Amaya Papatay kami ng dragon?! Kaya pala sinabi ni Allen na mahirap daw 'tong task namin ngayon! "Huy! Amaya! Okay ka lang ba?" I snapped out 'nung nagwawave si Allen sa mukha ko. Napakurap ako at tumayo sa upuan. "Ah... o-oo. Cr muna ako..." Sabi ko at tumayo. Dumaan ako dito sa pwesto ni Zage ay bigla nalang akong nadapa, kaya biglang nabagok ang noo ko sa kabilang mesa! "Ay! Nubayan?!" Sigaw ng dalawang babae sa akin. Tumayo ako habang hinawakan ang noo ko. Tiningnan ko ang dalawang babae sa mesa. S-sorry." Sabi ko habang atras ng atras dahil sa sakit ng noo ko. Ugh... anlakas ng pagkabagok ng ulo ko... Hindi ko namalayan na atras na pala ako ng atras kaya may nabangga na naman akong mga babae na lumalakad kaya dumeretso naman ang pwet ko sa sahig. "Aray! Ba't antanga?!" Sigaw ng

