Exam na ulit. Muli kaming naging abala sa pagr-review. Mas ginanahan akong magsunog ng kilay sa mga nagdaang araw. Hindi ko na masyadong inaalala ang nagpapabigat sa aking loob at ramdam ko kung paano na ako nakakahinga ng maluwag dahil sa naging pag-uusap namin ni Papa. Siguro nga ay makakaya ko na sa paunti-unting paghakbang. Hindi man gano’n ka bilis ang usad, ang mahalaga ay makarating ako sa aking pupuntahan. “Cee!” Bumungad si Dira sa aking harapan na nakasando lamang at cotton shorts. Nasa may lamesa ako at nagkalat ang mga notes. Ngiting ngiti siya kaya hindi ko tuloy maiwasang punahin iyon lalo na’t pakiramdam ko ay may binabalak na naman ito. “Ano ‘yon?” “Uh, actually nang-invite si Raf...” Tumitig ako ng matagal sa kanya. Parang nababasa ko na sa dulo ng kanyan

