Rave
Nandito kami sa loob ng meeting room ngayon kasama si Prince Allen at Benetha, the Earth element guardian. We are now waiting for the King to come inside. Tiningnan ko sandali ang hitsura ni Allen at nakasuot ito ng royal robe niya, nakatali ang matataas na puting buhok and he looks like a man right now.
Napansin nitong tiningnan ko ito kaya lumingon ito sa akin at nagthu-thumbs up ako sa dalawang kamay ko. Napailing nalang ito sa akin saka bumalik tingin sa upuan sa dulo kung saan ang upuan ng Hari. "Is he coming or what?" Pagbabasag sa katahimikan namin ni Allen.
"Just wait your majesty, be patient." Sabi ko nito habang nakatingin kaming tatlo sa upuan. Since the new Fire element guardian just won the Bonfire Kyousou last night, ay next week na 'yung papasok sa Cladonia Academy.
He lives in the church somewhere in Salsiarra kaya pinaanunsyo sa buong kaharian ang Bonfire Kyousou ang para makasali ang lahat at para malaman rin na kung sino ang karapat dapat na magiging Fire element guardian ni Allen last week.
But I didn't expect it to be that boy who lived in a church with the priest and nun. Akala ko nga na si Athea ang mananalo but she got roasted habang kalaban si Wazex. At 'nung nagkakalaban sila Wazex at 'nung lalake, it was a good fight, worth watching for. Sila nalang kasing dalawa ang huling natira.
Enjoy na enjoy nga ang headmaster kagabi. He loves war. Kaya tinatawagang God of war sa mundong ito. No Kingdom would dare to challege the Lemore Kingdom because of him.
Bigla nalang bumukas ang pinto galing sa likod namin at nakitang pumasok ang Hari sa simpleng damit nito na puting polo at leather vest tsaka striped pants. He looks like a normal commoner. The hell happened here?
"Sorry for the long wait. I was visiting the Fire element guardian as a commoner so I looked like this." Hindi na ako magugulat. He's like that. Hindi niya palaging pinapakita sa lahat ng nilalang na isa siyang Hari. I do console this old man sometimes but he won't listen.
He thinks like a boy. Napatingin nalang ako kay Prince Allen dito sa dulo katabi namin ni Benetha at napabuntong hininga. Like Father and son. No wonder. Nagmumukha na rin akong Sir Gaius sa pagsesermon ng dalawag 'to.
But they didn't know a single thing that they are alike. Ang awkward nga ng dalawang ito sa isa't isa eh. I just better to shut up. They can work it out. I am just living to protect the Prince. I don't give a damn about them. I won't waste my energy to a 'lil dog fight.
"Since the water element guardian is unconcious because of the incident last night at Lammorth Kingdom, the fox demon, Trix sent me a letter last night." Sabi nito sabay labas ng papel sa loob ng vest niya. Benetha went to Earth to get that letter last night kaya hindi nakapagpanood ng laban kundi ako lang.
It was very important that we should watch the fight though, but the water element guardian is the most important for the King, dunno why. "We should send Amaya back to the Earth, she has something to do there." Sabi ng Hari kaya kinibit ko ang mga balikat ko saka umupo ng mas komportable sa upuan. "A mission?" Tanong ko sa kaniya.
"Sounds like that." Sabi nito kaya napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Ano ba ang kailangan niyang gawin doon? Be more specific." Sabi ko nito at siningkitan naman ako nito ng mga mata niyang kulay asul. "I will assign you Rave, to keep an eye to her on Earth." Utos nito kaya napabuntong hininga ako then nodded. "Yessir." Bulong ko.
Ramdam kong may mga mata na nakatingin sa akin at nakatingin na pala ang dalawa sa akin. Allen's mind has a barrier so I can't read it.
"Makautos sa Hari parang sinong mataas." Rinig kong pagsabi sa utak ni Benetha kaya napakunot ang noo ko. Well, I can't blame them, mas close ko kasi ang Hari kesa sa kanila. Pinapagalitan ko nga ito eh. Pero kapag kami lang dalawa. I am his left hand.
"Whatever." Bulong ko.
------
Pumunta na ako kung saan nakahiga si Amaya na kwarto habang ang dalawa ay naiwan sa Hari dahil may pag-uusapan pa. I just sighed. May napapaginipan kasi ako kagabi tungkol sa isang babae na nakasama ko sa labas ng Topaz Wall. Hindi ko maalala ang mukha niya. But she was precious to me.
Dunno... maybe? I sighed again, I know it's some kind of pervy dream again so let's just move on about that topic.
Nandito na ako sa harapan ng pinto kung saan ang kwarto ni Amaya sa kastilyong ito. I dunno why the King treated her nicely, maybe because she's Sir Gaius' granddaughter? I raked my hair then knocked at the door. It took me seconds outside the door at wala paring sumagot kaya kumatok ulit ako pero wala paring sumagot.
I tried to opened the door and it wasn't locked. Binuksan ko na lang ang pinto, "Ms. Luna-" Bago pa ako makapagtapos sa pagsasalita ay may nakita akong itim na pigura sa tabi ni Amaya kaya alerto kong inilabas ang dagger ko saka ihinagis ito sa pigura pero hindi ito natatamaan at humalakhak lang sa tawa.
It was a woman's voice, and I don't like it. Napatingin ako kay Amaya na nakakatag ang mataas nitong buhok sa kama at halos nahahawakan na ito sa sahig. Bigla nalang akong may nakitang imahe sa isipan ko. Isang batang babae kaya napailing ulit ako.
Do I know her? Is this really Amaya? Ang iba kasi ng itsura niya kapag itinali ang kaniyang buhok. Napailing nalang ulit ako saka lumapit sa kaniya at ikinarga ito para ipalit sa kabilang kwarto. Sa kwarto ko nalang kaya, para si Leo ag magbabantay sa kaniya.
Leo is my Zedra, a white Lion, pero ayaw niyang lumabas ng kwarto, he hated people. Wait... is it a good idea to trust him to keep an eye of Amaya in my room? I think he would eat her alive. Nah, I can tame him and make him do my commands.
Nandito na ako sa pinto ng kwarto ko kaya pinihit ko ang doorknob habang karga karga si Amaya at nakita si Leo na tahimik lang sa loob ng madilim naming kwarto. Lumingon ito sa pwesto ko at bumangon saka lumapit sa akin.
"Put her down on the bed, I'll keep an eye on her." Sabi nito sa akin kaya nabigla ako sa sinabi niya. I know that our minds are linked together since he is my Zedra but this is...
"I know this girl for years so don't worry. And I won't ever forget her... even you have forgotten her." Bulong nito pero rinig ko parin. Alam ko na magkakilala na kami ni Amaya, noon. But I don't remember.
"Okay then, keep an eye on her Leo, I have to report something to the King." Sabi ko nito at tumango nalang siya kaya ginamit ko ang hangin ko para mapabilis ako saka dumaan sa bintana at dumeretso na sa Meeting room.
Bigla akong lumitaw sa likod ng Hari habang kausap ang Prinsepe at si Benetha kaya naputol ang pinag-uusapan nila dahil sa 'kin. "Sorry for the intrude but... mahal na kamahalan, may nakapasok na isang itim na pigura sa kwarto ng water element guardian habang siya ay tulog. Hindi ko alam kung saan iyon nanggaling pero nagtataka ako kung anong pakay nito sa water element guardian at paano ito nakakapasok sa barrier ng Headmaster." Sabi ko na nakayuko bilang respeto.
"That thing is showing up again huh?" Bulong nito pero rinig ko saka tumayo sa upuan niya. I think this is serious. Nakita niya rin 'yun.
"Dalhin mo ang water element guardian pabalik sa Earth at bantayin mo siya ng maigi, Benetha, Ember, go and hunt that the black figure. I know that thing will be defeated by you Ember, only by you." So Ember ang tawag nito kay Allen ngayon?
Ginawa na namin ang utos ng Hari kaya umalis na ako sa meeting room gamit ang hangin ko saka dumeretso sa kwarto ko at kinarga si Amaya. "Thank you for your time Leo, I must go now." Tumango lang si Leo sa akin kaya nilabas ko na ang portal ball ko saka niyugyog ito at may binulong.
"Luna residence." Bulong ko sa bola at nakita dito ang imahe ng isang mansyon kaya binagsak ko ito sa sahig at lumitaw ang portal sa sahig kaya nahulog ako dito, karga karga si Amaya sa mga braso ko.
Nababalutan na kami ng liwanag at nakita ang isang mansyon at ang babaeng nakasuot ng pulang blouse at itim na fitted skirt na katabi ang isang babaeng parang kasing-edad lang ni Amaya.
Lumabas na ako sa portal at tumapak sa lupa ng Earth. Naglaho na ang portal sa lupa at nagiging portal ball ulit ito kaya pinulot ko. "Master, ito na po 'yung Air element guardian na hinihintay natin." Sabi ng babaeng walang kaemosyon ang mukha.
Lumapit ang babae sa akin saka inabot ang kamay sa akin para makipag-shake hands. "Ikinagagalak kong makilala ang bagong Air element guardian. Please do cooperate with us. You should also act everything when that girl on your arms will be awoken." Napadikit nalang ang kilay ko sa sinabi niya.
Tama ba itong napuntahan ko? "Who are you?" Seryoso kong tanong nito kaya binaba nalang niya ang kaniyang kamay dahil alam na niyang wala akong balak na makipag-shake hands sa kaniya.
"I am Amaya's stepmother, and this is Ashley, Amaya's stepsister."
What in the world...?