Amaya Nandito na ako sa school ngayon, habang nakaharap sa lumulutang na teacher na may malalaking sunset colored na mga pakpak sa likod nito, pati na rin ang dress niya. Tiningnan ko si Ember sa ibaba habang nagsusulat siya ng notes. I sigh at sumandal sa upuan ko... Isang linggo na ang nakalipas noong nangyari ang C.A War at halos lahat na ng mga estudyante ay nagtatanong kung sino si Aquila dahil bububogin nila sa katangahan nito. Tiningnan ko si Ember sa baba ko. Mukhang galit parin 'to sa'kin.... ito kasi ang seating arrangement namin. Ember Allen Zikon Ako At hindi ko na kilala itong nandito sa likuran ko. Iba kasi 'tong upuan dito, parang pangcollege na mukhang hagdan, pataas ng pataas ang mga upuan, kaya kitang kita ko talaga dito ang teacher kasi walang ulong nakakaharang.

