Episode 8: Clobro

2785 Words
Allen Pinadala ko na ang sulat kanina papunta sa Cladonia Academy. Isa 'yung paper crane na origami kaya ang hangin ko na ang bahala 'nun para mapadala doon. Bibisita kasi ang kaharian ng Lammorth doon kaya inalerto ko na ang Cladonia Academy. Sakay sakay ko ang white dragon Zedra ko ngayon na may mataas at berdeng buhok sa gitna habang hawak ko ang mataas nitong sungay. Hindi ko talaga maiwasang maamoy itong baho ng dugo na tumalsik sa cloak ko kanina. "I think I'm getting stinkier." Sabi ko sa sarili ko. Ang baho na kasi ng cloak ko, tsk, first time kong naamoy na mabaho na ang dugo ng goblins sa Kaharian ng Geothem ah. The smell is uncontrollable, parang anytime susuka na ako. Parang may umiba.... My zedra rolled her green eyes. "Naligo ka nalang kasi kanina doon sa Lammorth Kingdom, choosy mo pa kasi." I just ignored her. Ang pangalan ng Zedra ko ay Echo, pinangalanan ko siya ng Echo dahil 'nung pumisa siya sa itlog niya ay nasa loob kami ng isang cave na nakatakip ng waterfalls sa entrance. 'Nung nagsalita siya umecho ang paligid kaya 'yun ng unang lumabas sa utak kong ipapangalan sa kaniya. Napadikit nalang ang dalawa kong mga kilay 'nung narinig ko ang boses ng zedra ni Ama. "Mga bata 'wag niyong kulitin ang binibini." Boses ni Verluz? Tumingin ako sa ibaba namin at nakita ko siya, tsaka may nakasakay sa kaniya. Sino kaya ang nakasakay sa kanya? Hm. "Echo, lumapit ka kay Verluz." Utos ko kay Echo at bumaba naman ito para lumapit sa tabi ni Verluz. Nasa tabi na namin si Verluz kaya tinanong ko siya. "Verluz! Sino iyang binibining nakasakay sa iyo?" Tanong ko sa kanya. Kailangan kong maging pormal pagdating sa Zedra ni... Ama kaya tumingin naman ito sa akin. "Si binibining Amaya, ang kasintahan ng mahal na Prinsepe." K-Kasintahan? I cleared my throat at tumayo sa kulay berdeng mataas na balahibo na likod ni Echo. Tumingin ako sa likod ko at nakita ko si Yuro na lumilipad sa tabi ni Ms. Luna. Saan ba sila Momo at Mimi? Tsaka kasintahan ni Rave si Ms. Luna? He's got to be kidding me. At parang gusto ko siyang sapakin. I heave a sigh and shook my head, pinagamit niya pa ang Zedra ni Ama kay Ms. Luna. Well, that idiot's good at lying, so it's fine. Siya na ang magpapaliwanang kay ama. Tumingin ako sa puting buntot ni Echo na mukhang ahas namang tingnan sa likod. Tumaas na pala ang berdeng buhok niya. Tiningnan ko si Echo sa ibaba ko. "Echo." Tawag ko sa kanya habang tiningnan siya. Hanggang ngayon ba ay galit parin ito kay Verluz? "Ano?" Mataray na tanong nito habang nakatingin sa harapan niya. Kailan pa ba 'to titigil sa pagkataray nito? Sino bang nagturo sa kaniya na maging mataray? I heave a deep sigh, mukha ko na kasi 'tong anak si Echo, ako ang nagdidisiplina, nagpakain at nagpalaki. Sana tinitreat niya rin akong ama. Hindi INA, KUNDI AMA. "Puputulin ko iyang buhok mo mamaya." Sabi ko sa kanya. She just heave a deep sigh and rolled her eyes. "Ok, whateves." Napalaki naman ang mata ko dahil sa attitude niya kaya iniluhod ko ang kaliwang tuhod ko sa likod niya. I glared at her, "sinong.... nagturo sa iyo ng mga ganiyang salita?" Galit kong tanong sa kanya, pero tinry ko lang talagang pakalmahin ang sarili ko. "Ah... Eh... W-wala! Wala namang nagturo sa akin!" Sabi niya. Alam kong hindi magsisinungaling ang Zedra ko kaya lumapit ako sa tenga niya at pinisil ito papalapit sa akin, pero hindi naman malakas ang pagkapisil ko sa tenga niya kaya nabigla naman siya. "Kung walang nagturo... Kay sino mo narinig?" Tanong ko sa kanya. "K-kay Athea! Huhu, bitiwan mo na tengaa ko! Papa naman!" Sabi niya na parang umiiyak na. Binitiwan ko na ang tenga niya at pinat ko ang ulo niya dahil hindi siya nagsinungaling. "Sorry sa ginawa ko Echo, hindi ko lang kasi gusto na maging kagaya ka ni Athea, gusto ko sa iyo ay maging isa kang mabait at marespetong Zedra kaya please huwag kang maging ganun dahil para na kitang isang anak." Utos ko sa kanya. She nods. "O-okay..." Hm, iwan ko muna siya dito kasama si Verluz. Tumayo ako balik at sinuot ang hood ko. "Verluz, iwan ko muna si Echo sa iyo." Sabi ko at yumuko naman ito tapos tumalon ako papunta sa likod ni Verluz and landed on his back. Nakita ko silang apat na nag uusap na nasa medyo malayo sa harapan ko, nasa malapit kasi ako sa buntot ni Verluz ngayon. "Momo, Yuro, Mimi." Sabi ko at lumingon naman silang tatlo sa akin habang si Ms. Luna naman ay parang hindi makagalaw. "Ember!" Sigaw ni Momo so I teleported myself sa tabi ni Ms. Luna na nakaupo at parang nabigla naman siya. "Embeerr!!!" Sigaw ni Mimi at lumapit sa akin tapos hinalikan ang pisngi ko. "Mimi! Akala ko ako lang ang hahalikan mo?!" Bigla namang sigaw ni Yuro na galit na galit. Oh yeah... I forgot Yuro have feelings for Mimi, I wonder how it feels though. Mimi gave Yuro a confused look. "Ha? Kailan ko ba sinabi iyan sayo?" Nagtatakang tanong ni Mimi. Narinig kong inaamoy ako ni Momo habang nasa itaas ito ng ulo ni Ms. Luna. "Blergh! Ember! Ba't ang baho mo?!" Humiga ako sa malambot na likod ni Verluz at nilagay ang kamay ko sa likod ng ulo ko para gawing unan. "Takpan mo lang iyang ilong mo Momo." Sabi ko sa pulang dragon na nakapatong sa ulo ni Ms. Luna na nakabun ang buhok nito. Hmm... Ba't hindi pa gumalaw si Ms. Luna? Tsaka, bakit hinawakan niya ang bangs niya? Baka hindi niya nagustuhan ang amoy ko? "Mabaho ba ako Ms. Luna? Kung ganiyan aali-" Aalis na sana ako nang bigla niya akong pinigilan. "Wag! I mean... H-hindi naman m-mabaho." Sabi niya habang nakangiti pero tinakpan parin ang mga mata niya gamit ang bangs niya . She's stuttering. She's kinda weird, and somehow, I'm curious of her face. "Ah, ganun ba? Sige, dito muna ako." Sabi ko at bumalik sa pwesto at posisyon ko. "May pinatay ka na naman bang Geothemian Ember? Tsaka, ano bang nasa dugo nila na nasa damit mo? Ang baho talaga! Ugh!" Tanong ni Yuro habang ubo ng ubo. "'Yan nga ang bagong impormasyon na nakuha ko sa kanila, na bumaho ang kanilang dugo." Sabi ko habang nakatingin lang sa langit. Namimiss ko na talaga si Sir Gaius at si Mama. "O, boy, ano na naman ang nangyari diyan sa mukha mo?" Aahh, naalala ko 'to. ✳FLASHBACK "O, boy, ano na naman ang nangyari diyan sa mukha mo?" Tanong ni Sir Gaius sa akin. I rubbed my bleeding cheek and also my teary eyes. I don't want to see them worried for me, because I'm tough! Lumapit si mama sa akin habang pinunasan ang mga kamay nito sa kaniyang apron at lumuhod sa harapan ko. "Naku! Ikawng bata ka! Halika nga dito." Utos ni Mama sa akin kaya lumapit ako sa kanya na galit na galit dahil sa mga lalake sa labas na nakaaway ko kanina. Hinawakan niya ang mukha ko at pinunasan ang mukha kong may nakadikit na lupa at dugo ko gamit ang apron niya. "Sino bang may gawa nito sa 'yo? Naku, tigilan mo na iyang pag-aaway mo sa mga bata galing sa labas ha? Baka mapagalitan ka lang ng papa mo nito." Sabi niya habang punas ng punas parin sa mukha ko. Binaba ko ang mga kamay niya at sumigaw kaya napaatras naman ito ang likod nito. "But mama! Tinawagan ka nilang peasant! I just can't- I just can't let them call you like that!" I barked at her. I really hated the way that someone calls her peasant! She's my mama and I have to protect her with all my might! Even she's not really my mother... Mama just smiled at me and patted my head. Now I feel calmed. "You're such a kind girl Ember... Thank you..." Para akong natamaan ng isang napakalaking bato sa ulo ko 'nung tinawagan niya akong 'girl', but still... I can accept it... ✳END OF FLASHBACK I heeve a long sigh at pinikit ang mga mata ko. Beautiful memories.... "Allen!" May biglang naalala akong isang batang babae na nakasama ko noong bata pa ako kaya napadikit ang mga kilay ko. It was kinda blurry kaya ang hirap ipicture out sa utak ko. Baka nakita ko lang siya 'nung nasa Milim kami or somewhere. "E-Ember? Okay ka lang ba?" I opened my left eye at tumingin kay Ms. Luna. "Yeah, I'm okay Ms. Luna." Sabi ko at pinikit ulit ang mga mata ko. Pakiramdam kong hindi na siya tumingin sa akin so I peeked at her face for a while. Natakapan ang mga mata niya sa kaniyang bangs but... I managed to peek when the wind hit her bangs. Her oceanic blue eyes..... Beautiful.... Amaya Para akong nagkastiff neck dito na nakaupo dito sa likod ni Verluz dahil sa uncomfortable stares na nararamdaman ko kanina pa. Nakatitig ba si Ember sa akin? Ba't parang may unpleasant feeling sa tyan ko? Okay... 'Wag ka munang mataranta Amaya, just breath in.... And breath out... "Aahh... May dumi ba sa mukha ko?" Okay! Naitanong ko na, pero hindi ko talaga tiningnan ang mga bisig niya, baka magbabackflip ako neto bigla kung makikita ko muscles niya! Para na kasi siyang lalake sa katawan niya! At sa mukha! Well, except sa dibdib niya... Ahem.... Jusko po? Bakit ba ako humahabol ng mga muscles ngayon? "Ah.. Wala naman, I just found you beautiful." Ramdam kong umiinit ang mukha ko dahil sa sinabi niya kaya lumingon ako papalayo habang hawak parin ang bangs ko para matakpan ang mga mata ko. "May lagnat po ba kayo Ms. Luna?" Lumingon ako sa kanya at nabigla nalang ako! Ang sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko! "Ang l-l-lapit....!" Sabi ko sa kanya at para naman akong nawalan ng hininga nang hinawakan niya ang ulo ko at nilagay niya ang noo ko sa kanya!!! Oh god! Ano bang ginagawa ng babeng 'to?! "Hm... Parang mainit ka. May masakit ba sa katawan mo?" Tanong niya kaya ang init na ng mukha ko na parang umuusok na 'to pati tenga ko parang umuusok na din! Bigla akong lumayo dahil hindi ko na kinaya! "W-w-wala! Ahm.... Erm.... A-ang lapit l-lang kasi n-ng mukha mo..." Nauutal kong sabi at yumuko nalang. Ba't sumakit ang dibdib ko 'nung ginawa niya 'yun?! Jusko ano na bang nangyayari sa akin?! "Nandito na po tayo..." Sabi ni Verluz kaya dahan dahan na kaming pababa sa lupa. Bigla namang sumakit ang tenga ko dahil may sumigaw. "Nandito na ang mahal na prinsepe!" Teka... Sigaw ba 'yun ng lalakeng galing diyan sa baba? Ba't narinig ko?! Tumapak si Verluz sa sahig na gawa sa marble at ang ganda... Ito na ba ang Clobro? The area is huge, round and the ground is made of marble. I snapped out of my toughts 'nung may narinig akong bulong bulungan. "Ba't gamit niya ang Zedra ng Prinsepe?" "Baka girlfriend iyan ng Prinsepe!" "Eh?!!! Girlfriend?!!! Imposible! Mas appropriate pa ang alipin!" "Ang buhok niya, ba't nakatakip ang mga mata niya?" I snapped out of my thoughts nang magsalita si Ember. "Ms. Luna, baba na po tayo." Okay, bababa lang naman ak- Napatigil nalang ako at pinikit ang mga mata ko dahil takot akong bumaba! Ang tanga ko kasi! Akala ko kabayo 'tong sinakyan ko di pa- "Okay ka lang ba Ms. Luna?" Napalaki naman ang mga mata ko dahil ang lapit na naman ng mukha ni Ember! Teka paano ba 'yun?! Tiningan ko ang posisyon ko at ba't nakabridal style na ako ngayon sa kaniya?! At nakababa na pala kami?! "Ms. Luna?" I mentally slapped myself dahil kanina na pala nagsasalita si Ember sa akin na hindi nakikinig sa kanya. Wow, ngayon ko lang napansin,  na mukha talaga siyang lalake sa malapitan. "Ms. Luna? Okay lang po ba talaga kayo?" At ngayon sinampal ko na talaga sarili ko at nabigla naman siya. Hayst! Naku, ikaw Amaya ha! 'Wag kang mafafall sa isang babae! Isang kalokohan iyan! "I'm fine." Sabi ko at tumingin sa paligid. Ba't lahat ng mga atensyon nila nasa aki....in? Ang mga kamay ko na nasa leeg ni Ember, on her arms, bridal style, muscles... Bigla akong tumalon pababa sa mga braso niya tapos tumakbo papunta kay Verluz at tumago sa gilid ng mukha niya! I'm such an idiot! Ba't sa harapan pa nila?! Grr! Si Ember kasi eh! Huhu, bakit ba kasi napakagentleman niya?! Sumilip ako sa mga estudyante. "Okay guys! Let's get back to work! May 23 hours nalang tayong natira!" Sigaw ni Ember sa mga estudyante kaya bumalik na sila sa kani-kanilang mga ginagawa kanina pero andami paring bulungan. "Wow, famous mo na pala Maya noh?" "Ay kabayo! B-Benetha?! A-anong... Ay tama, estudyante ka din pala." Halos napatalon ako dahil sa babaeng tumabi at nagsalita dito sa akin! Jusko, nabigla naman ako 'nun ah! Tsaka Maya tawag niya sa akin? Nagsmirk ito sabay crossarms. "Heh, so you and the Prince have a thing? Nice." A-Ano?! Ako at si Allen?! M-May thing?! W-wala naman ah! Tinaas ko ang mga kamay ko sa harap ng dibdib and shook my head as a no! "W-Wala, wala kaming "thing'', kaibigan ko lang talaga siya." Sabi ko sa kanya. Well...iyon kasi tingin ko sa kanya eh. "Joke lang 'yun, alam ko namang imposibleng magkagirlfriend 'yung lalakeng 'yun." I-Imposible? "Btw, ang wierd talaga ng hairstyle mo. Sa totoo lang akala ko talagang hindi kita nakilala eh. Nakatakip kasi ang mga mata mo" Eh? Ganiyan na ba talaga kapanget ang hairstyle ko? "Paano mo nalaman na ako si Amaya?" Tanong ko sa kanya. "Your strawberry scent." Eh? Aso ba siya or something? Ba't naalala niya lang ako sa scent ko? "Alam ko iniisip mo.." Ah! Nahalata na niya naman! "Ah! Sorry! Hindi ko sinasadya na isiping para kang aso or something!" Sabi ko sa kanya habang nakabow. "Okay, I forgive you, whateves." I heave a sigh as a relief. Tumayo ako ng maayos at tinago ang mga kamay ko sa likod ko. "Pero, aso? Akala ko nga bubuyog." Eh? Bubuyog? Ang layo naman sa aso. "Ahh, ahehe..." Sabi ko sabay kamot sa batok ko. Ang ganda talaga ni Benetha... "Umm... Magkaibigan ba kayo ni Ember?" I snapped out at tumingin sa kanya. Ba't niya naman natanong' yan? Tinukod ko ang siko ko kay Verluz. "Ah.. Si Ember? Ah! Oo! Magkaibigan kami niyan." Sabi ko. Ba't nagfeeling close na ako sa kanya?! Tumingin ako sa kanya. "O-oh... I-I see." This time may nakita akong pagkarelief sa mukha niya. Wait, ba't ba siya narerelief? Hmm...? I don't get it. "Ms. Luna?" Halos napatayo ako ng maayos dahil sa boses ni Ember! "Ay kabayo!" "Mukha po ba akong kabayo Ms. Luna?" Wha! Hindi 'yan! Naku! Huhu! Dapat talaga iwas iwasan ko na 'tong "Ay kabayo" ko na 'to eh! Napakamot nalang ako sa ulo ko. "Ah! H-hindi noh! Binigla mo lang kasi ako kaya ayun. Hehe, sorry habit ko na talaga 'tong ''ay kabayo'' ko eh." Sabi ko habang nakafake smile. "Ahh... Sige, kumilos na tayo kaya Ms. Luna sumama ka sa akin." Sabi niya sabay hila sa kamay ko at napainit na naman ang mukha ko. Tumingin ako kay Benetha na kanina pa tumahimik kaya may pinahabol muna akong sinabi sa kaniya. "Sige Benetha, alis muna kami." Sabi ko habang lumalakad. Habang papadaan kami sa mga studyante ay... Gaahhh... I can feel their eyes... watching me.... "Lord God, ikaw na po bahala sa akin." I mumbled, kung makatingin kasi eh! Parang may balak imurder ako mamayang gabi! Wuy! Babae 'to! Hindi lalake! 'Wag kayong tanga! Ano ba 'yan! Sarap talagang isigaw 'yun! "Ms. Luna, hindi mo ba nagustuhan lahat 'yung binili kong damit sa iyo?" I snapped out mentally. Napansin niya ang uniform ko. Nafefeel ko 'yung dissapointment sa boses niya so I explained it to her. "Well... About that, 'nung sumulong ang mga manyak na tagageothems kahapon, lumabas kaming lahat sa dorm at 'nung pagbalik ko, punit na lahat ang mga damit. Sarap ngang kalbuhin at ipakain sa mga aso 'yung mga manyak na 'yun eh!" Sabi ko sa kaniya. Okay, I lied to her! Sa totoo lang si Athea talaga ang may gawa 'nun eh! "O-Oh, I see, bibili nalang ak-" "Wag na, ako nalang ang bibili mamaya!" Sabi ko sa kanya. "No, I insist, ako nalang ang bibili, tsaka gusto rin ng hari na makausap ka mamaya kaya hindi ka makakalabas sa Kastilyo." Ha? "S-seryoso?" Utal na tanong ko sa kaniya. "Yes." Tanging sabi niya. Wait... Bakit ba ako gustong makausap ng hari?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD