Mabilis na nangilid ang luha sa aking mga mata ngunit pinigilan ko lamang. Sumisikip ang aking pakiramdam at binubundol ako ng samo’t saring emosyon. Palagi ko iyong nakukwestyon sa totoo lang. May mga araw na kinukwestyon ko kung doon ba ako nagkulang, kung may hindi ba ako nagawa para lokohin ako ng ganoon. Lagi kong naiisip na baka nasa akin din ang problema kaya nagloko si Daniel, na baka ako rin ang may kasalanan. Kahit tinatatak ko na pinili niyang magloko, sa huli ay parang kinakain ako ng sarili kong insecurities. Sa huli ay mas sinisisi ko ang aking sarili dahil pakiramdam ko ay naging pabaya akong nobya kay Dan. Hindi ko nagampanan ang pagiging tunay niyang girlfriend. Hindi ko naiparamdam ang suportang kailangan niya at hindi ko man lang binigyan ng tsansa ang sarili na pum

