Unang halik ko ‘yon sa labi. Unang dampi ng halik sa labi ang ibinigay ni Daniel sa akin. Nakakagulat at halos hindi ko maramdaman ang paligid. Halo halo ang aking emosyon at nakakatuliro na hindi ko na na-digest ng maigi ang pinapanood ko. Oo at manunulat ako. Naisusulat ko naman kung ano ang pakiramdam ng mahalikan sa labi gaya ng mga nararanasan ng aking mga bida ngunit iyong maranasan ko mismo ay parang nakakamangha pala. Umaalon ang aking tiyan at para akong dinuduyan sa hangin dahil sa labis na emosyong yumayakap sa akin. Hindi ko alam kung hindi ko ba ‘yon nagustuhan o nagustuhan. Nasa gitna ako ng pagpapasya. Nasa gitna rin ako ng umaalon na emosyon at nagpapatangay lamang sa paulit ulit na hampas ng alon sa akin. “Let’s eat first. Ihahatid kita mamaya,” ani Daniel na ikinata

