“Haynaku kahit kailan talaga ‘yang si Kuya napaka bida bida!” ani Dira nang malaman ang tungkol sa kondisyon ni Vincent sa aking kaarawan. “Maiintindihan naman siguro ni Daniel ‘yon,” sabi ko at nagkibit. Nanliit agad ang mga mata ni Dira sa akin. “Alam mo, once na magiging kayo ay isa talaga ‘yan sa pag-aawayan niyo. You should know who to prioritize first. I mean, Kuya can wait. Pwede namang si Kuya ang magpaubaya,” si Dira. Pwede nga kaso sa pagiging mapilit ni Vincent ay sigurado akong hindi iyon papayag. At isa pa, kasalanan ko rin naman dahil hindi ko agad pinag-isipan ng maigi bago pumayag sa alok ni Daniel. Hindi naman siguro iyon ikakagalit ni Daniel kung sakaling imomove ko nalang. “Si Kuya talaga! Kaya ang hirap mong pormahan dahil sa kanya!” Naiiling na si Dira habang n

