Jed Nandito na kami sa harapan ng amponan ngayon. "Okay, hayy… nandito na tayo. Mr. Rusky, okay ka na ba?" Tanong niya sa rabbit habang bitbit ang basket. I sighed… what I did earlier was so embarrasing! Hanggang ngayon naramdaman ko pa rin 'yung malambot… na… u-uh… n-nervermind. "Yep, pero hindi ko talaga mapapatawad 'yung babaeng 'yun kanina! Ikaw lalake, okay na ba iyang pisngi mo?" Mr. Rusky asked me and I nodded. Sa totoo lang 'nung biglang dinilaan ni Aquila ang pisngi ko na dumudugo kanina ay parang nawalan ako ng hininga dahil sa dila niya and God… it was so… "Teka." Hinawakan ni Aquila ang pisngi ko kaya parang bumilis ang pagtibok ng puso ko at uminit ang tenga ko. "Naku! May poison pa palang natira sa sugat mo!" What? "Mr. Rusky, hold this." Utos niya kay Mr. Rusky sabay bi

