Episode 14: Back To Earth

2844 Words
Amaya Bigla akong may narinig na tunog ng alarm clock kaya naimulat ko ang mga mata at bumangon ako sa kama saka pinatahimik ito. Sakit kasi sa tenga eh. I yawned kaya nakita ko ang color pink na ceiling na punong-puno ng hello kitty stickers sa itaas ko ngayon, at mukhang pamilyar 'tong kwartong 'to. Wait... Hello... Kitty....? Hello kitty?! I gasped at biglang umalis sa kama tapos tumingin sa paligid. Oh... My.... Ba't nandito ako sa kwarto ni Ashley ngayon?! Hinawakan ko ang dibdib ko dahil sa kaba at hinawakan ang buhok kong mataas. So ibig sabihin..... Bigla akong tumawa ng malakas dahil sa saya! "Ahaaa!!! Hahaha!!!! Panaginip lang pala 'yun lahat! Haha! Kapangyarihan daw! Tapos ang ganda ko daw! Tapos Prinsepe?! Tapos babaeng ang pogi sana! Tsaka ang hot ng muscles! Naku! Hahaha! Haha... Hahaha.... Ha.... Hayy... Ibig sabihin stuck parin ako sa pagiging alipin dito." Sabi ko sabay yuko 'nung binulong ko 'yung last part. Pero... Something's strange... Ba't ba ako nakatulog sa kwarto ni Ashley? I heave a sigh... Kailangan ko na talagang magbihis. Tumingin ako sa damit ko at... Ba't suot ko rin 'tong t-shirt ni Ashley na Hello Kitty? Bigla nalang bumukas ang pinto kaya nabigla ako! "Sis! Amayaaa!" Biglang bumungad sa pinto ang babaeng ang kapal ng make up na halos nagiging clown na ang mukha nito. "A-Ashley?" Sabi ko at bigla nalang niya akong niyakap ng mahigpit. Napakunot na talaga ang noo ko dahil sa actions niya ngayon. Anong sis?! Kumalas siya sa pagkayakap sa akin pero hinawakan niya parin ang mga braso ko. "Bakit ba hindi mo sinabi sa akin sis?! Na dun ka lang pala natutulog sa boyfriend mo for 4 days?!" Mas kumunot ang noo ko 'nung sinabi niyang natutulog daw ako sa boyfriend ko for 4 days. Eh wala naman akong boyfriend ah. "A-anong boyfriend? Wala naman akong boyfriend ah." Sabi ko habang nagfefake na tumawa kay Ashley. Tinaasan niya naman ako ng kilay at kinibit ang mga balikat nito. "So hindi mo 'yun boyfriend? Eh sabi nga niya na boyfriend mo daw siya eh." Teka, teka... Kung sino man 'tong lalakeng nagpapanggap bilang boyfriend ko ay ipapakain ko talaga sa aso! "Sino ba 'yung may sabi na may boyfriend ako?" Tanong ko sa kanya. "Amaya?" Parang binuhusan ako ng sobrang lamig na tubig 'nung may tumawag sa pangalan ko. Th-this can't be... Binura ko ang mukha ko sa mga palad ko at sinampal ang mga pisngi ko, softly. Palapit ng papalapit ang boses niya hanggang nandito na talaga sa loob ng kwarto. "Oi, Am-" Bago pa siya magsalita ay bigla akong sumigaw habang binura parin ang mukha ko sa mga palad ko. "Akala ko panginip lang lahat 'yun! Ayoko na ng muscles!" Sigaw ko. Totoo pala 'yun lahat! Ba't ba kasi nandito ang Prinsepe sa bahay ko?! At paano ba ako nakabalik dito?! "Ahm.. Ash? Pwede bang iwan mo muna kami dito?" Dali dali kong binaba ang mga kamay ko at tumingin sa Prinsepe. Ash?! Close na sila?! Agad agad?! Lumapit ito kay Allen at nilagay ang kamay nito sa dibdib ng Prinsepe. "Of course, Cutie." Laglag panga ako habang nakatitig kay Ashley na nagwiwink kay Allen. Kaya pala ang bait niya sa'kin kanina. Umupo nalang ako sa kama na hindi makapaniwala. Wow, what a good actress. Rinig kong nagcleclear throat si Allen sa frame ng pinto na nakasandal nito. "Bakit? Ano palang meron kay Ash?" Tumingin ako sa kanya at tinaasan ito ng kilay. Seryoso?! Ash tawag niya kay Ashley?! Ugh! "Oo, Ash ang tawag ko sa kanya, bakit? Nagseselos ka ba?" Sabi ni Allen sabay taas baba ng mga kilay niya. Ako? Magseselos? Ang kapal naman ng mukha ko para magselos ako, eh hindi naman kita PAGMAMAY-ARI. Tsaka, ano ba 'yung pa "Cutie" ni Ashley sa iyo? Nakakairita sa tenga! "Okay, you're jealous." Sabi niya sabay tawa. Potek na tawang 'yan! Tigilan mo na nga 'yan! "Okay, okay, titigilan ko na. Haha, grabe ka pala magseselos noh? Ang cute." Ubos na talaga ang pasensya ko dahil sa mga ngiti niyang... Ang... Ang... Grrr!! Kinuha ko ang hello kitty na unan at tinapon ito sa mukha niya pero hayst.... Sinalo niya lang... "Geez princess! Chill. Ang gwapo ko talaga noh? Aminin mo nalang kasi na gwapo ako. Malalaman at malalaman ko rin naman na may crush ka pala sa akin." Sabi niya sabay taas baba na naman ng mga kilay nito. "Ano?! At kailan naman ako magkacrush sa 'yo! Eh! Natatakot na nga ako sa pagwhiwhistle mo 'nung tinawag mo 'yung malaking puting-" "Verluz." Pagcocorrection niya saken. "Oo, Verluz! Sorry nakalimutan ko ang pangalan ng ib-" "Zedra." Ang hilig mo palang pumutol ng pagsasalita noh? "Well, on the second thought, I'm just correcting your mistakes." Ahem! Tama na ang English please, gusto ko ng malaman kung bakit ako nandito. "Tama! Buti pinaalala mo ako. Well, pinabalik ka dito ng hari dahil ngayon na ang araw na kunin mo na ang lahat ng mga gamit mo para 'dun ka na titira sa mundo namin." What?!  Tumayo ako at lumapit sa kanya. "At bakit ko naman dalhin ang mga gamit ko dun?!" Hindi ko namalayan na sinigawan ko na pala siya kaya napa ''oops! Sorry'' naman ako. He heaved a sigh. "I-explain sana iyon ng Hari kahapon lahat sa'yo eh, pero wala na siyang panahon para makipag-usap sa iyo. Kailangan mong dalhin ang mga gamit mo doon, para doon ka na titira at mag-aral, ngayon na kasing Spring magsisimula ang klase sa Cladonia Academy." What?! Naku.... Bumalik ako sa kama saka humiga sa ulit dito habang nakataas ang mga kamay ko. "Hayst.... Akala ko talaga na panaginip lang 'yun lahat." I murmured. Ang imposible kasi lahat 'nung nangyari eh! Lalo na si Ember na babaeng babae may malalaking muscles. Tsaka lolo ko daw na Water element Guardian, tapos may kapangyarihan akong kontrolin ang tubig... Hayyyst... "Amaya, pwede bang magsimula ka ng mag-empake? Baka makain kita- I mean naiinip na ako sa kapatid mo eh." Bumangon ako sa kama and I glared at him. Really? Kapatid ko? Tsaka anong makain mo ako?! Ha?! "Psh! Imahenasyon mo lang iyon! Tsaka iyon 'yung sinabi niya sa akin kanina eh, na magkapatid kayong dalawa." Sabi niya sabay bugaw sa akin gamit ang kamay niya. I bit my lower lip. She's just acting nice, huwag kang padala, dahil NEVER EVER 'YANG NAGIGING KAPATID SAKIN. "Okay, mag-uusap tayo mamaya kaya mag-empake ka na." Sabi niya sabay wink at lumabas na sa kwarto. I heave a sigh... Ba't ba ang gwapo mo? Para na akong baliw dito na palaging ngisi ng ngisi kaya bumangon nalang ako at ginulo ang buhok ko. "You know what Amaya? Kailangan mo na talagang mag-empake. Hahayst... Buhay na punong puno ng imposible." Sabi ko sa sarili ko at lumabas na sa kwarto. ----- Nandito ako sa farm house namin ngayon habang dala ang color blue kong backpack na naupuno ng tahi. Dinala ko 'yung tatlong story books ni mama na hindi ko pa nabasa at kinuha ang dalawa pang libro sa shelf na halos matatakpan na ng spider webs at alikabok nang bigla nalang may isang maliit na itim na libro na nahulog sa gitna ng story books kaya pinulot ko ito. Para siyang isang bibliya.... May gold designs na parang stars na nakakonektado ito. Hmm.... Mom's white horse suddenly neigh at my side. Nakakulong ito kaya nilagay ko na lahat ang mga libro sa backpack ko, including the black book. Hinawakan ko ang ulo ng kabayo at ginulo gulo ang puting buhok niya. Hayst... "Walang ligo for the past four days huh?" I heave a sigh. Nabigla naman ako nang muntikan niya akong sipain kaya napatumba ako sa lupa at may nakita akong biglang suminag galing sa paa niya. Wait.... Tumayo ako at pinagpag ang hello kitty na dress na suot ko. Lumapit ako sa kabayo at tinaas taas niya palagi ang right foot niya sa akin. Kinuha ko ang paa niya at pinapaharap ito sa mukha ko. Napanganga ako sa taka at bigla sa nakita ko. "Ba't may susi sa paa mo?" Tanong ko sa kanya. Eh, may susi kasi eh, nakadikit sa paa niya na para bang nakapasok talaga sa matigas niyang paa. Parang nilamon nito ang susi sa matigas niyang paa. Binaba ko na ang paa niya. "Okay, babalikan kita ha? Diyan ka lang, and don't move." Utos ko nito at lumabas sa farm saka tumakbo pabalik sa loob ng mansyon. Dumeretso ako sa kusina at nagmamadali akong humanap ng kutsilyo para makuha 'yung susi. Humalungkat ako sa drawer at may nakita akong kutsilyo kaya babalik na sana ako sa farm house nang biglang... Napatayo nalang ako ng maayos at binigyan siya ng ngiti sabay tago ng kutsilyo sa likod ko. "Ashley!" Sabi ko and she crossed her arms then rolled her eyes. "Hi rag, nakita mo ba si Rave?" Wait! Nickname ni Allen ang tawag niya sa kanya?! I just cleared my throat. "Hindi po." Sabi ko. Medyo nasasaktan ako 'nung tinawagan niya ako ng rag. Well, rag talaga ang tawag niya saken since nagsimula na 'yung pagiging alipin ko dito. Her face suddenly brighten 'nung tumingin ito sa likod ko. "Oh! Nandito na pala siya! Hi CUTIIEE!!" Sigaw niya sabay bangga sa kaliwang balikat ko. Nagsimula nalang akong lumakad papalayo at tinawag naman ako ni Allen but I just ignored him. "Amaya! Ah... hehe... Pwede bang puntahan ko muna si..." Rinig ko sa malayo pero binalewala ko lang. Pagdating ko sa farm house ay bigla kong hinila ang paa ng kabayo kung saan galing 'yung susi kanina at ginawang alisin ito gamit ang kutsilyo. Hindi ko alam kung bakit galit ako! Hindi naman ako nagseselos, nabwebwesit lang talaga ako sa bawat actions ni Ashley kung paano siya lumalandi sa mga kaibigan ko! Naalala ko na naman 'yung kaibigan kong si Roland... Kawawang Roland... Hindi ko pala namalayan na nakuha ko na pala ang susi kaya tinitigan ko na naman itong susi ng maigi sa kamay ko. Teka... May nakakurba sa susi at familiar 'tong nakasulat ah. Napkunot ang noo ko dahil hindi ko talaga maintindihan ang mga nakasulat dito. Biglang naalala ko ang maliit na puting box ko sa loob ng attic. Magkaparehas kasi sila ng sulat doon at sa nakasulat dito sa susi. Bigay kasi 'yun ni mama sa akin, sabi niya bigay daw iyon ni lolo sa akin... Hayst... Sana nakita ko kung ano talaga ang hitsura ni lolo noon. Nagmamadali naman akong lumakad pabalik sa mansion. Nasa fourth floor kasi ang attic tapos may isang pinto dun at 'yun ang daan papuntang rooftop. Hayst! Hagdan! I just shook my head at kinamot ang ulo ko dahil sa hagdan na ito kaya ngsimula na akong paakyat sa hagdan. ----- Nandito na ako sa loob ng attic kaya hinanap ko 'yung may markang 'x' sa sahig na gawa sa kahoy kaya gumapang ako dito para hanapin iyon. 'Dun ko kasi 'yun tinago, baka kasi kunin nila Ashley ang box tapos buksan nila. Naku! May promise pa naman ako kay mama! Nakita ko na ang 'x' na marka sa sahig kaya dali dali kong binuksan ang wooden board. Teka... Ba't nawala 'yung favorite pen ko dito?! Kay papa 'yun! Bigay niya 'yun sa 'kin! Baka kinuha 'yun ni madam... Dahil sa galit ko ay bigla nalang tumulo ang mga luha ko. Nakita ko ang isang family picture namin nila mama at papa kaya niyakap ko ito at umiyak parin. "Buti tinago kita sa ilalim ng mga tela, wala na akong ibang gamit para maalala si papa... bakit? Bakit ba ako tinrato nila ng ganito? Eh, wala naman akong ginawang masama ah..." Ansakit... Pati ballpen na galing kay papa kinuha... Bigay pa naman niya iyon sa 'kin.... Tumigil na ako sa pag-iyak at pinunas ang mga luha ko sa mga pisngi ko gamit ang mga kamay ko. Kinuha ko 'yung puting maliit na box na may silver na design. May nakasulat sa box na gawa sa silver kaya kinuha ko 'yung susi sa bulsa ko at inilapit ito sa box. Magkaparehas nga sila ng sulat... May nakita akong isang lock sa harapan ng box kaya inopen ko ang box gamit ang susi. Biglaan nalang itong umilaw ng malakas kaya inilayo ko ang box sa akin habang hawak ito at dahan dahan ng tumigil ito sa pagiilaw. May flashlight ba ito sa loob?! A-ano na naman iyon?! Dahan dahan kong inilapit sa'kin ang box at.... "May papel?" Kinuha ko ang papel sa loob at dali daling binuklat ito. Dear Amaya, Sawakas at nakita mo na talaga ang susi, sorry ah kung pinapahirapan pa kitang hanapin ang susi. Hindi ko kasi gusto na malaman 'to ng papa mo. Baka kasi ireport niya agad na totoo pala ang mga fairies at magics at tungkol din sa ibang mundo, ang Norton, alam mo na... reporter... Kung nagtataka ka kung bakit may kwintas dito sa loob... (Teka... May kwintas sa loob ng box?) sa lolo mo kasi iyan. Sabi niya sakin na kapag magiging 18 ka na ay ibibigay ko na 'to sayo, pero dahil sa pinroblema namin ng papa mo ngayon ay mukhang hindi na ako magtatagal pa dito sa mundong 'to. Kaya anak, sundin mo ang yapak ng lolo mo at maging isang Guardian para protektahan mo ang prinsepe ng Lemore Kingdom, dahil kung wala siya, wala na tayong araw na nagsisilbing gabay natin. Mag-aaral ka ng mabuti sa Cladonia Academy ah. Sorry anak ha, kung mawalay man ako sa 'yo at maiwan kita na mag-isa. Sayang nga eh, hindi kita makikita na ga-graduate sa Cladonia.. Magiging malakas ka 'dun okay? Si Phobum na ang bahala sa iyo anak, Zedra iyon ng lola mo, 'yung puting kabayo. Lagi mong iisipin anak ha, na mahal, na mahal, na mahal kita. Nagmamahal mong ina, Mia Niyakap kong mahigpit ang sulat at umiyak na naman. Salamat mama at binigyan mo ako ng isang alaala galing sa iyo... ------- Bumalik ako sa farm house habang suot na 'yung kwintas na bigay ni lolo sa 'kin. Isa siyang circled cage na may dalawang heart sa gitna. Nagtaka nga ako eh, kung bakit may dalawang maliliit na blue glowing balls sa loob ng kwintas. Tiningnan ko si Phobum at tinitigan niya rin ako. Sasalita 'to, alam ko. "Hello Phobum." Sabi ko sabay smile. Salita na! Sus! Mahihiya pa! "Ba't hindi ka makasalita? Diba isa kang Zedra?" Tanong ko sa kanya at panay snob naman ito sa 'kin. Sinira mo moment ko! Alam mo 'yun?! Hayst! Alis na nga tayo dito! Binuksan ko ang pinto ng kulungan niya at inalis na ang lahat ng tali sa katawan niya. Kumuha ako ang isang tali para itali ito sa leeg nito. Well, sorry po kung hindi ako marunong magtali sa baba ng kabayo! Huhu, mukha na siyang aso... Pinulot ko ang backpack ko at isinabit ito sa kaliwang balikat ko. "Halika na Phobum, alis na tayo dito." Sabi ko at nagsimula ng lumakad papalabas ng farm house at dumeretso sa punong narra namin sa tabi ng bahay. Sabi kasi ni Allen na dito muna ako hihintay sa punong Narra namin. Nakita ko ito sa hindi malayo si Allen at nag-wave sa akin. "Amaya! Alis na- teka, ba't may dala kang kabayo?" Tanong nito habang turo kay Phobum. "Hindi ko gusto na maiwan 'tong kabayo ko dito sa kamay ng mga demonitang mag-inang 'yun." Seryosong sabi ko sa kanya. Ginamit ko ang tali sa wrist ko at itinali ang buhok ko pero iniwan ang bangs ko. "Ba't mukhang walang damit 'yang backpack mo?" Eh kasi wala naman akong ibang damit dito na useful... "Ah, nevermind. Sige, alis na tayo dito, nanginginig na ako sa pinag-iisip ni Ash." Hehe... 'Yan talaga si Ashley. Baliw sa gwapo kaya kahit ano na ang pinag-iisip. Hindi ko namalayan na may butas na pala ang puno kaya binaba ko na ang mga kamay ko dahil tapos na ako sa pagtali ng buhok ko. Pumasok nalang kami habang dala ang tali at ang backpack ko. Nakakasilaw talaga dito sa loob... Ba't ba hindi nasisilawan si Allen? Of course hindi na iyan masisilaw! Eh siya na 'yung sinag eh! Sumisinag na dahil sa kagwapuhan! Ahem... Sana hindi niya nabasa isipan ko. Dahan dahang nawala ang liwanag at nakita ko ang napakagandang tanawin ng mundong ito... Ang ganda- Binitawan ko bigla ang tali dahil dahan dahang lumaki si Phobum at may lumabas kasi na isang puting sungay sa noo niya tapos may bigla nalang lumabas na pakpak sa likod niya na parang isang anghel tapos may kuminang kinang pa na silver dusts sa paligid niya! Hindi ko alam kung saan iyon nanggaling ang silver dusts na 'yun kaya napawow nalang ako sa ganda ni Phobum. Umiba na rin ang balahibo niya, tumaas siya at may maliit na mga nakabraid sa mataas na buhok nito sa likod na mas lalong gumaganda ito dahil isa 'yung color blue na mga gems ang mga nakatali. Yumuko ito sa harapan ko. "Paumanhin Amaya, kung hindi ako makapagsalita kanina." Deep manly voice... N-N-N-Nagsalita... Ramdam kong napatumba ako at nababalotan ng dilim ang mga paningin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD