa mga bangs niya, napakalinis naman ng bun niya. Si Amaya 'to, sa scent at buhok niya, walang duda 'to. Tsaka ang ganda niya 'nung nangyari sa dorm.... I sneaked through the crowd at dahil sa mga babaeng sigaw ng sigaw kay Prince Allen or Ember ay natulak nila ako hanggang nabangga ko ang Zedra ng Hari. To be honest, ang soft ng feather ng Zedra. I snapped out at bumitaw bigla kaya napaatras ako ng isang hakbang. "P-Paumanhin, tinulak kasi ako." Utal kong sabi sa Zedra. "Okay lang 'yun magandang binibini." Parang nailang ako 'nung sinabihan ako ng Zedra na 'maganda'. Kung..... Nagandahan ang Zedra ng hari sa akin... Si Prince Allen? Ano kaya ang tingin niya sa akin? I heard someone is breathing heavily beside me kaya lumingon ako at napalaki naman ang mga mata ko na nasa tabi ko na pala siya. Okay, stay cool Benetha. "Wow, famous mo na pala Maya noh?" Just stay cool Benetha, NO MATTER WHAT. She startled at lumingon sa akin. "Ay kabayo! B-Benetha?! A-anong... Ay tama, estudyante ka din pala." I rolled my eyes 'nung sumilip siya sandali sa mga estudyante. "Heh, so you and the Prince have a thing? Nice." Nasurprise naman ito kaya binigyan ko siya ng smirk. Oohh~ she's surpised eh? She raised her hands at her chest and shook her head. "W-Wala, wala kaming 'thing', kaibigan ko lang talaga siya." Tch! Well, totoo naman eh. 'Yung manyak na 'yun? Magkakagusto sa katulad mo? It's impossible. I think you're not even his type. Sumandal ako sa Zedra. "Joke lang 'yun, alam ko namang imposibleng magkagirlfriend 'yung lalakeng 'yun." Sabi ko at nagcocrossarms. Tumingin ako sa bangs niya and raised my brow. "By the way, ang weird talaga ng hairstyle mo. Sa totoo lang akala ko hindi kita nakilala eh." Well, I was shocked and furious because of jealousy. "Paano mo nalaman na ako si Amaya?" "Your strawberry scent." Sabi ko. Kahit nga ang layo mo, naamoy parin kita. Wait, she's thinking something. Siningkit ko ang mga mata ko. "Alam ko iniisip mo.." Bubuyog ang tingin nito sa akin. Tch! Bigla itong nagbow sa harapan ko kaya binaba ko ang mga kamay ko at nilagay ito sa beywang ko. "Ah! Sorry! Hindi ko sinasadya na isiping para kang aso or something!" Teka, aso? Biglang napupuno ang galit ko kaya huminga ako ng malalim. K-kalma, kalma lang.... Okay... "Okay, I forgive you, whateves." This girl is really getting into my nerves... "Pero, aso? Akala ko nga bubuyog." Medyo mataray kong sabi sa kanya. "Ahh, ahehe..." Sabi niya sabay kamot sa batok niya. Tch! Aso? Kung gawin ko kayang aso iyang mukha mo? Nakakabwesit. Kalma lang... Para masigurado ko sa kanya.... "Umm... Magkaibigan ba kayo ni Ember?" I suddenly asked her. Well, para masure ko. Tinukod niya ang siko niya sa Zedra, "ah.. Si Ember? Ah! Oo! Magkaibigan kami niyan." Sabi niya and I felt very relieved kaya nautal ako. "O-oh... I-I see." Okay, good na ako, since kaibigan lang ang pagtingin niya kay Prince Alle - Bigla nalang lumitaw si Prince Allen na ang hitsura ay Ember sa likod ni Amaya. "Ms. Luna?" Biglang sumakit ang puso ko kaya napahawak ako sa uniform ng skirt ko. "Ay kabayo!" "Mukha po ba akong kabayo Ms. Luna?" I felt pain in my chest nang nag-usap sila ni Prince Allen dito sa harapan ko kaya yumuko ako. I know I'm kind of selfish but, mas gusto kong ako lang talaga ang kakausapin ni Prince Allen. Prince Allen is very hard to approach dahil hindi niya gustong magsasalita. "Ah! H-hindi noh! Binigla mo lang kasi ako kaya ayun. Hehe, sorry habit ko na talaga 'tong 'ay kabayo' ko eh." I looked up to Amaya's back dahil tinalikuran niya ako habang kausap si Prince Allen . Damn it! Kung pwede sana... Sana- Lumingon si Prince Allen sa akin. "Ahh... Sige, kumilos na tayo, Ms. Luna sumama ka sa akin." Sabi ni Prince Allen sabay hila sa kamay ni Amaya. It hurts... "Sige Benetha, alis muna kami." Pahabol ni Amaya habang hawak hawak ni Prince Allen ang kamay niya. 'Nung dumaan sila sa gitna ay halos lahat na ng mga babae ay nakatingin na sa kanya, a galit... including me. Amaya Binitiwan na ni Ember ang kamay ko at tumigil na sa paglalakad. "Dito muna tayo sandali Ms. Luna, tatawagin ko muna ang Zedra ko." Sabi ni Ember. Medyo malayo kami sa Clobo- Cloro- ano 'yun? Clobro? Oo! C-Clobro! Basta nasa isang napakagandang garden kami ngayon. Kitang kita ko nga dito sa malayo ang napakamalaking... wall? Galing ba iyan sa kaharian? May nakita akong puting dragon na mukhang ahas ang katawan na papunta dito! Tsaka may berdeng buhok rin siya sa gitna ng likod niya at tumapak sa lupa! Tapos... Tapos wala siyang pakpak at may matataas pang mga sungay na parang kay beast! Kaya bigla akong napatumba sa damuhan at napaatras habang nakaupo. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang braso ko at sumigaw. "Ayaw ko pang mamatay!!!" "OA naman ng babaeng 'to! Patay agad?! Hindi naman ako pumapatay ng nilalang!" N-Na-nagsasalita? Binaba ko ang kamay ko at tumingin nito na nanlaki ang mga mata. Wha!!!! Nagsasalita!!! Ember crossed her arms at humarap sa dragon para harangan ako. "Echo, anong sinasabi ko sa'yo kanina?" G-Galit ba si Ember? "S-sorry, ang babaeng iyan kasi eh! Natakot sa akin, ang ganda ko kayang Zedra. Hmph!" I-Ilang taon na ba 'tong Zedrang 'to? Mukhang 13 pa ata or 9? Ang attitude niya kasi eh, antaray! Tsaka sa boses niya rin ang taray! Parang naalala ko si Athea sa kaniya! Okay, natatakot na ako. Oo, maganda nga 'tong Zedra niya, ang linis tingnan tapos ang taas pa ng berdeng balahibo nito. Dahan dahan akong gumagapang papaatras habang papaalis kaya nakaluhod na ako ngayon para makatakas, ang aura kasi nila eh, parang nag-aaway tuloy sila ng dahil saken. Gapang lang, huwag kang matakot, sige Amaya, gapang lang... "That's right, g-gapang- ah!" Napatumba naman ako 'nung biglang inistomp ng dragon ang paa niya sa harapan ko! Buti hindi niya natamaan ang mukha ko sa matataas niyang mga kuko! Inilapit niya ang mukha niya sa akin kaya napagapang ako paatras na takot na takot! "At saan ka naman pupunta?" Ayaw ko na dito! Mama! Papa! Nakakatakot naman ang mga creatures dito! Gusto ko ng umuwi! I'd rather be a Cinderella on Earth keysa dito sa mundong ito! Bigla akong tumayo at tumakbo ng mabilis, sobrang bilis para sa akin dahil natatakot na talaga ako, parang papatayin ata ako ng Hari mamaya. Mama! Papa! Tulong! Pinikit ko ang mga mata kong lumuluha habang tumatakbo kaya tumulo ito. May biglang humila sa wrist ko saka tumago sa likod ng isang puno kaya napahinto ako sa pagtakbo at hinila ako nito! Ano na naman ba ang pakulo ng Ember na 'to? Nabwebwesitan na talaga ako sa moves niya eh. Dapat magkapalit sila ng personality ni Allen kas- Bigla nalang nitong tinakpan ang bibig ko ng isang panyo! Hindi pala si Ember ito! "Mmmpp!!! Mmmmpp!!!" S-Sino?! Sino ito?! Tagageothem?! H-hindi! Estudyante 'to! Hinawakan ko ang kamay nito para maialis sa bunganga ko, pero hindi! Ang lakas niya! Hindi ko kayang maialis! "'Wag kang maingay." Wait, ang boses na 'to? Z-Zikon?! Ano-Anong gagawin niya sa akin?! Mas bumuhos ang luha ko dahil sa sobrang takot ko. Nanginginig ang mga paa ko at mga kamay ko. Ramdam kong nanghihina ang katawan ko kaya ginawa ko ang makakaya ko para maimulat ang mga mata ko kaya narinig ko ang pahabol niya. "Sorry Ms. Luna, inutusan lang talaga ako." B-Bakit ako... nahi... hilo...? Then everything went black. Allen I heave a long sigh and squeezed the bridge of my nose because of what happened. "Echo, 'wag ka namang harsh kay Ms. Luna, girlfriend iyon ni Rave so be nice to her." Utos ko sa kaniya. Girlfriend niya ba talaga si Amaya? Para kasi sa akin, sa taste of women ng lalakeng iyon ay hindi kagaya ni Amaya. We prefer hot girls to be honest, and also the good attitude. Well, maybe? Amaya is kinda interesting, because of her eyes. "Eh, papa! Hindi ko kasi gusto na may matakot sa akin eh! I mean, halur! PINAKAMAGANDANG Zedra sa Cladonia Academy?" I heave a sigh at tinalikuran siya. Bahala na nga siya diyan. Nagsimula na akong lumakad papalayo kaya tinawag niya ako at hindi ko naman siya pinansin. "Papa?! Papa! Saan ka pupunta?!" Pumunta ako kung saang direksyon tumakbo si Ms. Luna dito sa loob ng mini forest ng Clobro garden at hinayaan si Echo. May naramdaman akong may gumalaw na halaman sa likod ko kaya dahan dahan kong kinuha ang dagger sa loob ng cloak ko. Alerto akong tumalikod habang nasa harapan ko ang dagger na bitbit ko and it was just a black deer so I heave sigh at binalik ang dagger ko sa loob ng cloak ko at lumingon. My eyes went wide nang nakita ko si Ms. Luna na nakatulog sa mga kamay ng lalakeng ito kaya dali dali akong tumakbo papunta sa kanya para maibawi si Ms. Luna! "Ah..!" Bigla silang naglaho kaya hindi ko sila naabutan! Damn it! Isa ka bang traydor Zikon?! Amaya... May naamoy akong scent na naiwan dito kaya dumikit ang mga kilay ko sa galit. Parang nakalanghap siya ng pampatulog. Tsk! Lagot talaga 'yang Zikon sa akin mamaya! I clenched my fists dahil sa galit. After all these years, isa pala siya sa mga tagageothems na iyon?! Sinuntok ko ng malakas ng puno kaya naputol ito sa lakas ng pagkasuntok ko. At ngayon na kinuha niya si Amaya.... Papatayin ko talaga siya. I teleported beside Echo and grabbed her long brown horn saka sumakay sa kanya. "Echo, punta tayo sa kaharian ng Geothem. Kailangan nating maibalik si Amaya... NO MATTER WHAT." Seryosong utos ko sa kanya kaya hindi na siya umimik pa at nagsimula ng lumipad. "Papa, ano bang nangyari? N-nasan po ba si Ms. Luna?" Bakas sa boses niya na natatakot siya sakin. Tsk, there's no time talking about this! "Basta! Kailangan natin siyang mahanap! Kasalanan ko 'to dahil hindi ko siya sinundan kanina." This is my fault, my doing, so I will find her and kill that bastard! "Hindi, kasalanan ko 'to..." Narinig kong sabi ni Echo kaya napatingin ako sa kanya. "Kasalanan ko 'to kung bakit siya tumakbo! Dahil tinakot ko siya! Kaya papa sabihin mo sa akin kung anong nangyari kay Ms. Luna!" I sighed and pat her head. Echo talaga... "Wala kang kasalanan, hindi mo 'yun sinasadya diba? Kaya wala kang kasalanan." Sabi ko sa kanya at nilagay ulit ang kamay ko sa sungay niya. "Pero may papatayin tayong traydor mamaya." Sabi ko in a serious tone. "May traydor?! Sino?!" "Si Zikon, kaya dalian natin, dahil nakuha na niya si Amaya." She gasped at nagfull speed sa paglipad. Amaya please, hang in there... Zikon "KALLEN?! KALLEN?!" Tss! Bwesit talaga 'tong lalakeng 'to! Volunteer-volunteer pa, eh hindi naman sumipot. Ah! Bwesit talaga! Tumakas na naman 'yung gagong iyon! Napapunas nalang ako sa pawis ng mukha ko kasi sa takot ko kanina! Nakita pa ako ni Ember kanina... Patay talaga ako nito. Isa pang Air element guardian ang nakakita sa akin, the strongest student of Cladonia Academy. Nandito kami sa isang forest, hinihintay ang pegasus na hahatid sa amin. Bakit pa kasi ipakidnap 'tong si Ms. Luna? Eh, kung kausapin nalang kaya?! Lumapit ako kay Ms. Luna at umupo sa tabi niya habang ang himbing ng tulog nito. Tiningnan ko ang mukha niya at... Oo, maganda siya, ang ganda niya pala kapag maialis niya ang bangs niya... Wait, ano na ba ang pingsasabi ko? I sighed, I need to cool my head awhi- Biglang dumeretso ang mga mata ko sa dibdib niya kaya tumayo nalang ako at tinakpan ang mukha ko dahil sa init ng mukha ko sa hiya. s**t, hindi nakabatones ang isang botones ng blouse sa may dibdib niya kaya nakita ko ang clevage niya. s**t, s**t, s**t. Ano na ba ang gagawin ko? It looks very healthy... Ah! Damn it! What am I thinking?! I heave a deep sigh at hinubad ang mataas at kulay itim kong uniform coat at nilagay ito sa kaniyang katawan. Now I feel relieved. Hayy... naku, kung iba pang lalake ang nasa pwesto ko ngayon parang kanina pa nila hinahawakan itong dibdib niya. I heave a deep sigh again... Bwesit na araw 'to. Tumingin ako ulit kay Ms. Luna at humingang malalim. May narinig akong sigaw ng dalawang kabayo sa itaas ng kalangitan kaya tumayo ako at nakita ang dalawang puting kabayo na may mga pakpak at sungay kaya nagwawave ako dito sa ibaba. Teka, bakit dalawa? Akala ko si Ms. Luna lang ang kukunin nila? Kinarga ko si Ms. Luna, bridal style at lumapit na sa mga pegasus na tumapak sa lupa. "Bata, sumama ka nalang sa amin, ako na ang mag-eescort sa inyo papunta sa kaharian, dun ka nalang sasakay sa kasama ko, kasama iyang babae." Huh? "Ah... T-teka, ba't kailangan ko pang sumama?" Tanong ko sa kanya sabay turo sa sarili ko habang karga si Ms. Luna. "Nakita namin si Ember, the air element guardian habang sakay ang kaniyang Zedra, and we thought that the guardian saw you got the girl, kaya sumama ka nalang sa amin, seeing her expression like that, parang may balak siyang papatayin ka." Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya at nanginginig ang buong katawan ko then a sudden shiver came down to my spine. "Wag kang mag-alala bata, ang mahal na Reyna na ang bahala sa kanya kaya alis na tayo." Nagmamadali akong sumakay sa isang pegasus habang karga si Ms. Luna at nagsimula na itong lumipad. Patay ako nito...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD