Amaya Huminga ako ng malalim at tinukod ang siko ko sa desk at nilagay ang pisngi ko sa kamay ko... magtatatlong araw na at hindi pa rin nagpapakita si Ember! Ano na kaya ang nangyayari sa lala- este! Babaeng 'yun? Aish! Ano na bang nangyayari sa'kin?! Babae 'yun! Pero ang gwapo niya kasi kahit babae siya eh. Aish! Ano ka ba?! Gwapo ang hinahabol?! Wala ka talagang future niyan! Hayst... Hindi naman gwapo ang hinahabol ko... ang gentleman niya lang kasi... "Amaya!" Lumingon ako sa gilid ko at nakita ko si Leinne na nagwawave sa akin. Siya na kasi ang kasama ko tuwing recess pero sa lunch hindi, dahil gusto kong mapag-isa. Nilagay ko na ang notebook ko sa ilalim ng desk ko at nagwave pabalik sa kaniya. Lumapit siya sa akin at pati na rin si Benetha. Humarap si Benetha kay Leinne. "Ah.

