Allen I sighed habang sumandal sa puno at kaharap ang camp fire na ginawa ni Zage. "Ano 'to?" Tanong ko sa kanilang dalawa habang hinayaan ang mukha ko na pinopoke ng mga maliliit na magical creatures na 'to. "Bigay po iyan ng mahal na Prinsesa mahal na kamahalan." Sabi naman ni Benetha. "Tsk, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na tuwing umaga magiging isang babae ang Prinsepeng 'to." Bulong ni Zage sa sarili niya pero rinig ko pa rin. My guardians know everything now. "Asan na ba 'yung bruha?" Tanong ni Zage. I sighed again... hindi ko pala alam na inutusan palang pumunta si Himilda sa Kaharian namin ni Ama, and I almost killed her because she killed my knights because of her traps! At sinabi niya na hindi sa kaniya ang lahat na traps na nakapalibot sa bundok na ito. Lahat

