54

2207 Words

Nagulat ako sa pahayag ni Daniel. Hindi ko iyon inaasahan at pakiramdam ko tuloy ay binibiro lamang ako nito lalo na’t may iba siyang intensyon. Nang makita niya ang aking pagkagulat ay halos mamangha siya. “So you’re not really aware?” tanong niya sa hindi makapaniwalang tinig. Dahan dahan pa ang aking iling lalo na’t nalilito rin talaga ako kung ano ang ibig nitong sabihin. Suminghap siya at nabasa ang labi. Sumulyap siya sa iilan ngunit ibinalik din naman sa akin. “Maraming nagkakagusto sa’yo. Hindi lang naman ako lalo na’t nababalitaan kong tipo ka rin noong ibang ka block ko,” aniya. Namilog ang aking mga mata at parang hindi halos magkasya sa aking isipan ang kanyang inamin. Totoo ba ‘yon? Baka naman nagkakamali lang sila. Baka nga... “Baka naman si Dira ang tinutuko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD