“Did you have fun? You looked like you’re having fun with Daniel,” may tabang sa tono ng pananalita ni Vincent habang tinitingnan ang isang picture na kuha ni Dira. Ngumuso ako lalo na’t sinungaling ako kung itatanggi kong hindi. Nag-enjoy naman ako kahit papaano. Maayos naman ang naging outing namin kahit na may nalamagi pa rin sa aking isipan. Hindi ko masipa paalis ang mga binitiwang salita ni Daniel noong gabing iyon. Naging saksi ang buwan at bituin sa mga pangakong binitiwan niya sa akin. Tamad niyang ibinaling ang atensyon sa akin nang hindi ako sumagot. Akmang pipitikin na ang aking noo ay hinawakan ko agad ang kanyang pulso para pigilan ito sa binabalak niyang gagawin. Nasa condo kaming dalawa. Kakadating lamang namin si Dira ay sinalubong agad kami ni Vincent. May dinala pa

