May mga lumalapit na sa aming kinaroroonan ni Vincent para pansinin ito ngunit talagang tinatanggihan ni Vincent ang mga ito. Ang sunod na lumapit ay grupo na at talagang niyayaya siya sa kanilang table. “I can’t...” ani Vincent habang nakangisi sa mga kaibigan at may isa pang babae na humihila sa kanyang braso. “Seriously, Vincent! You are so killjoy! Noong nakaraan ay iniwan mo ako sa isang party and then now you’re being snob. I mean, what’s wrong?” tanong ng babae. Siya siguro si Cassie, iyong nabasa kong mensahe sa cellphone ni Vincent. “I’m with Celeste right now,” paliwanag niya saka ako napansin ng kanyang mga kaibigan. Nilingon ako ni Vincent. “My friends,” aniya na ikinatango ko at ngumiti ng kaonti sa grupo nilang kuryoso na ang tingin sa akin. “Celeste? Hmm...

