Episode 15: Holdapper

2882 Words
Amaya Nandito ako ngayon sa Sal- Salsa- ano nga 'yun? Salsiarra? Oo! Salsiarra! Para bumili ng damit. Suot ko ngayon ang pulang cloak, bigay kasi 'to ni Dianne sa'kin kahapon, binisita niya kasi ako kasama si Sally at Drake. Binigyan din ako ng bag of gold coins ni Allen kahapon. Nakakahiya! Sa totoo lang, nahimatay talaga ako 'nung nakita ko si Phobum kahapon na biglang nagtransform tapos biglaan nalang ding nagsalita! Nabigla talaga ako 'nun sa totoo lang. Nilagay ko ang mga damit na napili ko at nilagay na ito sa counter. "Ito lang po ba lahat miss?" Tanong ng babaeng tindera kaya tumango ako. Mga nasa 40's na ata siya 'tas ang damit ang simple lang... Parang nasa medieval era sa lugar ng Paris. "12 coins lang po iyan lahat miss." Sabi niya sabay ngiti. Nilabas ko ang bag at binilang ang coins hanggang umabot ito ng 12. Binigay ko sa kaniya ang coins at nilagay ko na sa loob na dala dala kong basket ang damit at umalis na habang dala ito. Tiningnan ko ang paligid na ang sahig ay gawa sa bricks habang may mga taong bumibili rin sa mga nakatukod na stall sa gilid. Ang ganda pala dito noh? Tahimik... Malinis... Tsaka walang palaging away ng away, hindi kagaya sa Earth na halos nagbabarilan na sa loob ng palengke. Hayst... Bigla nalang may malakas at mabilis na bumangga sa'kin kaya napatilapon naman ang basket kong hawak dahil sa lakas ng impact ng pagkabangga niya sa akin! Tumakbo ba 'yun?! Bigla nalang may tumakip sa bibig ko at may braso na nakasakal sa leeg ko saka kinaladkad niya ako papunta sa sikip at medyo madilim na lugar kaya halos hindi ako makagalaw sa bigla at sa bilis na nangyari. I groaned because of pain nang bigla niya akong tinulak sa dingding at nilagay ang kamay niya sa dingding na tabi lang sa mukha ko! Parang nanginginig ang buong katawan ko, hindi ko na maramdaman ang katawan ko dahil sa takot ko ngayon nang bigla niyang pinakita sa akin ang kamay niya na biglang may apoy na lumalagablab. Hindi ko makita ang buong mukha niya dahil sa itim niyang mask at hood kaya natatakpan ito ng anino! Biglang nanuyo ang lalamunan ko. "Ibigay mo sa akin iyang gold.." Nakakatakot nitong utos sa akin. Sino ba 'to?! Tsaka ang suot niya ay parang sikip na sleeveless leather at may itim na tali sa braso niya tapos nakasuot ng itim na cloak! "S-Sino ka?!" Ano na ang gagawin ko?! Bigay 'to ni Allen sa akin! Tsaka ang sayang naman ng damit ko naiwan ko 'dun! Bigla itong lumapit sa leeg ko at ramdam kong binaba ang mask nito kaya mas lumalim at bumilis ang pahinga ko dahil sa kaba! "Tagageothem ako kaya ibigay mo na iyang gold na tinago tago mo sa likod mo, kundi itong fire blade ko... Susugatan 'tong maputi... mong leeg..." Napalaki naman ang mga mata ko at biglang may nginig na dumaan sa likod ko. Halos nahawakan na kasi ng labi niya ang leeg ko eh! Tsaka t-tagageothem?! Kailangan ko talaga 'tong sabihin kay Allen mamaya! "Ms. Luna?!" Napalaki ang mga mata ko at lumingon sa labas. Si Ember! "E-" Bago pa ako sumigaw ay tinakpan agad ng lalake ang bunganga ko at niyakap niya ako ng mahigpit galing sa likod ko sabay tutok ng dagger sa leeg kong gawa sa sunog! May namumuong luha galing sa mga mata ko dahil sa takot at parang lalabas na talaga ang puso ko sa kaba! "Wag kang maingay." Bulong niya sa tenga ko. Takot na takot na ako ngayon! Parang mamaya nito kikidnapin na naman ako tapos irarape... Tapos..... Papatayin ako.... Hindi ko na malalaman kung ano 'yung nangyari kay lolo noon.... Hindi matupad ang promise kay mama na protektahan ang Prinsepe.... Mama.... Sorry.... Sorry kung hindi ko matupad ang promise ko! Iyak ako ng iyak habang ang kamay ng lalake ay nakatakip parin sa bunganga ko. Gusto kong sumigaw ng malakas, pero nawawalan ako ng lakas dahil sa takot! Ramdam kong may dumaan na malamig na hangin at inihipan ang mga luha ko kaya napailing ako. Lumaban ka Amaya! Dinikit ko ang mga kilay ko at may lakas ng lumaban! "Mmmmp!!! Mmmmpp!!!! Mmmmmp!!!!" May lakas na talaga akong sumigaw kaya sigaw ako ng sigaw pero mas hinigpitan niya ang pagtakip sa bunganga ko! I struggled and struggled habang yakap niya ako sa likod. "Sabi... Ng huwag... Kang maingay..." Diin nitong utos sa akin. Alam ko na bulong lang 'yun pero parang may balak talaga siyang papatayin ako mamaya. Ayoko pang mamatay.... Hindi muna sa ngayon... KAILANGAN KO PANG MALAMAN ANG NANGYARI KAY LOLO! Tumalon ako habang yakap niya parin ako pero natamaan ko ang chin niya sa ulo ko at 'yun ang dahilan na nasira ang fragile na tali ng buhok ko. Nabitiwan niya ako dahil sa sakit ng pagkatama ko sa chin niya kaya may chance akong sipain siya. Nabigla nalang ako na biglang gumalaw ang katawan ko. I spun at sinipa ng malakas ang mukha niya kaya napatilapon siya at napadikit sa dingding at naalis ang mask sa mukha niya. How the hell did I do that?! I snapped out at galit na galit na tumingin sa lalake. "Hinding-hindi ko talaga makakalimutan iyang mukha na 'yan." Sabi ko sa kaniya at tumakbo na. Tinago ko ang bag of coins sa bulsa ko nang may biglang- Nagmala-slow motion ang oras ko 'nang may humila sa braso ko kaya paglingon ko nakita ako ni Ember at tinitigan ako. Nakita niya akong nakababa ang buhok ko! Nasira kasi ang tali ko! So I snapped out at dali daling binawi ang braso ko tapos tumakbo ng napakabilis hanggang sa makakaya ko. This is bad... Hindi ko gustong may makakita na nakababa ang buhok ko! Kaya tumago ako sa isang masikip na corner at umupo tapos pinunit ang hem ng blouse ko para itali ito sa buhok ko at iniwan ang bangs ko. Tumayo na ako at napalaki naman ang mga mata ko dahil halos makita na ang tiyan ko dahil sa pagpunit ko! Ang tanga ko talaga! Napakamot nalang ako sa ulo ko dahil sa katangahan ko! "Ah! Alam ko na..." Inalis ko ang cloak ko at itinali 'to sa waist ko para matakpan ang punit. Nice! Para na akong nakadress nito. Inayos ko muna ang bangs ko at lumabas na ako sa sulok at nabigla nalang ako nang may humila ulit sa braso ko. "Ms. Luna!" Lumingon ako at si Ember na naman pala ito. "Ember? A-anong-" Hindi pa ako makapagtapos ng pagsasalita ay bigla siyang sumigaw. "Nakita mo ba 'yung babaeng mataas ang buhok?!" Huh? Wait, habang tumakbo ako kanina... Parang wala, wala naman akong nakikita, nakatali kasi ang iba at maiksi. I shook my head. "Wala, bakit?" Tanong ko sa kaniya at dahan dahan na niyang binitawan ang braso ko na may pagkadismaya. "She's just... My- my.... My cousin's crush!" Medyo naiilangan siya sa mga sinasabi niya kaya napadikit ang mga kilay ko. And wait! May pinsan siya?! Tiningnan niya ang mga mata ko kaya umiwas ako ng tingin sa kaniya. "Umiyak ka ba kanina Ms. Luna?" Nahalata ba niya?! "Bakit ka ba umiyak Ms. Luna? May mas-" Tinaas ko ang mga kamay ko sa dibdib ko and shook my head. "Wala! Wala, Wala! Hehe, napuwing lang kanina! Ahaha!" Umiwas ako bigla ng tingin at tumalikod. Jusme 'tong babaeng ito! Mukha talagang lalake! "Ah, Ms. Luna ang basket niyo po." Sabi niya at humarap naman ako sa kaniya. Ang damit ko.... Kinuha ko ang basket sa kaniya at naalala 'yung nangyari kanina kaya napaupo ako sa lupa at niyakap ang basket tapos umiyak na naman. First time 'yung nangyari sa akin... "Ms. Luna?! Ms. Luna! May sakit ba sa katawan mo?! Ms. Luna?" Tanong niya habang hawak ang dalawang braso ko. "Okay lang ako, may bigla kasing humoldap sa akin kanina eh, takot lang ako, iyon lang." Sabi ko habang yakap parin ang basket ko at binura ang mukha ko sa fabrics ng damit. Nabigla nalang ako na kinarga niya ako, bridal style kaya napatulala na naman muna ako sa kaniya. Mukha talaga siyang lalake... "Ako na ang maghahatid sa iyo papunta sa dorm, hindi ko kasi gusto na makakita ako ng babaeng umiiyak kaya okay lang na iiyak ka sa braso ko basta hindi ko lang makikita." Pati boses parang lalake... Bigla ko naman binura ang mukha ko sa braso niya at umiyak na naman. ---- Nandito na kami sa harapan ng dorm namin kaya binaba na niya ako. Grabe ang lakas talaga ni Ember kaya akong kargahin galing sa Salsiarra hanggang dito! Ang layo kaya dun! Idol na talaga!  Nilagay ni Ember ang kamay niya sa balikat ko kaya humarap ako sa kaniya. "Okay lang ba ang braso mo Ember? Mukhang ang layo kasi at tagal ng pagkarga mo sa akin." Pag-alala ko sa kaniya. Sasakit kasi ang braso mo niyan. Umiling ito saka kinibit ang mga balikat. "Hindi naman, tsaka ensayo na 'yun para sa mga balikat ko. Ginawa ko lamang iyon dahil matagal na akong hindi nakapag-ensayo. Pasensya na sa paggamit sa'yo na walang pahintulot." Sabi nito saka yumoko. "Ah, eh a-ano! Okay lang yon! Ano kaba!" Tumayo na ito ng maayo saka inayos ang damit nito at tiningnan ako saka mabilis na umiwas sakin ng tingin kaya napataas ang mga kilay ko sa kaniya. "Spring na bukas Ms. Luna, kaya maghanda ka na sa first day of class mo dito sa Cladonia Academy." Sabi niya kaya tumango na lang ako. Hayst.... Bukas na pala ako papasok sa school. Ano kaya ang itsura sa loob ng mala-kastilyong Academy na iyan? Curious ako... She snapped her finger. "Tama, sabi ng mahal na Prinsepe kanina ay magkita daw kayo sa Cladonia river mamayang hating-gabi, diyan lang sa labas ng Atreyu, iyang maze na iyan, pero dapat mo munang daanin ang Atreyu papunta sa labas para makita mo na ang Cladonia River." Sabi niya at tumango tango naman ako. Tumingin ako sa maze at... nganga. "Don't worry about it, it will test your skill about directions." Kailangan ko pa ba talagang dadaanin iyang maze na iyan?! Eh baka mastuck ako diyan?! Tsaka hating-gabi pa?! Lumingon ako kay Ember balik at... "Wala na?" Napakamot naman ako sa ulo ko at pumasok nalang sa loob habang dala-dala ang basket. I heave a sigh... Para na talagang lalake si Ember noh? Tsaka ba't bang napakagentleman pa niya?! Tsaka 'yung muscles niya... Naku! Ano na ba 'tong iniisip ko?! Ang muscles niya kasi eh! Hindi ako maniniwala na babae siya. May abs kaya siya? Biglang uminit ang buong mukha ko 'nung iniisip ko 'yun. I sighed... Kailangan na kailangan ko na talagang maliligo para makapagtulog na rin ako ng maayos. Ay tama, pupuntahahan ko pa pala ang maze. Nasa harapan na ako ng pinto kaya binuksan ko na ang pinto sa kwarto namin ni Athea at sumilip muna sa loob kung nandito na ba siya ngayon. I sighed heavily as a relief at nagmamadaling tumakbo sa loob paderetso sa kwarto ko. Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko at pumasok sa loob. Sa totoo lang, ang swerte ko talaga dahil ito ang naging room ko pero hindi rin ako swerte dahil si Athea ang karoommate ko. Ito lang kasi ang kwarto sa dorm na may kusina at bathroom ang iba dun na sila maliligo sa baba. May napakalaking bathtub kasi 'dun sa baba, mga sampung bathtubs ang nandun, at pwedeng makasya ang halos sampung tao. At itong bathtub dito ay para lang talaga sa dalawang tao pero hindi ako makakagamit nito tuwing si Athea ay nandito. Kaya since wala pa siya ay dapat ko ng gumalaw. Hindi ko alam kung may private bathroom at kusina ang kwarto ni Ember. Basta ang nalaman ko lang ay hindi siya sumasabay maliligo sa mga babae doon sa ibaba, pati rin sa malaking dining room sa ibaba, bihira lang daw na makikita nila si Ember dun kahit dumadaan lang. Dumeretso na ako sa bathroom habang may dalang towel. Tumampisaw na ako sa tubig at brrr... Ang lamig! Hehe... pangalawa ko na 'tong nakapagligo ng bathtub! Hanggang tabo lang kasi ako noon. Magpraktis kaya ako dito na gamitin ang kapangyarihan ko. Okay... inhale... exhale... whoo! I can do this! Tinaas ko ang dalawa kong kamay at tumaas rin ang tubig. Ginawa kong parang bola ang tubig at nagiging bola siya! Ginalaw ko ang kamay ko from left to right at sumunod rin ang tubig! Kaya ang ginawa ko ay pinapalipad ko ito sa itaas at pinasabog. I giggled dahil sa tubig na nagshoshower down sa akin na parang ulan. Kahit ano na ang ginagawa ko sa mga water ball kong pinraktis, pinalipad kahit saan, pinasabog sa mukha ko, at higit sa lahat pinaulan sa ulo ko ulit. Biglang nasira ang moment ko nang may kumatok sa pinto. Nabigla naman ako nang sumigaw si Athea sa labas ng pinto. "Hoy! Lowclass! Bilis-bilisan mong pagliligo diyan! Kundi pasasabugin ko 'tong pinto!" Napataranta nalang ako 'nung bigla kong narinig ang boses ni Athea sa labas. Nagmamadali akong umalis sa tub at binalot ang puting towel sa katawan ko at lumabas na sa bathroom. Nakita ko si Athea na nakatingin sa'kin ng masama habang nakaupo sa sofa. She just flipped her red hair na nakapony tail at tumayo saka dumeretso na sa bathroom then shut the door closed. Hayy... dumeretso nalang ako sa kwarto ko at inilabas ang puting long sleeve na bistida ko at sinuot 'to. Bili ko kasi 'to kanina. Tiningan ko ang wall clock na isang ugat lang ng puno sa itaas ng pinto ko at... Grabe... halos magdadalawang oras na pala ako kanina sa banyo. Hehe... Sinuot ko ang puting rubber shoes ko na galing sa Earth at bumaba na lang ako para pumunta sa dining room sa ibaba. Nandito na ako sa dining room at wow... ang laki pala dito... parang nasa isang mamahaling hotel... andaming pagkain... at may malalaki pang chandeliers sa itaas. Halos carpeted ang kada tables dito at gawa sa marble ang sahig. Ang tables naman ay gawa talaga sa glass tapos may nakadikit na designed gems. Lumapit ako sa mga fairies na nakabantay sa mga plato, utinsils, baso... etc, at binigyan nila ako ng isang tray na may lamang bowl at gold na utinsils. Lumapit ako sa mga faries na nagbibigay ng mga pagkain at nilagyan naman nila ang bowl ko ng soup at macaroons... wow... Pagkatapos 'nun ay lumapit ako sa isang table na walang nakaupo at umupo dito pagkatapos ay nagsimula ng kumain. Hhmmm... Mushroom soup... delicious... ------ Pagkatapos kong kumain ay dumeretso na ako sa Atreyu para magkita daw kami ni Allen... I heave a sigh habang kaharap ang maze garden... "Parang matatagalan ako nito..." Bulong ko sa sarili ko at pumasok na ako sa loob ng maze habang nagcross fingers. Kailangan ko talagang- May bigla akong naapakang ugat ng halaman kaya nasubsob ako at dumeretso ang mukha ko sa lupa! Nakita kong may buhok sa tabi ko kaya nagpapanick na ako at dali daling bumangon saka ginawa ang makakaya ko para matali ang buhok ko na walang tali! Nakalimutan ko palang magtali ng buhok kanina! May naramdaman akong presensiya sa malayo kaya lumingon ako kung saan 'yun at nakita ko ang isang maliit na anino na parang sumilip sakin kaya tumayo ako at nakita kong tumakbo siya! Sinundan ko 'yung maliit na creature at biglang suminag ang napakalaking buwan sa amin kaya nakita ko kung anong itsura niya. Napakurap ako sa nakikita ko. Ba't ang payat niya? Tsaka ang laki ng ilong niya tapos ang skin niya ay color gray. Baka isa lang 'tong batang creature na nawala? Pero ba't ang tanda na ng mukha niya? Dahan dahan ko itong nilapitan. "Hey... huwag kang matakot, hindi kita sasaktan. Kung gutom ka may pag-" Hindi pa ako nakapagtapos sa pagsasalita ay bigla niya akong inatake gamit ang isang itim na dagger pero madali akong nagbend para mailagan ko pero ang bistida ko sa parte ng dibdib natamaan ng dagger kaya napunit! Nagalit ako sa ginawa niya kaya tumakbo ako papunta sa kaniya at bigla siyang tinalunan! Nakapatong ako sa kaniya ngayon at nagsampalan kaming dalawa. Sinakal ko siya dahil galit na galit na talaga ako eh! "Ang bait ko sana sa iyo kanina! Pero bakit mo ako inatake?! Tsaka bagong bili 'tong damit ko! Pinunit mo lang?!" Sigaw ko sa kaniya habang niyugyog ang leeg niya kaya napahawak siya sa kamay ko na nasa leeg niya. "Ack! Ack!" Tanging lumabas sa bibig niya habang sinakal ko siya. Bigla nalang may isang dagger na muntikan ng tumama sa akin at ang natamaan ay ang batang sinakal ko sa ulo nito! Kaya napatalon naman ako sa takot at binitiwan ito nang biglang pumayat ang bata hanggang sa nawala na, na parang abo. S-sino? Sinong may gawa 'nun?! Napatalon naman ako ulit nang tumunog ang napakalaking tower sa malayo! Jusme naman! Napalingon naman ako sa likod ko dahil may biglang lumiwanag sa kabila at dahan dahan itong nawala. Sinundan ko kung saan galing 'yung liwanag at... Ang river! Dali dali akong tumakbo papalabas ng maze kaya hingal na hingal ako papunta sa river. "Goodevening." Napatigil nalang ako 'nung narinig ko ang boses na 'yun. Lumingon ako sa likod ko at... "IKAW?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD