Amaya Hahayst... ika ilang kiss ko na nga ba si Manyak? Binilang ko ang mga daliri ko kung ilan na ba 'yung nahalikan kong mga lalake. Teka... prinsepe sa dark place, prinsepe sa labas ng kastilyo, prinsepe sa ilalim ng ilog at si manyak... hehe... Binagok ko ang ulo ko sa desk ko. Gahh... please huwag ninyong sabihin na first ko si manyak... ano ba naman ito? Puro panaginip lang pala 'yung mga prinsepe ko. Sana lalamunin nalang ako ng lupa... Hindi ko rin talaga nalaman kung sino talaga ang secret admirer ko, hinintay ko 'yun sa entrance door eh, 'yun 'yung sabi niya eh. Pero to be honest, ang gwapo talaga ni Ember 'nung gabing iyon. Pati rin si Rave... AAAHHHHH! I just sighed at tumingin kay Ma'am Femore sa harapan ng maayos. "When the Geothem Kingdom attacked in Lemore kingdom 10 ye

